CULTURE

LIFE ASKS: What about the laborers who can't work from home?

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

Amid the COVID-19 pandemic in the Philippines, left widely undiscussed is just how drastic the impact is for the urban poor. Photo by JL JAVIER

Manila (CNN Philippines Life) — As the cases of novel coronavirus in the Philippines increase daily, more Filipinos are finding themselves under a state of collective panic. Left widely undiscussed is just how drastic the impact is for the urban poor who already find difficulty in keeping their families fed for at least three times a day, much less unable to afford decent gear with which to protect themselves amid the COVID-19 pandemic. Low-income jobs also often entail tasks that cannot be performed remotely, so workers with such jobs are forced to brave the risks out in the open while a good percentage of middle-class workers are given the privilege of working from home under the discretion of their companies.

CNN Philippines Life went right to the streets to ask a few Filipinos who have no choice but to work and brave the streets: do they feel protected amid the global pandemic, or does their social status render them vulnerable to the virus compared to the more well-off members of society? Are they satisfied with the government’s actions in response to the COVID-19 outbreak? Diverse answers were offered by members of the masses, with some going as far as sharing that they do not believe in the existence of this pandemic in the Philippines.

Photo by JL JAVIER

Liezl Villostas, 47, tiangge vendor

“Hindi pantay ang proteksyon kumpara sa talagang may kaya dahil mas magagawa nilang makabili ng mas magandang klase ng gamot, para proteksyon sa kanilang mga sarili; mas magandang klase ng mask, hindi ‘yung katulad ng mga ordinary lang. Sa palagay ko’y hindi pa sapat [ang pag-iingat namin] dahil hindi pa rin talaga natin alam kung ano ‘yung dapat na gagawin kaya anuman ‘yung ginagawa namin, para lang makaiwas, pero hindi pa rin talaga kami sure kung makakaiwas talaga sa ganoong klase ng sakit.”

Photo by JL JAVIER

Melvin Javinez, 50, security guard

“Tungkol lang sa hindi pagkakaintindihan ng dalawang bansa ‘yan: China saka America. Social media lang ‘yan, e. Pinapakalat lang nila ng ganiyan. Hindi ako naniniwala diyan. Maraming pang nangyaring mga epidemiya at pananakit na hindi nababalita. Sabi nila requirement sa amin [ang mask] pero hindi ako naniniwala. Walang problema sa gobyerno. Siyempre pag-iingat para sa mga mamamayan ‘yan. Sumusunod sila sa kung ano ‘yung dumarating na [balita].”

Photo by JL JAVIER

Allan*, 32, jeepney barker

“‘Di ko masasabing sapat [ang ginagawa kong pang-proteksyon] kasi mahirap kalaban ‘yan, e. Hindi natin nakikita, e. Magkaibang-magkaiba ang proteksyon namin kumpara sa mayayaman, kasi sila unang-una, may sapat silang pera, may sapat silang tirahan na maayos kumpara sa aming mahihirap na ‘pag binuksan mo ‘yung bintana, open na, e. E sila aircon. Kaya masasabi mong malayo. Luging-lugi kaming mahihirap, kaya sila ang dapat maging mahirap. Lamang lang ang mahirap kasi sanay na sa init, sa germs.”

Photo by JL JAVIER

Jerry Mendoza, 36, jeepney driver

“Mas maganda, maghanap sila ng solusyon para sa gamot niyan talaga. Lahat naman ng pagkakamali diyan, sa kanila [gobyerno] nanggaling, e. Sa Chinese, sa kanila pala nagmula ‘yan. Iniwan nila ang Amerika, pinalit nila ‘yung mga Chinese na may sakit. Lahat ng tao natatakot. Kahit sa lugar namin, ang mga tao, ayaw lumabas, e.”

Photo by JL JAVIER

Norlito Cruzat, 40, bus driver

“Kahit mayaman o mahirap, ang [novel] coronavirus, wala po yatang pinipili. Para sa akin, hindi pa sapat ang binibigay nilang [gobyerno] mga proteksyon para labanan ‘yung [novel] coronavirus natin. Dapat po mag-ingat po tayo araw-araw.”

Photo by JL JAVIER

Michelle Tajuna, 37, street vendor

“Para sa ‘kin, parang fake news lang naman siya. Lahat nagpapanic dahil sa ginagawa nila, e. Magpapanic, ubo’t sipon lang, ika-quarantine na nila. Nakakatakot, nanood ako [ng video]. ‘Di ba parang ginagawa na nilang mga hayop ang mga tao doon [sa ibang bansa]? Mamaya mangyari sa atin ‘yan. Sa MRT yata ‘yun sa Hong Kong, ayaw nila palabasin [ang mga tao] tapos hinahabol nila dahil lang sa [novel] coronavirus. Dito sa atin, napakaimposible; mainit dito. Sabi nga nila ‘di ba, sa malamig lang [nabubuhay ang virus]. Baka naman ubo’t sipon lang ‘yun, trangkaso lang ‘yun.”

Photo by JL JAVIER

Shirley Ricare, 39, janitor

“Wala namang pinipili ang [novel] coronavirus, kung sinong kakapitan niya. Lahat naman ng tao pwede niyang kapitan. Kaya ‘yung proteksyon na ginagawa ng sa tingin mong may-kaya, kaya mo rin namang gawin sa sarili mo. Hygiene lang naman ‘yun.”

***

*name has been changed upon request of the interviewee