PNP handang makipag-ugnayan sa eksperto kaugnay ng drug war
Handa ang PNP na makipagtulungan sa mga eksperto para matiyak ang hustisya sa mga naging biktima ng giyera kontra droga ng Duterte administration.
Kasunod 'yan ng pagsisiwalat ng forensic pathologist na si Doctor Raquel Fortun na hindi naging tama ang autopsy sa drug war victim na si Kian Delos Santos.