Transcript of vice presidential debate

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

Metro Manila (CNN Philippines)

HONTIVEROS: Welcome to the CNN Philippines' Vice Presidential Debate! This is the third in the Pilipinas Debates 2016 Series organized by the Commission on Elections and in cooperation with the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, the University of Santo Tomas, and the Business Mirror. I'm Pia Hontiveros...

WEBB: ...And I'm Pinky Webb. Magandang hapon po sa inyong lahat!

(CROWD ROARS)

At mapapanood niyo po kami live sa free TV Channel 9 at live streaming sa cnnphilippines.com at CNN Philippines Facebook. Are you ready?

(CROWD ROARS)

Introducing… the six candidates for Vice President of the Republic of the Philippines!

In alphabetical order… Senator Alan Peter Cayetano!

(CROWD ROARS)

Running mate of Davao City Mayor Rodrigo Duterte

Senator Francis Chiz Escudero!

(CROWD ROARS)

Who is running, of course, with Senator Grace Poe!

Senator Gregorio Honasan

(CROWD ROARS)

Running mate of Vice President Jejomar Binay!

HONTIVEROS: Senator Bongbong Marcos!

(CROWD ROARS)

Running mate of Senator Miriam Defensor Santiago!

Representative of the third district of Camarines Sur, Maria Leonor Leny Robredo

(CROWD ROARS)

Running mate of former DILG Secretary Mar Roxas...

And Senator Antonio Sonny Trillanes!

(CROWD ROARS)

WEBB: Ladies and gentlemen, here are your candidates for Vice President of the Republic of the Philippines!

HONTIVEROS: Candidates, you may now take your positions behind your podiums while we go through the rules of the debate.

A minute and 45 seconds will be allotted for the opening statement, a minute will be dedicated to the closing statement. Candidates will have a minute and 30 seconds to answer a general question. These are questions that will require a response from all candidates. General questions will be answered from left to right in rotating sequence. It allows all candidates to have the opportunity to be the first to answer a general question.

Candidates will have one minute to answer a follow-up question. The same holds for questions that are asked only of specific candidates.

WEBB: Candidates will have one minute to do a rebuttal. A rebuttal can take place when a candidate is mentioned or alluded to or when a candidate's running mate is mentioned or alluded to. And, finally, when a candidate feels very strongly about the issue.

As moderators, please note, we will manage, navigate the conversation or the exchange between the candidates during this debate so, please, let us do our jobs.

To help keep track of time, there will be a timing device visible to all candidates. This signal (ALARM SOUNDS OFF) will alert a candidate that he or she only has 10 seconds left to complete an answer. This other sound (DIFFERENT ALARM SOUNDS OFF) will alert a candidate that his or her time is up.

HONTIVEROS: We'd also like to introduce to everyone the members of our panel this evening — CNN Philippines' Senior Correspondents David Santos and Ina Andolong and Business Mirror business columnist John Mangun. Our colleagues at CNN, Kristi Lu-Stout and Andrew Stevens and Ivan Watson, will have the last questions on foreign policy.

We have also compiled questions from social media and from select members of our live audience. Our other questions this evening are based on issues that matter most to Filipinos.

WEBB: Time now for all six candidates to give their opening statements. This will be in the form of an answer to this general question. The question is "What will define your leadership as Vice President of the Philippines?" Senator Cayetano, we'll start with you.

A. OPENING STATEMENTS

Q: What will define your leadership as Vice President of the Philippines

CAYETANO: No one can serve two masters, you will love one and hate the other. You cannot serve God and Money.. ‘yan po ang nasa Matthew 6:24. Ganyan din po sa public service. Kailangan po natin mamili. Interes ng lahat mamamayan o ng ilang mayayaman? Ang politika po lagi na lang tungkol sa politiko. Pero election is about you. Kayo po ang dapat ang sentro ng eleksyon. Fifty years na panay na lang Marcos, Cojuangco at Aquino, wala na bang iba?

(CROWD APPLAUSE)

Paano na kayo? Paano na si Nanay Gloria? Paano si Yen-yen? Si Nanay Gloria, nag-abroad para sa mas magandang kinabukasan ng kanyang anak. Nataniman ng bala, nawalan ng trabaho. Si Yen-yen kasama ang kanyang nanay, humihingi ng bigas kasama ang Kidapawan farmers, bala ang [i]sinoli sa kanila. Pagka-disperse nung gabi, nakahiga sila [sa] lapag. Ang sabi ng nanay, Yen-yen uwi na tayo. Sabi ni Yen-yen, paano tayo uuwi? Wala pa[ng] laman[g] bigas ang ating sako?

Paano po nakalimutan si Nanay Gloria? Paano po nakalimutan si Yen-yen? Paano nakalimutan ang mga gutom? Ang mga maysakit?

Sa pamamahala ng Duterte-Cayetano, sa awa ng Diyos, ipaglalaban namin kayo.

(CROWD APPLAUSE)

ESCUDERO: Magandang hapon po sa ating lahat. Ang kahirapan, walang pinipiling partido, ang pangangailangan, walang pinipiling kulay. Ang kalamidad, wala itong pinipili, kakilala man o hindi. Ang nais kong dalhing liderato, bilang inyong pangalawang pangulo, lideratong walang pinipiling serbisyo, lideratong pantay at pareho. Maski ang ating bandila, hindi lamang dilaw ang kulay. Meron din asul, pula, puti, Ang pinili naming kulay ni Senator Grace [ay] puti dahil ayaw naming lagyan ng kulay pamumulitika ang paninilbihan na nais naming ibigay sa ating mga kababayan.

Dapat pantay. (CROWD APPLAUSE) Dapat parehas, dapat walang pinipili. Ito’y ginawa at nagawa na namin noon, kung saan binigyan namin ng tulong ang bawat munisipyo at bawat ospital, regional or provincial man, na hindi kinikilala kung kapartido man o hindi ang nakaupo, na hindi kinikilala kung sumuporta man o bumoto ang mga nakaupo do’n. Dapat ganyan din po ang serbisyong publiko — pantay at parehas. Walang pinipili, walang kinikilingan, walang tinitingnan, walang tinititigan. Parehas ang pagtrato. At bilang inyong ikalawang pangulo, nais din namin dalhin ang liderato sa opisina ng pangalawang pangulo.

Liderato kung saan gigising po at papasok ako nang maaga. uunahin ko palagi ang interes ng mas nakakarami at hindi lamang ng iilan. Tatapusin ko palagi ang takdang tungkulin sa bawat araw na ibibigay sa akin para pagsilbihan kayo (COUGH) at pinapangako ko, kailanman hindi ako magnanakaw dahil hindi ako pinanganak at pinalaki ng aking magulang na magnakaw at maging magnanakaw.

(CROWD APPLAUSE)

HONASAN: I will bring to Vice Presidency the courage of my conviction and the audacity to act and make things happen. I've been a soldier for 17 years, a rebel for seven years, a senator of the republic for 18 years. I will work and continue to work for unity peace and prosperity and security. And I will do this because I look to harmony in our families, I look for cooperation in our communities, order in the state, inclusive progress for our nation, and security in our shores.

I will help anybody, anyone who will help build for the future of our most precious God-given resource, our next generation of citizens and leaders, our children. Salamat po.

(CROWD APPLAUSE)

(HECKLERS BOOING MARCOS)

HONTIVEROS:  Senator Bongbong your opening statement... Sir, It’s alright. Senator Marcos, please continue with your statement. Go ahead, go ahead, Sir. Can I ask please the members of the audience to please be seated?

WEBB: We already stated earlier and in a lot of newscasts and CNN Philippines that hecklers are not allowed in this venue and they will be escorted out of the venue. Please escort them outside the venue.

HONTIVEROS: Senator Marcos, can you continue now?

MARCOS: Can I have my time back, please?

HONTIVEROS: Yes, you can have your time back.

MARCOS: First of all, thank you for this opportunity to speak to the issues of the day especially here in the UST where Senator Miriam and I won in the last mock election, so, thank you for that.

(CROWD APPLAUSE)

Maaari pong sabihin na itong halalang ito ay isang pinaka-importanteng halalan sa ating kasaysayan. Marami tayo hinaharap, problema sa krimen, kakulangan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng bilihin, mahina ang ating edukasyon, walang suporta ang agrikultura, brownout at kung anu-ano pa.

Dalawapu’t pitong taon na po ako naninilbihan. Nagsimula po ako sa local kung saan kailangan humarap ang pamahalaan sa taumbayan. Ngunit hindi lang ako nasa legislature. Ako po ay dumaan din sa executive kung saan kailangan magbigay solusyon sa problema ng taumbayan at ipatupad ang mga solusyon na ‘yan. Ang kinakailangan natin ay leader na hindi namumulitika lamang.

Ang kailangan natin na (CROWD APPLAUSE) leader ay tapat sa kanyang pagsilbi, inuuna ang kapakanan ng marami.

Nandiyan po ang ating record at masasabi ko po na sa record ko — maliwanag na maliwanag — ‘yan ang sinundan ko: na magiging totoo sa pagsilbi sa taumbayan at inuuna ang kapakanan ng marami bago sa sarili.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Maraming salamat, Senator Marcos.

Congresswoman Leni Robredo, your opening statement, Ma’am.

ROBREDO: Magandang hapon po sa inyong lahat. Ang Robredo VP po ay magiging isang koro, hindi solo. Hindi sinosolo ang kapangyarihan. Lahat ng boses pinapakinggan. Bago po akong pulitiko pero halos buong buhay ko inilaan ko sa pagsisilbi sa mga nasa laylayan.

Sa napakatagal na panahon na ako ay naninilbihan bilang abogado ng mahihirap at tagapagtanggol ng kababaihan — boses nila ang alam ko, boses nila ang gumigising sa akin sa araw-araw. Boses ng mangingisda na nagbibigay sa akin ng kanilang bangka na matutulungan ‘pag ako ay naninilbihan sa kanila. Boses ng mga estudyante na kahit walang laman ang tiyan, naglalakad ng ilang oras para makapag-aral lamang. Boses ng kababaihan na kumakatok sa akin [nang] hatinggabi para lang makatakas sa karahasan. Ngayon po, boses niyo na lahat ang aking pinapakinggan.

(CROWD APPLAUSE)

Nauunawaan ko ang inyong mga minimithi. Ang panata ko, isang klaseng pamumuno na magbibigay sainyo [ng] inspirasyon at pagkakataon na mabuhay nang may dangal, may pagkain sa mesa araw-araw, may regular na trabaho. Kaya heto po ang aking pinapangako: isang pamahalaan na makikinig, isang pamahalaan na papakinggan niyo. Kaya sabay-sabay tayo iangat natin ang ating bansa.

(CROWD APPLAUSE)

PIA: Thank you, Congresswoman Robredo.

Senator Trillanes, your opening statement, please.

TRILLANES: (CROWD APPLAUSE) Ako po ay humaharap sa inyo base sa sarili kong kakayanan. Wala akong kamag-anak na politiko na gumawa ng aking pangalan. Ako ay naninilbihan bilang sundalo sa ating bayan. Noong 2003, ako at ang aking kasamahan ay naninidigan laban sa katiwalian at dahil dito, ako po ay nakulong ng pito at kalahating taon.

Habang nakakulong, inihalal niyo ako bilang senador at, simula noon, itinulak ko ang interes ng sambayanan at kasama ng ilang sektor ng ating lipunan, kagaya ng mga sundalo, pulis at mga teacher. Pinamunuan ko ang imbestigasyon na nag-expose sa ilang tiwaling opisyal ng gobyerno.

Kung gagawin nyo [ako]ng bise presidente, tututukan ko at lulutasin ang mga problema sa peace and order na kasama na ang lumalaganap na iligal na droga (CROWD APPLAUSE) dahil ako ay naniniwala na ito ang pangunahing hadlang sa pag-unlad ng ekonomiya na sIyang lulutas sa problema ng kahirapan. Ganun din, pamumunuan ko ang anti-corruption drive ng ating gobyerno [nang] sa ganoon, ang kaban ng bayan ay hindi na mapupunta sa bulsa ng iilan. Salamat po.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Thank you, Senator Trillanes. Thank you, candidates. Let’s begin with the debate proper. Our first topic this evening — corruption.

According to the 2015 Corruption Perception Index, the Philippines still belongs to the 50% of the most corrupt countries in the world. Of 168 countries, we are number 95. How can we ensure that you can fight corruption, especially for those of you who have been accused or linked to this problem? You have a minute and 30 second each.

We will begin with Senator Escudero.

ESCUDERO: Layunin namin para labanan ang katiwalian, ni Senator Grace, ang mga sumusunod.

Una, dapat ipasa ang matagal nang pinapangako ng administrasyon na FOI (Freedom of Information) bill. Ang FOI [ang] maglalagay ng ilaw at camera para sa bawat transaksyon ng pamahalaan, kung saan titiyakin natin at sisiguraduhin na kung sino man gagawa ng kalokohan at katarantaduhan, mahuhuli at madali makikita.

(CROWD APPLAUSE)

Pangalawa, kakilala man o hindi, titiyakin naming sino man nagnakaw — maski na piso sa kaban ng bayan — papanagutin at ikukulong sa harap ng hustisya. ‘Ika nga, "Sa presinto ka na magpaliwanag".

Pangatlo, for me, discretion [is] always equal[s] [to] corruption. So, therefore, if we minimize discretion, we will minimize corruption. Layon namin i-minimize ang discretion, kabilang na ang ilang measures na gusto naming gawin.

Halimbawa, sa [Bureau of] Customs, papalitan namin [a]ng uniporme nila. Bawal na ang may bulsa sa Customs.

(CROWD APPLAUSE)

Pangalawa, babaguhin namin ang kanilang mga lamesa, tulad po nito, salamin. Wala na pong mga drawer dapat. Sa pamamagitan nito at ng ibang bagay, layunin namin ipakita at patunayan: seryoso kami ni Senator Grace na labanan ang katiwalian.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS:Thank you, Senator Escudero. Senator Honasan...

HONASAN: [Ang] korupsyon ay seryosong isyu. Kailangan labanan at harapin. Pero the corruption issue is the implication of breakdown in control mechanism. Simulan sa FOI bill. Transparency. One-stop shop para hindi na dumaan sa manual; computerized pero pinakamahalaga, paigtingin at palakasin ang control mechanisms. Consider amendments in the local government code. Dinevolve natin ang authority at responsibilities, nakalimutan natin i-devolve ‘yung pera kaya nakapila na naman dito ang lahat sa NCR (National Capital Region). Pinopolitika pa ‘yung pila[ng] ‘yan.

Amend the auditing, amend the internal revenue code, empower our frontliners: local government, food, education, peace and order. Lahat ng ‘yan nakasalalay sa local government.

Full support disaster risk reduction management and higit sa lahat empower the citizenry with the very active public information system, educate the first sector but we need to educate the government sector, ensure that our leaders are elected not on basis of personalities but issues and platforms. Salamat po.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Thank you, Senator Honasan. Senator Marcos...

MARCOS: The corrosive influence of corruption is clear to see. Ito po ay napakalaking sagabal sa’ting progreso. Pero 'pag tayo ay magkaroon ng anti-corruption drive, kailangan pong maliwanag. Dapat pantay-pantay ang trato sa kahit sino — sila man ay magkaalyado, sila man ay magkalaban sa politika.

(CROWD APPLAUSE)

‘Wag natin lalagyan ng politika. Pati ba naman ‘yung paglaban sa korupsyon? Sa dalawampung taon na aking paninilbihan, maipagmamalaki ko po, wala po akong bahid ng korupsyon.

(CROWD APPLAUSE)

Itong record na ito ipagpapatuloy ko sa (HECKLERS BOO MARCOS) bilang inyong pangalawang pangulo.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Maraming salamat, Senator Marcos.

WEBB: Now let’s go to Congresswoman Leni Robredo. congresswoman...

ROBREDO: Ang pinakamahalaga sa anti-corruption drive na kami mismong namumuno walang bahid ng korupsyon para pinapaniwalaan kami ng tao.

(CROWD APPLAUSE)

May tatlong kailangan: accountabilitity ng lahat ng public official, transparency ng lahat ng government transaction, people participation. Noong ako po ay umupo bilang kinatawan noong 2013, ang mga nauna ko pong panukala, lahat anti-corruption, lahat po para sa good governance.

Sa unang araw ng aking panunungkulan, ang inihain ko pong panukalang batas, Full Disclosure Bill. Para po i-require ‘yung gobyerno na lahat ng financial transaction ay i-make-public sa publiko.

Atin pong version ng FOI, iba sa version ng Senado. Sa version ng Senado, demand-driven. Sinasabi po na ‘pag may request ng dokumento galing sa gobyerno, kailangan isiwalat ng gobyerno, pero ang version ko po ng FOI, kahit walang demand obligado na dapat ang (CROWD APPLAUSE) gobyerno to make documents public.

‘Pag upo ko po meron pang PDAF (Priority Development Assistance Fund) pero nag-file po ako ng resolution na dapat ang PDAF ma-convert into district development fund. Para po ang discretion, wala na po sa mga congressman pero dapat shine-share na po ito sa civil society. At nag-file din po ako ng Empowerment Bill para magkaroon na po ng people spaces sa governance.

(CROWD APPLAUSE)

WEBB: Maraming salamat po. Let’s now now go to Senator Trillanes...

TRILLANES: May mga template na po kung papaano masugpo ang korupsyon. Ito ay ginawa ng ibang bansa. Ang una nila[ng] ginawa ay tinaas ang sweldo. Kailangan ang sweldo ng kawani ng gobyerno ay sapat para di ma-engganyo na tumanggap ng suhol. ‘Yan po ang unang hakbang, pagkatapos po anti-corruption agency under the executive department. Sa ngayon po kasi wala tayong ganyang ahensya na kung saan kung merong isang ahensya nagkaroon ng anomalya, ang gingawa po ay pinapasa sa NBI (National Bureau of Investigation) o kung anong ahensya na ad-hoc lang o temporary lang.

Kung meron tayong anti-corruption agency, merong mag-iimbestiga, motu propio, and administratively pwede silang ma-dismiss o ma-suspend. ‘Yan po ang nawawala sa (sic) dito  ginagawa natin.

And sa side ng COA (Commission on Audit), kailangan baguhin ang auditing procedures. Kailangan tanggalin ang COA resident auditors dahil sila ay tinatakot, sinusuhulan. Ilan lang ‘yan sa mga tinutulak natin.

PINKY: Thank you. sir. Let’s now go to Senator Alan Peter Cayetano..

CAYETANO: Lahat ng nasa stage na ito ay nagsalita tungkol [sa] corruption pero, sa tingin ko, so far, si Senator Trillanes, Senator Honasan at ang inyong lingkod lang [ang] nagtaya ng buhay laban korupsyon.

Ganoong-ganoon na si Alan Cayetano ay lalaban sa corruption. Bukod sa walang [may] hawak sa amin sa leeg, walang malaking negosyante na pumo-pondo sa aming kampanya, sabihin ninyo, anong isyu ng corruption ng ating bansa at wala doon si Alan Cayetano?

EDSA1, EDSA2, kay (Jejomar) Binay, kay (Gloria) Arroyo, (Social Security System) SSS, fertilizer scam — lahat po noon nadoon kami at lumaban.

Meron po tayo kasama dito na ‘pag ibang hearings nawawala kasi mga kaibigan ang nandoon. ‘Pag coco levy nawawala.

Pero, nagulat po ako mga kababayan, sabi ni Bongbong (Marcos), wala raw bahid ang kanilang pamilya pero million dollars ang nanakaw ng pamilya nila. Four hundred fifty billion pesos.  Noong isang linggo lang po, nagulat ako, 205 million [pesos] po ang binigay sa Napoles ng mga NGO (non-government organization). Pork barrel po iyon ng — hindi ng tatay niya — pero siya. Hintayin nyo maging Vice President siya, baka isandaang bilyong dolyar na ang mawala satin.

WEBB: Alright. Senator Honasan, Senator Marcos was alluded to. Senator, I hope you don’t mind unahin ko po muna si Senator Bongbong. Sir, go ahead.

MARCOS: Unang-una, ‘yang malalaking numero na nababanggit ng ating kasamahan dito ay wala naman pinanggalingan. Nagtataka naman ako na sa tagal naming pagsasama ni Senator Alan e wala naman siyang binabanggit na naaala niya tungkol dyan. Bakit ngayon lang?

Sa kaso ng PDAF na sinasabi nya, nasagot na namin ‘yan.

At kung may ebidensya man tungkol sa ’kin, gagamitin po ‘yon ng pamahalaang ito dahil, you must remember, I am a Marcos and the President is an Aquino.

(CROWD CHEERS)

CAYETANO:  Because I was mentioned, can I rebut?

WEBB:  Yes. Okay, we’ll give you a chance, Sir, but after that we have to go to Senator Honasan and Senator Chiz Escudero. Senator Cayetano, go ahead.

CAYETANO: To be fair to you, Senator Bongbong, ‘yun din ang akala ko. Kung may Napoles ka, bakit ngayon lang? E tiningnan ko e. 2007-2009 lang ang audit. 2011 ‘yung sa’yo kaya ngayon lang lumabas.

Hindi totoong walang basehan ang numero. Two billion pesos na ang narecover ng PCGG (Presidential Commission on Good Governance). Ayan, Comelec (Commission on Elections) chair, dating chairman ng PCGG.

Hindi ko alam kung sa’kin siya natatawa o kay Senator Bongbong. Isang bilyong dolyar na, ngayon, ipinaglalabanan pa rin ng pamahalaan at Marcos family. Saan mo kukunin ang ganoon kalaki[ng] pera?

Sa SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) ni Senator Bongbong, 200 to 500 million pesos po e never ka naman nagkatrabaho kundi sa gobyerno. Saan mo kukunin ang ganoon kalaking pera?

WEBB: (To Honasan) You’re next sir..

HONASAN: May kasabihan: kung walang corrupt, walang mahirap. Iba ang pananaw ko: kung walang mahirap, walang corrupt. Kaya let's solve the poverty problem, the social injustice problem, educate our people more.

Pangalawa, kaya may FOI [bill] para may transparency. Corrupt irresponsible elements in media rendered our justice system irrelevant.

PINKY: Senator thank you, Senator Honasan. Senator Chiz, you’re next sir.

ESCUDERO: Si Senator Grace ang pangunahing sponsor ng FOI bill. Hindi totoong demand-driven ‘yun. Kung may pagkakaiba man sa bersyon ng Senado at Kongreso, sa Senado matagal na natin inaprubahan, sa Kamara de Representate hanggang ngayon ‘di pa rin inaaprubahan. Mahalaga sa’kin at pinapahalagahan ko ang delicadeza.

MARCOS (on Cayetano): Once again I have to question the numbers that Senator Cayetano is throwing around. Hindi naman talaga na-confirm. Wala naman dokumento sa kanilang sinasabi at wala tayong nakikita. Kami naman po ay kahit anong iutos ng korte ay aming sunusundan. Hindi maliwanag kung saan galling ‘yun, kundi sa iba't ibang tao, kaya tingnan natin ang facts na kanyang binibintang.

CAYETANO (on Marcos): Tingnan niyo ang interview ng mismong nanay ni Marcos. Sabi ng nanay niya, they practically owned all of the Philippines, telecoms, all these businesses. I-Google niyo recovered ng PCGG. It's all on the record.

Anong hearing sa corruption nakita niyo nag-appear ang isang Bongbong Marcos? Kahit ano[ng] issue ng corruption wala siya dito. Kami daw namumulitika? Pero itaya mo buhay at career niyo. ’Yun ang klase ng panlaban nila sa corruption. Salita lang walang gawa.

HONTIVEROS: Thank you, Senator Cayetano.  For the sake of this debate, we have to cool off nang kaunti. Pinky…

WEBB: Siguro mamaya pwede nating balikan at tanungin natin si Senator Marcos, ‘yung tanong po ni Senator Cayetano why he never appeared in the hearings of corruption. We’ll ask that later, Sir.

HONTIVEROS: Mamaya na.

WEBB: Pero, ngayon po, at this point, we have a ‘Yes or No’ portion. Yes or No. Green means ‘yes’, ‘no’ is red. Nandiyan po, nakikita na po ng ating mga kandidato ang kanilang kailangang itaas. Ready na po ba kayo?

Ito po ang tanong: Have you ever engaged in any corrupt practices?

(ALL SAYS NO; MARCOS INITIALLY RAISES YES BUT CHANGES TO NO; ROBREDO’S THUMBS DOWN IS POINTED TO MARCOS)

HONTIVEROS: Senator Marcos, are you sure about your answer? Can you hold them higher please? Live audience... Everybody has seen the answers.

WEBB: Thank you, candidates. Thank you for your answers for our first Yes or No question. You’re watching the Pilipinas Debates 2016 on CNN Philippines.

COMMERCIAL BREAK

HONTIVEROS: Welcome back to the Pilipinas Debates 2016 on CNN Philippines. The first and only official vice presidential debates. All candidates sharing the same one stage to answer all your questions.

Ang hirap bitawan ng issue ng corruption, kailangang sumagot pa si Senator Bongbong Marcos. Senator Marcos...

MARCOS: Maraming salamat. Nais kong sagutin dahil itong mga alegasyon na biglang nilalabas ng ating kaibigan ay tungkol sa PDAF.

Alam nyo po kung mababasa nyo ang affidavit ni Mrs. Napoles mismo, siya mismo ang nag-clear sa akin na sinasabi wala sya kinalaman sa’kin, wala kayo[ng] nakita[ng] picture na magkasama kami.

Kaya naman po maliwanag na maliwanag: wala ako kinalaman diyan sa PDAF scam na pinag-usapan. Nagugulat lang ako na lumalabas ngayon dito. Palagay ko dahil pamumulitka lang naman ang ating hinaharap.

Kaya ‘di mawala ang problema ng korupsyon dahil pati ba naman ‘yun ay pinupultika e eto ay serbisyo para sa tao sa pagpapaganda ng ating buhay at ng ating bansa.

ROBREDO: Yung sa akin lang po, binanggit kasi ni Chiz (Escudero) na ang essence ng korupsyon, ‘yung discretion, dapat tinatanggal ang discretion sa public officials para hindi nagkakaroon ng malaking puwang para sa korupsyon. Kaya yung tanong ko po napakatagal na nyang Congressman, napakatagal nyang nag senador.. nakinabang sa pdaf.. Anong ginawa nya para matanggal ang discretion.

ESCUDERO: Ako ang finance committee chair ng Senado na nagpatupad ng pasya at desisyon ng Korte Suprema na nag abolish sa pdaf. In fact sinulat namin sa GAA mismo yung eksaktong pangungusap sa desisyon ng korte.. sa kauna-ununahang GAA na nagbawal sa pdaf.. chairman po ako ng committee on finance na gumawa nun.

ROBREDO: Kahit kami sa kongreso pinasa rin namin yung GAA. Pero hindi po yun yung tanong ko. Yung tanong ko napakatagal nyang Congressman..Yung PDAF tinanggal ngayon lang pong term naming..ano ginawa nya dati para maiwasan ang discretion?

ESCUDERO: Did I do anything in the past? Alam nyo po siyam na taon akong walang pdaf sa ilalim ng admin ni pangulong Arroyo dahil ipinaglaban ko ang katotohanan at ang kalayaan ng ating halalan. Ni hindi issue ang pdaf dahil sa mahabang panahon na ako'y kongresista, walang nirelease sakin na PDAF sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Arroyo…

HONASAN: Yun ang sinasabi ko kanina pa. seryosong issue ito ah. Katiwalian, PDAF, DAP, corruption.. San ito dedesisyunan? Sa ganitong sitwasyon ba o sa tamang korte? Ano ang nangyari sa bill of rights? Hindi ako abugado pero no person should be deprived of life, liberty and property without due process of law.. sa tamang panahon, tamang korte.

WEBB: Senator Trillanes, please, Sir...

TRILLANES: Sir Greg, with all due respect pero I will have to disagree dahil yan ang linya ni VP Binay palagi.  In my case ako ay nag imbestiga, ako po ay imbestigador. Nakita ko ang mga dokumento at sa aking paniniwala si VP Binay ay nangurakot. Nobody can change that kasi yun ang aking paniniwala. And I have the right to say that dahil nakita ko mismo, Na-interview ko ang mga testigo, at nakita ko yung mga dokumento.. I have every right..

HONTIVEROS: Are you finished, Senator? I’m sorry but this is not a presidential debate so we cannot ask the vice president to respond. But Senator Honasan will have to respond for him.

WEBB: Would you like to respond on behalf of the vice president?

HONASAN: Not on behalf of the VP as a matter of principle. In 1986 lumabas ako sa sistema dahil hindi sinusunod yung batas. 20 yrs ago bumalik ako… so ang sinasabi natin ngayon mali ako? Mali. Hindi na susundin ang batas, hindi na susundin ang rules. Is this what we are going to tell the rebels?

TRILLANES: Sir Greg di naman ako husgado. Yung pagsasabi ko na corrupt si VP Binay, ang basehan nun ay mga ebidensya dun sa imbestigasyon ko. Nasa karapatan ko rin yun under the bill of rights. I can express that at eto. Hindi ito haka haka kundi based on evidence.

WEBB: We’re gonna have to go to our next question. Yung next question will be coming from a member of our live audience. Let’s welcome RJ Naguit. RJ is a medical student and a member of UST’s Aktiboto. And this question is for Senator Cayetano. RJ, what’s your question?

RJ NAGUIT: What do you think is the most appropriate penalty for graft and corruption?

CAYETANO: Lahat sa buong mundo, sa science ng criminology, it's not the actual penalty but the certainty na mahuhuli ka..Sa Pilipinas, pag antibitocs, pandesal ang nanakawin mo sigurado huli ka. pag nagnakaw ka ng malaki, magiging congressman ka, pag mas malaki ninakaw mo, magiging Senador ka.. pag barkada mo si napoles, syempre si Napoles iki-clear ka, barkada nya e. magiging Vice President ka.. at pag naging Presidente ka, mga kasama mo, kasama mo na sa korupsyon. You go to the LTO, kumuha ka lisensya, korupsyon.

Bumili ka ng bahay sa taxes, corruption. Buong buhay natin korupsyon, wag na tayong magbulag bulagan unless we change the system..and only duterte cayetano guarantees that in 6 months.. Everyone else, takot mag guarantee sa inyo na anim na buwan tanggal ang korupsyon.

HONTIVEROS: Senator Cayetano, sandali lang po. So your answer is, what is the appropriate penalty?

CAYETANO: It’s not the penalty… the certainty that you will be caught and you will be punished. So kung sigurado kang mahuhuli, kahit isang araw nakulong yan, kahit sampung araw nakulong, matitigil ang graft and corruption. Pero di tulad ngayon, nahuli ka, sa hotel naman ang bilibid, nagluluto pa ng shabu, e di ok lang na mahuli ka.

MARCOS: Sinasabi ni Sen. Alan, pag malaki ninakaw mo magiging congressman..mas malaki magiging Senador. Is that how you became Congressman? Is that how you became Senator? That's not how I became Congressman. It's not how I became Senator.

CAYETANO: Well mga kababayan, alam kong sa Europe nag aral si Senator Bongbong kahit peke yung diploma pero ang sinabi mo na maging Congressman ka, sarcasm na yan. Not to all. Kung ako ay naging Congressman dahil corrupt, e di sana hindi ako sumama sa EDSA 1, EDSA 2. Hindi ako lumaban sa korupsyon ni Binay, hindi ako lumaban sa korupsyon ni Arroyo.. But Senator Marcos, nasan ka pag korupsyon ang pinag-uusapan. Wala ka sa hearing. Naalala ko tuloy, pag hearing ng korupsyon wala ka. Nung hearing ni Napoles, galit sya lumapit sa akin kasi pinapatawag ko ang isang Maia Santos..nalaman ko ngayon kung bakit. Dahil lumalabas yung na file sa Ombudsman, yun pala ang in between ni Sen. Bongbong at ni Napoles.

WEBB: Sen. Marcos bakit hindi daw kayo nagpapakita sa Senado tuwing hearing sa corruption?

MARCOS: Dahil maliwanag na maliwanag sa akin na ang kanila ginagawa ay hindi anti-corruption kundi pamumulitika. Hindi ako sasama sa ganyang klaseng pamumulitika na itinataya at ginagamit ang dapat na pantulong sa ating kababayan.. ang pamumulitika, ang kunwari ay anti-corruption. Yun lamang ay itinataas ang sariling bangko. Senator Alan dapat tiyakin mo muna sa ulo mo kung ano ang mga sinasabi mo.

CAYETANO: Tiyak ko ang ninakaw ng mga Marcos sa Pilipinas. Tiyak na tiyak ko yun.

TRILLANES: I take offense dun sa sinabi ni Sen. Marcos na ginawa namin yun sa pamumulitika yun. Alam nyo kung di namin ginawa yun, si VP Binay sana ang magiging presidente ng bansa. Kung mahal mo ang Pilipinas, hindi mo gagawin yun. Hindi pamumulitika yun, pagmamahal sa bansa yun. Marami kaming ni-risk. Hinarass kami, binastos kami, tinakot kami at yun ang pinagdaanan naming sa paglaban namin kay Binay.

WEBB: Candidates, I’d like to say thank you to RJ Naguit for the question. Please, anyone, feel free to answer his question. What do you think is the appropriate penalty for corruption? Anyone, please? Just to satisfy the question.

TRILLANES: Hindi naman pwedeng yung petty theft ay gaya sa penalty ng plunder. Kung plunder e di mas mataas yung penalty niya. Kung ina-allow na yung reclusion perpetua, so ganun pa rin. The highest na binibigay satin. Pero kung mga kotong cops, hindi pwede na habambuhay kulong din. Dapat bigyan mo rin pagkakataon na mare-indoctrinate. Ma-rehabilitate ang offender para pwede siya mapakinabangan ng lipunan.

HONTIVEROS: Ang init ng debate on corruption, I think we really have to move on. I think we’ll try to go back to this issue later on in the debate. But first, this next question will be coming from a member of our panel from the Business Mirror, let’s welcome columnist Mr. John Mangun. John has a question for Senator Trillanes. Go ahead, Sir...

JOHN MANGUN: I have been in the Philippines for 13 years, I’ve seen the giant economic stride that has been made. However, the Philippines has never been to turn the corner on sustainable significant poverty reduction. Senator, the only thing that’s going to cheer poverty is economic growth and economic growth, requires investment in the form of domestic and investors feel that the Philippines has a weak rule of law. It’s hard to do business when policies from the government are  unpredictable as we saw in 2010 with the minor laws. The Philippines has been recently criticized from weak judicial system that is slow, underfunded,and subject to intimidation both by the government and the private sectors. What can be done to improve the judiciary system of the Philippines?

TRILLANES: I have proposed several measures to reform the judicial system. One is the institutionalization of the internal ombudsman for the judiciary that will allow them to have the mechanism to police the ranks. Right now, we don't have that. All the administrative cases are passed on to the court administrator whose primary role is to conduct or to oversee the administrative matters. So by having the internal ombudsman they would be able to police the ranks another measure I am proposing is the creation of the marshall service. This will allow them to be secured, because in areas or in some cases wherein it would be dangerous, or they are facing, or the accused are very dangerous people, some of the judges feel vulnerable that's why they feel intimidated and eventually they give in.

(APPLAUSE)

HONTIVEROS: Senator Honasan.

HONASAN: It's our lack of predictability, sustainability, and  continuity. New president, new medium-term economic development program. We’re perpetually into medium-term planning. Second, we must reinforce our political party system. Third, convene the LEDAC legislative, executive advisory council, so that we can hammer out our national agenda and our priorities through our publance in economic in nature, but first steps must be political.

(APPLAUSE)

WEBB: Congresswoman Leni Robredo would you like to weigh in on the subject?

ROBREDO: I would have to agree with both of them, but I would like to add that we need to improve the ease of doing business in the Philippines. Most business people from all over the world have been complaining that it’s very difficult for them to start a business in the Philippines. But your question on judicial reforms, while I agree on most of the points of Senator Trillanes, I think he is missing one very important point and that is to make sure that  judicial appointments will not be political anymore.

(APPLAUSE)

HONTIVEROS: Thank you, Congresswoman Leni Robredo. Before we  take a break, time now for a yes-or-no question. This question was sent to us via Facebook by MBMEST2012, so please candidates get your sign boards. Ang tanong: Dapat bang isama sa Death Penalty ang mapapatunayang kurakot? Senator Cayetano is saying yes, Senators Marcos, Trillanes, Escudero, Honasan, Congresswoman Robredo said NO.

(EVERYONE ANSWERED NO EXCEPT CAYETANO)

COMMERCIAL BREAK

WEBB: CNN Philippines welcomes you back to the first vice presidential debate. And this next question will be for Congresswoman Leni Robredo. And it’s coming from CNN Asia Pacific Editor Andrew Stevens.

ANDREW STEVENS: Thanks very much for giving me the opportunity to be a part of the CNN Philippines Vice Presidential Election Debate. And my question is, under President Aquino, the Philippines’ economy became the fastest growing in Southeast Asia. What would you do to make sure that growth continues?

WEBB: Congresswoman.

ROBREDO: Yung sa akin po ngayon makikita natin na yung growth rate talagang highest na, highest na hindi lang po dito sa ating neighboring countries pero historically. Pero hindi pa ngayon masyado nararamdaman yung inclusive growth. Marami na pong mga programang sinimulan ang ating gobyerno na kailangan ituloy pero hindi 'yon sufficient. Kailangan pa po dagdagan yung napakaraming programa. Halimbawa po, ngayon po yung ating 4Ps name-measure na po yung gains noon, marami na po yung natanggal na mga individuals, 28 million individuals, wala na po sa kahirapan. Pero kulang pa po yun kasi ang kulang nun sustainability. Kaya po tayo ay lalong sumusulong na dagdagan ito. May apat pa na Ps na kailangan idagdag: pabahay, pagkain, panghanapbuhay, at saka po paghahanada po sa lahat ng sakuna. Kapag hindi po sila hinanda, hindi din masu-sustain yung growth.

(APPLAUSE)

WEBB: Does anyone want to rebut? Okay Senator Marcos go ahead sir.

MARCOS: Totoo nga, laging naririnig sa economic managers na…

(BOOING)

MARCOS: ...napakabilis ng ating growth rate dito sa Pilipinas.

HONTIVEROS: Can we please appeal to our audience to give our candidate a chance to speak? Please. Thank you very much. Go ahead Senator Marcos.

MARCOS: Walang ibig sabihin ang growth rate kapag ang poverty rate ay hindi nagbabago, kapag ang mortality rate ay hindi nagbabago.

Ang sa palagay ko, ang problema ay kahit sinasabi na inclusive growth, hindi nga inclusive dahil hindi nararamdaman ng pangkaraniwang mamamayang Pilipino kaya kailangan po natin gawin lahat ng paraan, na para pababain kung mayroon mang yaman pumapasok sa Pilipinas ay dapat pumunta sa taumbayan.

Hindi lang dapat sa mayayaman, kundi malalaking korporasyon. Kung hindi, dapat ilipat sa mga naghihirap. Hanggang ngayon, hindi pa nila nararamdaman yung pinagmamalaking growth rate sa ating administrasyon.

WEBB: Kanina po, si Senator Chiz umiiling, gumaganun. Senator Chiz, bakit po?

ESCUDERO: Ikaw naman, muntik lang ako masamid sa tubig na iniinom ko.

WEBB: Hindi eh nakita ko eh, ang haba.

ESCUDERO: Hayaan mo na, sige sasabihin ko. Tama si Congresswoman Leni, gayun din si Senator Marcos: Hindi inclusive ang growth, hindi nararamdaman sa bawat sulok ng bansa. Naiiwan pa rin ang magsasaka at mangigingisda. Naiiwan ang pinakamahirap sa ating mga kababayan. Itong pagyaman ng bansa, mas yumayaman lang ang dati nang mayaman.

Ang importante at ang hamon sa administrasyong ito at sa susunod: Dapat mo paramdam sa pinakamahirap na ating kababayan. Bakit tuwing gumagawa ng kalye ang gobyerno, hindi pinagbabayad ang mayamang may kotse na gumagamit nun. Pero tuwing gagawa ng irigasyon para sa magsasaka, pinagbabayad siya sa kada litro ng tubig na dadaan dun. Kung sinong mahirap, yun pa ang pinagbabayad. Kung sinong mayaman, yun pa ang libre at walang bayad. Dapat baguhin yan sa susunod na administrasyon.

(APPLAUSE)

WEBB: Senator Cayetano muna, Congresswoman.

CAYETANO: Ang ekonomiya po ay lumalago. Pero krimen, droga, at poverty ay siya ding lumalago din at guma-grabe. Paano namin susolusyunan ito ni Mayor Duterte? Unang-una po, kami lang ang may urgent na pananaw ngayon na sa anim na buwan, aalisin ang droga at krimen. Pangalawa po, kami lang ang naninwala na ang sistema ay sira.

We have to fix the system. We should start with economic federalism, not only the urban centers but the rural centers. Three, massive infrastructure, transportation system like the Mindanao railways system, Legazpi to La Union. But these cannot be done kung si Abaya secretary mo.

(APPLAUSE)

CAYETANO: 2050 pa bago magawa yan. Four, corruption. For every peso collected, two pesos is not to be collected. So in the end, it's not the platform but it's political will that will win the day.

(APPLAUSE)

HONTIVEROS: All right we need to move on. Senator Cayetano, thank you very much for that statement. Sayang wala dito si Secretary Abaya, pero hindi rin po siya pwede sumagot. Anyway, so far we’ve been talking about corruption at napaka-exciting kapag corruption ang pinaguusapan. Sabi nga raw sa Social Media, parang Pacquaio versus Bradley part two.

Ano to, Marcos versus Cayetano? Also poverty, economic growth...

Now we move on to Political Dynasties. A German think tank, Bertelsmann Foundation said “True progress in the Philippines is a pipedream unless we dismantle dynasties that controls politics and business. There are a number of other studies out there that says oligarchies get in the way of democracy.” We’re going to get some quick answers now via yes or no here to see where our vice presidential candidates stand on the issues of Political Dynasties. Candidates, please show us your sign boards:

Do you belong to Political Dynasties?

(Cayetano, Escudero, Marcos answered Yes while No for Leni, Trillanes and Honasan)

HONTIVEROS: We’re now going to call a member of our panel. Ina Andolong, senior correspondent of CNN Philippines. Ina, go ahead.

INA ANDOLONG: Good afternoon. My question is for Senators Escudero and Honasan. In the absence of an anti-political dynasty law, how would you keep political dynasties in check?

PIA: Senator Escudero, you first.

ESCUDERO: Pinayahag ko po ang position ko sa senado, pabor ako at boboto ako sa anti-dynasty measure. Pero hindi ako lalahok sa paghubog nito. Naniniwala kasi ako hindi tama na makilahok ang sino mang nanggaling diyan kaugnay sa pagsusulat ng batas na magbabawal din diyan. Ang problema, pag hindi ako bumoto at hindi ako makilahok sa pagboto, baka kulang na ho ang senador para bumoto ron sa dami ng miyembro na nanggaling sa isang political dynasty.

How do you keep it in check? Sa maraming panahon at pagkakataon sa nagdaang mga eleksyon, hindi ko sinuportahan ang mga kamag-anak kong tumatakbo. Dahil hindi ako naniniwala ng mga panahong iyon, sa mga pagkakataon iyon, na sila’y karapat-dapat. Bagama’t parehong apelyido ang dinadala namin, bagama’t kamag-anak ko rin sila. Dahil sa pananaw at palagay ko, palagi kong ipaglalaban ang kung ano ang tama at palaging lalabanan ko ang mali.

HONTIVEROS: Your father was once a congressman also.

ESCUDERO: Yes ma’am.

HONTIVEROS: And you did not support him?

ESCUDERO: No, ma’am. Ibang kandidato. Ikaw naman, no ma’am. Hindi pa ako bumuboto nung una siyang tumakbo.

HONTIVEROS: Ganoon, okay. Senator Honasan.

HONASAN: Medyo hinay-hinay tayo rito sa dynasty. Unang-una, di pa natin alam kung ano ang definition ng dynasty. It was certified as urgent during the time of President Ramos; it never got off the ground. Second, let’s not make hasty decisions and get complete, timely, accurate information. Find out and apply it to every locality if dynasties serve public interest or not. Then we make a decision.

(APPLAUSE)

HONTIVEROS: Senator Trillanes first.

WEBB: Let’s go to Congresswoman Leni Robredo first.

HONTIVEROS: I’m sorry, Congresswoman Leni Robredo po. Nauna si Senator Trillanes. Ladies first, go ahead ma’am.

ROBREDO: Yung tinataas po ng kamay ko kanina pa, sa unang tanong sa akin na magre-rebut sana ako.

HONTIVEROS: Oh okay, would you still like to speak?

ROBREDO: Or after the political dynasty thing. Pwede na ba ngayon? But is it still about the...

HONTIVEROS: Sige, political dynasty na muna. Senator Trillanes. I’m sorry about that ma’am. Go ahead sir.

TRILLANES: Ako po, hindi ako naniniwala na ang magiging basis ng pagboto ng isang tao nakasalalay sa pangalan. Kailangan titingnan natin kung siya ba ay kurakot o hindi, whether may kamag-anak siya o wala siyang kamaganak. Ngayon just to clarify, uhm, si Senator Chiz, your mother is the congressman — (HONTIVEROS: Congresswoman) — ng Sorsogon, Congresswoman of Sorsogon. So bakit in the interest of transparency, ba’t hindi mo inilabas kanina nung tinatanong ka ni Senator Pia.

ESCUDERO: May I?

HONTIVEROS: Of course, Senator Escudero.

ESCUDERO: Ang tanong ni Pia kanina Sonny kung sinuportahan ko hindi ang tatay ko. Tumatakbong mambabatas ang nanay ko at wala siyang kalaban sa aming distrito, pero tama ka din. Sa dulo ang pinakamagandang pang-check sa ano mang dinastiya o kung sa ano mang pagtakbo ng sino man ang nais manilbihan, ang taumbayan. Dahil sa dulo, sila naman talaga ang may hawak kung sino ang nais nilang manilbihan sa anumang pwesto sa ating bansa.

(APPLAUSE)

PIA: Senator Marcos.

MARCOS: Totoo nga yung nabanggit na tayo dito sa Pilipinas, meron tayong sa ating pamumulitika. Meron tayong tinatawag na generational na nangyari may mga political families talaga ngunit may mandato tayo sa konstitusyon na tayo ay dapat magpasa ng isang Anti-Dynasty Bill. Kaya naman po sa aking palagay, kung sino man dito ang kasama sa isang political dynasty, kalimutan niyo na po ang mga pangalan namin, mga apelyido namin at tignan ninyo ano ang record namin sa pagtulong sa taumbayan.

Tingnan ninyo kung gaano kahaba ang ating karanasan. Tingnan po ninyo kung sino talaga ang may ginawa. Mayroon pa po akong idadagdag. Meron po kaming pinasa na tinatawag na SK Reform Bill. Kasama po diyan sa SK Reform bill, ang pinakakauna-unahang Anti-Dynasty Provision sa kahit na anong batas dito sa Pilipinas. Napakabagsik po. Nauna po ako sa pagsulat sa Anti-Dynasty Provision sa kahit anong batas. Maraming salamat po.

WEBB: I believe Congresswoman Leni Robredo filed a case, uh, filed a bill in Congress and did it go as far as Second Reading?

ROBREDO: Nasa Second Reading na po siya ngayon. Isa po ako sa mga co-authors ng Anti-Political Dynasty Bill, isa din po ako doon sa co-authors ng SK Reform Bill na merong Anti-Dynasty Provisions. Pero tama po yung sinasabi ni Senator Marcos na Constitutional Provision po satin na dapat yung Kongreso magpasa in the interest of equal opportunities. Dapat magpasa ng isang batas para ibawal yung political dynasty, pero ngayon po, kailan po yung ating constitution 1987.

Ngayon po wala pa ring naipapasa. Bawat kongreso po may naghahain ng panukalang batas pero hindi siya nagiging batas. Ngayon po sa 16th Congress, siya yata yung pinakamahabang narating at nasa Second Reading na. Pero eto po, totoong may mga political dynasties na maaayos, totoong merong hindi. Pero po ang pinaguusapan dito, hindi yung capacity pero equal opportunity. Meron pong study ang AIM na halos directly related yung karamihan ng political dynasty sa poverty ng lugar.

(APPLAUSE)

WEBB: Congresswoman, thank you. Senator Cayetano and then Senator Gringo Honasan.

CAYETANO: Kung magkakabatas po, hindi ko hahadlangan kung yan ang gusto ng tao — at tutal, mas magaling naman ang asawa kong politiko sa akin. Pero yung sinabi po ni Senator Marcos na kalimutan pangalan namin, kalimutan history, eto po tanong ko. Hindi, isipin niyo lang po whether you are for or against him, isipin niyo po to ha...

MARCOS: Wala po akong sinasabing kalimutan history. Huwag ka naman mag-imbento.

CAYETANO: Can I have 10 more seconds because I am being interrupted? Oras ko naman ito eh. Hindi ito Martial Law na walang rules. May rules po dito eh.

HONTIVEROS: Hold on. Can we please request the candidates to speak one at a time. So thank you Senator Marcos. Senator Cayetano, you can stick to the question po.

CAYETANO: Can I have one minute? Or pati iyon, nanakawin mo pa rin?

HONTIVEROS: Senator Cayetano? You can stick to the question.

CAYETANO: Sabi niya, burahin daw yung mga pangalan. Wag titignan yung dynasty. Ito po tanong ko sa inyo. Have an open mind. If 30-40 years from now, tumakbo yung apo ni Napoles, wala siyang kasalanan sa ginawa ng kanyang lola, pero pera po ng lola niya na ninakaw sa inyo ang gagamitin sa kanyang campaign ads, sa pagbigay sa Mayor, sa pagbigay sa lahat. So ang dynasty po, meron talagang problema.

Lahat po kami may problema sa dynasty. Sa Liberal Party po, dynasty ng mga Abaya, and alam naman natin napaka-corrupt na pagdating sa LRT, MRT hindi masipa. Dynasty po na may kinalaman sa jueteng sa Pampanga, ine-endorse ang mga Liberal.

Meron pong problema sa dynasty. How do we solve it? I don’t know right now. But this is what I can tell you. Political will against corruption. Alam niyo po ba bakit ako nangaaway? Nang-aaway po ako para buhay niyo ganyan (flashes thumbs-up sign). Pag hindi po ako nang-away at tumahimik, ang buhay niyo po ganyan (flashes thumbs-down sign). Kaya pasensya na po kayo, sasabihin ko po sa inyo ang totoo.

HONTIVEROS: Alright one. One response from Senator Marcos, then we're gonna be moving on.

MARCOS: Maraming sinasabi ang ating kaibigan Senator Alan, kung anu-ano raw ang pinagsasabi ko, hindi naman po totoo. Paki tingnan niyo naman po kung ano yung ating ginagawa. Pag-usapan natin kung ano ba ang nagawa ng kahit sino kagaya ng aking sinabi. Ako lamang dito sa nakaharap sa inyo ang sumulat ng isang provision ng anti-dynasty sa kaisa-isahang batas na napasa na may Anti-Dynasty Provision. Yan po, wala na pong kailangan ipaliwanag. Maliwanag na maliwanag, record po ‘yan.

WEBB: Senator Honasan, go ahead sir.

HONASAN: Pinky, Pia. Kaya nauuwi na naman sa dynasties, sa personalities, dahil wala tayong functioning political party system. And if we need to confront the issue of Charter Change to rectify this, then so be it. Para plataporma ang pinaguusapan, political parties na tumutugon talaga sa pangangailangan ng taong bayan.

WEBB: Mauuwi din po ito sa isang very interesting question in a while, after we listen to senator, uh, I’m sorry, to Congresswoman Robredo.

ROBREDO: Yung sa akin po, kunektado po to sa dating tanong. Nung tinanong po ako sa inclusive growth, nag rebut po si Senator, at sumagot din pala si Senator Marcos at saka Senator Escudero. Isa po sa kanila ang di ko maalala kung sino, nagsabi po na para maramdaman ang inclusive growth, dapat hindi lang yung mayayaman ang yumayaman, lalo at dapat yung mahihirap din.

Naniniwala po ako dun, pero ang tanong ko po kay Senator Marcos at Senator Escudero: Nung pinasa po ang sin tax, yun po ay itatax po natin ang mayayaman — kasi po yung pera ng sin tax na nakokolekta, sa CCT po yun napupunta, sa Philhealth po yon pumupunta — bakit po hindi kumontra sila sa pagpasa ng sin tax?

HONTIVEROS: A very quick response now from both senators.

ESCUDERO: Sa labing-walong taon ko po sa Kongreso, bilang miyembo sa Kongreso, Kamara at Senado, ni minsan wala akong binitohang pabor sa pagtataas ng buwis sa ating bansa. Pilipinas na po ang isa sa may pinakamataas na buwis sa rehiyon na to at marahil sa buong mundo. Hindi po ako boboto pabor sa kahit anumang pagtataas ng buwis.

Pangalawa, karamihan po ng mayayaman, healthy, yung mahihirap po, ang kadalasan, binubuwisan ng sin tax ninyo dahil madalas sila sa bukid ang umiinom. Sila madalas sa bukid din ang gumagamit ng mga produkto na nais niyong buwisan. Imbes na yan, sana binuwisan ninyo nalang ang mamahaling kotse. Sana, binuwisan ninyo yung mga eroplano ng mayayaman. Sana yung mga barko at yate ng mayayaman.

Bakit kung ano pa ang madalas ginagamit at nagagamit ng mahirap? Kung yan panukala niyo, boboto marahil ako pabor doon, kung mayayaman ang bubuwisan ninyo.

(CHEERS)

HONTIVEROS: Senator Marcos.

MARCOS: Sasang-ayon ako sa sinabi ni Senator Chiz, dahil maliwanag na maliwanag na ang binubuwisan dun sa Sin Tax ay ang anim na milyon na umaasa sa industriyang iyan, at sa pagpataas ng Sin Tax ay mababawasan ang ating makikita na produksyon na wala naming kapalit para doon sa umaasa sa mga industriyang iyan sa hanapbuhay. At bukod pa roon ay hindi po natin, hindi po tayo papayag na tuluyan pang itaas ang ating buwis, na tuluy-tuloy ang pagkolekta ng buwis ngunit bawat taon, ang administrasyon ay nagsasabi na mayroong bilyun-bilyon na hindi naman nagagamit.Ipinagmamalaki pa po na maraming savings ang gobyerno.

(CROWD ROARS)

MARCOS: Ano klaseng gobyerno yan? Panay pataas ng buwis ngunit hindi naman nagagamit at ipinagmamalaki pa na wala silang ginagawa sa pondo at kaban ng bayan?

(CHEERS)

HONTIVEROS: A very brief counter-response from Leni Robredo, and then we really will have to move on.

CAYETANO: Thirty seconds.

HONTIVEROS: Alan, Senator Alan we really have to move on.

CAYETANO: Dalawang pangalan lang, Lucio Tan at Danding Cojuangco lang.

HONTIVEROS: Let’s go back to Congresswoman Robredo.

ROBREDO; Ako po, ang tina-tax natin sa Sin Tax yung gumagawa ng alak, yung gumagawa ng sigarilyo. Yung taxes po dun saan napupunta? Yung halos 5 million, nasa CCT beneficiaries ngayon. San po yun napupunta? Yung Philhealth po na indigent patients, doon po yan napupunta.

(CHEERS)

HONTIVEROS: Thank you, Congresswoman Robredo

WEBB: I’m sorry, Senator Cayetano. It’s 6:25 and we still have a lot of segments to go, so we're gonna have to end this segment with a Yes or No Answer. And the question is, candidates: Is it time to pass an Anti-Dynasty Law, Yes or No?

(ALL CANDIDATES ANSWERED YES)

WEBB: Thank you, candidates. Thank you for your answers. On our next segment, we'll be talking about human rights abuses. We'll be right back here on CNN Philippines!

COMMERCIAL BREAK

HONTIVEROS: Welcome back to CNN Philippines Vice Presidential Debate. The third of the Pilipinas Debates of the 2016 series. From the subject of political dynasties, let’s go now to human rights abuses.

In May 2015, some 75,000 persons claim they were human rights violation victims during the Martial Rule in 1972 to 1986, or as next of kins who suffered, died or disappeared during the administration of the late President Ferdinand Marcos Sr. This next question goes to--can I appeal to the audience, please, can we please allow our candidates to finish their answers. As the son, Senator Marcos, I’m sure you expected the question.

MARCOS: Yes, I did… I certainly did.

HONTIVEROS: As the son of the late President, do you acknowledge that during your father’s term, human rights abuses were committed? And are you willing to apologize for them?

MARCOS:  I certainly acknowledge every human rights abuse in every administration. I think it is necessary that we do so, or else, we are to repeat the mistakes and abuses of the past. What I can say also to you is that, in my 27 years of service, there has never been any suspicion, any accusation, or even any allegation made against me that there were human rights abuses or non-recognition of people’s civil rights in my time in government… I will apologize for every—I have said this before and I will say it again—I will apologize for any wrongdoing that I may have done, any mistake that may have caused anyone any pain or hardship, but I can only apologize for myself.

WEBB: And not for your father…

MARCOS: I cannot apologize for anyone else, only for myself, and for what I have done.

WEBB: Cong. Leni, in an interview, you said...

ROBREDO: Alam mo Pia, yung apology, voluntary. Given yon. Hindi natin pwede ipilit sa kanya. Pero sa akin, yung recognition na maraming kamalian in the past, kasali dun yung hidden wealth na hanggang ngayon, hindi pa natin nakukuha at yon ay nakaw yon sa taong bayan. Hindi yata natatama, hindi yata natatama na i-acknowldge lang yon. Kailangan ibalik yon sa atin.

HONTIVEROS: So now, this is a Marcos-Robredo fight? Go ahead Sen Marcos

MARCOS: Me? Can I speak?

HONTIVEROS: Yes!

MARCOS: Lahat ng mga kwestyon, lahat ng mga issue na binabanggit tungkol sa hidden wealth ay naging bahagi na ng iba't ibang kaso sa korte at sa korte kung ano naman ang iutos, kung ano naman ang paghusga sa ganung mga issue ay susundin naman namin at maliwanag na maliwanag na hindi naman kami lumalabag sa kahit anong order ng kahit anong court at...

(CHEERS, BOOS)

MARCOS: ...At isa pa, ang nais kong idagdag kaya ko sinasabi ay ibabalik daw ang kung anu-ano. I cannot give what I do not have. I do not have what (cheers) (inaudible) I do not have any knowledge of any of the thing, (PH: Who do you?...) once again I cannot give what I do not have.

HONTIVEROS AND WEBB: Sen. Trillanes, go ahead. And also, can we appeal to our audience, please, please...Thank you very much! Go ahead, Sen. Trillanes!

TRILLANES: So in line with the statement ni Sen. Bongbong Marcos na wala naman, hindi naman ibibigay ang wala sa kanya dahil marami po sa mga kababayan nating ngayon na umaasa na maibalik, na iboboto si Sen. Marcos dahil ibabalik daw yung pera. So in fact, may mga cards na binibigay na ibabalik daw yung 5,000 pesos. So para lang maliwanagan yung mga kababayan natin, totoo ba ito Sen. Bongbong Marcos, na bibigyan sila ng 5,000 pesos kung iboboto kayo?

PIA: Sen. Marcos?

MARCOS: Ako'y nagpapasalamat sa aking kaibigan, si Sen. Sonny dahil meron pong, marami pong umiikot na nagtatanggap nanggaling sa pamilyang Marcos. Raket po ito. Sinasabi po nila na pag sumama kayo sa isang grupo, kapag kayo ay magbayad ng 200 piso, kapag dumating ang panahon na ma-rekober ang kayamanan ng mga Marcos, kayo ay bibigyan ng bahay at lupa. Kayo'y bibigyan ng isang milyong piso. Huwag po kayong maniwala dyan. Hindi po galing sa pamilyang Marcos yan. Mga taong kung sinu-sino ay nagraraket lamang at ginagamait ang pangalan ng aking pamilya. 'Yon pong ganyan, kapag binabalita sa akin, sinasabi ko po sa aking kaibigang mayor o kaibigang opisyal ay dapat ipahuli nila yan. Wala pong kinalaman ang pamilyang Marcos diyan. Hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng pamilya Marcos na humingi kami ng pera sa taong bayan.

WEBB: Congresswoman Leni Robredo, go ahead ma'am.

ROBREDO: Ang sabi po kasi ni Sen. Marcos, kung meron daw pong judgment ang court, susundin. Pero meron pong dalawang judgments yung U.S. court tsaka yung Singapore court na ioorderan po silang ibalik ang nakaw na yaman. Hanggang ngayon po, hindi pa rin po sinusunod.

HONTIVEROS: Senator Marcos.

MARCOS: Siguro maliwanag na maliwanag na tayo talaga ay nasa gitna ng kampanya dahil siguro naman — abogado po si Cong.Robredo — siguro ay, sigurado akong alam naman niya na hindi ang pamilya ko ang humahadlang sa pagbayad ng compensation sa human rights claimants. Ang humahadlang po diyan, ang kaso na yan ay nasa gitna ng HR claimants at saka ng gobyerno na pinangungunahan ng Liberal Party.Kaya ang LP ang humahadlang sa pagbayad ng human rights compensation.

ROBREDO: Hindi po yan totoo. In fact, yung ating pong gobyerno gustung-gusto na mabayaran ang ating human rights victims, pero marami, kakaunti pa nga lang po'yung na-cocover na judgment ng court. Ang dami pa po nilang natatagong yaman at nakikita po natin yan sa pagbuhay nila ngayon.

MARCOS: Napakasimple lang po —

HONTIVEROS: Hold on, candidates…

MARCOS: — kung talagang gusto ninyo na mabayaran ang compensation, bawiin ng gobyerno, bawiin ng gobyerno ang inyong claim  at agad-agad mababayaran ang inyo human right. Ang gobyerno ang humahadlang, ang Liberal Party ang humahadlang.

HONTIVEROS: Sen. Cayetano, go ahead.

CAYETANO: Bumalik tayo sa topic, human rights... Ang human rights po kasama po dyan ang hunger-pagkain, kasama po dyan gamot, kasama po dyan 'yung extrajudicial killings na kailangan sundin ang batas, kasama po dyan ang shelter. Why has all these been denied to people? because of corruption, greed of power, Martial Law 20 years was not about peace and order it was about keeping one family in Malacanang. Having said that, right now Kidapawan, people are hungry, El Nino- 23 provinces, the government is not doing anything. Pinapabayaan ang LGUs, bahala sila. No. 3., korte — Sen Bongbong is not being honest with you, dalawang administrasyon — kay Erap at kay GMA kaya sila kumampi para malakad ang kaso, 1B pa ang pending sa court na sila ang naghahadlang na mapunta na sa gobyerno ang 1B dollars.

PIA AND PINKY: Sen. Marcos, then Sen. Escudero.

MARCOS: Hindi ko alam kung saan nanggaling. Kanina pa si Sen. Alan na nag-iimbento ng kung anu-ano. Tignan po ninyo kung ano ang kaso tungkol sa human rights compensation ay nasa gitna ng gobyerno ng Pilipinas at ng human rights claimants, wala na po ang pamilya Marcos, hindi na po kami nag-aargue, hindi na po kami nagpapadala ng abogado sa kasong 'yan. Ang humahadlang sa pagbayad ng compensation ay ang gobyerno ng Pilipinas na pinangungunahan ng Liberal Party. 'Yan po ang katotohanan!

CAYETANO: Sen. Marcos, I'm talking about the 1 billion with the PCGG and  'yung 5B dollars na nakatago pa. Kung ako nagsisinungaling, hahamunin kita ngayon, fact check, 'pag ako, mali ang sinabi ko dito, mag-wiwithdraw ako pero 'pag ikaw ang mali hindi mo lang magwiwithdraw, isoli mo ang pera sa tao. (CROWD CHEERS, BONGBONG LAUGHS)

PIA: One final response from Sen. Marcos on that issue, then we have a question, then Sen. Escudero, then a question for Sen. Honasan then that's it. Sen. Marcos...

MARCOS: Once again, kailangan ko, maliwanag na maliwanag ang aking sinasabi kapag pinapag-usapan ang human rights claimants ay wala po kami, wala ang pamilya Marcos, ang pamilya Marcos ay hindi na po nagpapadala ng abogado, ilang taon na. Ang naglalaban tungkol dyan ay ang gobyerno at ang human rights claimants, hindi po kasama ang Marcos family sa usapang 'yan.

PIA: Sen. Escudero...

ESCUDERO: Alam niyo masarap pag-debatehan ang paghingi ng tawad. Pero may kasabihan nga sila: ‘pag binasag mo ang plato, humingi ka man ng tawad, hindi naman mabubuo ‘yung plato— basag pa rin ‘yon. Para sa akin, ang mahalaga at importante hindi ‘yung bangayan na nagaganap ngayon, pero kung ano ang dapat gawin o ginawa at ginagawa ngayon. Ipinasa po namin bilang pangunahing may-akda, una, ang Compensation Bill sa human rights victims na nag-recognize at acknowledge ng mga paglabag sa karapatang pantao ‘nung panahon ni dating Pangulong Marcos; pangalawa, ipinasa rin namin ang Anti-Torture Law. Bilang pangunahing may-akda, sa kauna-unahang pagkakataon, sinabi natin may command responsibility ang matataas na opisyal ng pamahalaan maski na wala sila doon. At pangatlo, ang Anti-Forced Disappearance Act; na sana sa pagpasa ng tatlong batas na ito, sino man ang maluklok, hindi na nila pwedeng gawin pa ang mga pang-aabuso ng nakaraan.

HONTIVEROS: All right, so much airtime already given to Sen. Marcos, Sen. Honasan, we just have a question for you related to this. You've already said before, "it is not right that we blame the son for the sins of the father..." earlier..

HONASAN: It’s a judgment call that I cannot make. For the individuals that are being alluded to 'no, but a, again I'll go back-- now, poverty, rights, are universal. It does not recognize family names, personalities, that's why apply the rule of law di ba, strengthen our institutions, even our justice system has been politicized in a very partisan manner, so kursunada-kursunada lang. Strengthen the institutions para kahit sino ang administrasyon, susundin at irerespeto 'yung lahat ng rights, lalo na 'yung right to life. When the right to life is invoked, freedom of the press, freedom of expressions, freedom of speech, tabi lahat 'yan. One life-- lalo na kung the life of institutions and nations.

HONTIVEROS: Thank you, Sen. Honasan. Quick question before the break. This is a yes or no question. No, this is not about corruption or human rights or hidden wealth, so you can relax, Sen. Marcos… Candidates, your signboards please. Do you support same sex marriage?

(EVERYONE ANSWERS NO)

HONTIVEROS: (talking — rundown of answers gets interrupted by Robredo)

ROBREDO: But I think the government should be open to civil union.

HONTIVEROS: I'm sorry, ma'am. No explanations here... Everybody said 'no'.

(COMMERCIAL BREAK)

WEBB: Welcome back to Pilipinas Debate 2016.

Our next topic is about peace and order in the country. We go to our panelist CNN Philippines senior correspondent David Santos. David, go ahead.

SANTOS: Good Evening. This question goes to Senators Trillanes and Cayetano. On Saturday more than 20 people mostly soldiers were killed in a bloody encounter in Basilan. Hundreds of thousands in the region had died due to this decades-long conflict. How do you plan… or how do you propose long-lasting peace in Mindanao?

WEBB: Senator Trillanes, you go first sir.

TRILLANES: The only way to deal with the secessionist problem is through the negotiating table. Marami hong mga kababayan natin na nag-iisip their toying with the idea of all-out-war pero ginawa napo natin yan at hindi ito nag-work. Nakuha nga natin yung mga bases pero wala sila, umalis na sila kasi ‘pag iniwan mo yung baril, and makihalo sila sa ordinaryong sibilyan, hindi mo na sila mahahanap. So babalik tayo dito sa negotiating table. However itong present BBL hindi ito pwede dahil madami ang constitutional provisions at may mga security provisions tayo na kailangan ipasok. Ang proposisyon ko ay mag-create tayo ng Autonomous Regions, one for Central Mindanano and one for Basilan, Sulu, Tawi-tawi dahil historically and culturally magkaiba ng grupo yan sila. Hindi natin pwedeng pag-isahin so isa yan sa mga major flaws nitong mga policy makers natin na tinutulak silang pag-isahin pero talagang hiwalay sila.

(CROWD APPLAUSE)

WEBB: Senator Cayetano,please.

CAYETANO: Ang problema sa Mindanao ay problema ng poverty at problema din ng historical injustice. Labing walo sa dalawampung mahihirap na probinsiya nasa Mindanao. Pero 1/3, isang trillion ng buong budget ng Pilipinas nandito po sa Metro Manila wala pa diyan yung PPP. So ‘yung sinasabing imperial Manila pero hindi din nakikinabang mga taga Metro Manila. Dahil yung baha, sikip dito sa Metro Manila, yung mga problema na kakulangan ng trabaho. Kaya ang sabi nga ni Mayor Duterte na aking sinasangayunan, nothing (inaudible) than federalism will solve the problem in Mindanao

(CROWD APPLAUSE)

Einstein told us if you keep doing the same thing and except a different result, that’s stupidity. I don’t call anyone stupid, I don’t believe in stupidity, but if we keep on giving the same answers and we don’t provide the political will, the leadership for a federal government or at the very least, equal opportunity for Luzon, Vizayas, Mindanao.

(CROWD APPLAUSE)

WEBB: Senator Marcos first please, before Senator Honasan and the Senator Escudero.

MARCOS: The way (inaudbile) lasting peace in muslim Mindanao is to continue the peace process. Kailangan po natin ipagpatuloy ang proseso ng kapayapaan. Yung naibigay saamin ng palasyo na BBL ay hindi talaga magdadala ng kapayapaan. Unang-una ito ay labag sa konstitusyon at pangalawa ang kinausap lamang ng ating pamahalaan ay ang MILF hindi po kinausap ang kababaihan, hindi po kinausap ang mga local government, hindi po kinausap ang mga sultan, hindi po kinausap ang MNLF, hindi po kinausap ang Kristiyano, kayo lahat pong mga sektor ay kailangan nakakaunawa sa ating mga ginagawa dito sa proseso ng kapayapaan kailangan po lahat ng sektor ay kasama dito sa magiging solusyon ng kapayapaan. Kaya po ako ay pumila ng substitute bill, I filed the substitute bill that was inclusive, that included all the different elements we need to help us for this process to succeed that I believe will lead us Filipino (CROWD APPLAUSE) that we are searching for.

HONTIVEROS: Senator Honasan.

HONASAN: How do you solve an idea for rebellion, secession, insurgency, criminality, terrorism? With the better idea, good government, address the root causes, social injustice, poverty, hunger, ignorance, homelessness. Kausap ko two weeks ago-- pinadala ako ni Vice President Binay-- itong social injustice, we must commit ourselves to the fundamentals of the peace process. And let us recognize right to life, basic services: food, clothing, shelter, education, health services. That will solve or begin to solve.

WEBB: Senator Escudero, go ahead sir.

ESCUDERO: Ang tanong tungkol sa pinatay na sundalo, ang pumatay sa kanila terorista ng Abu Sayyaf. Walang usapan o negosasyon dapat laban sa teroristang Abu Sayyaf dapat hanapin, pulbusin (CROWD APPLAUSE) at ubusin sila ng gobyerno. Kung pag-uusapan naman ang rebelyon at peace order problem sa Mindanao at para sakin, kahirapan ang ugat ng rebelyon, kahirapan ang ugat ng krimen. Hangga’t hindi natin tinutugunan ang problema ng kahirapan, palaging may kriminal palaging may rebelyon. Nalungkot ako sa nangyari sa Kidapawan, yung nagpapakain sa atin walang makain. Bigas ang hinihingi nila, pero ang binigay sa kanila, bala. (PORTION OF CROWD APPLAUSE) Imbis na patayin yung gutom, dapat ang patayin natin kagutuman sa ating bansa. Layunin namin ang maglaan ng 1/3 ng national budget sa Mindanao. Katumbas po nito ay isang trillion. Sinusundan po namin ang kasabihan “Put your money where your mouth is.”

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Senator Trillanes, you’re about to rebut.

TRILLANES: Ang katanungan po samin ay paano namin sosolusyunan ang secessionism, ngayon  I refuse to touch the recent death of the soldiers dahil ngayon palang inaalam kung ano yung nangyari doon. However, dito po sa Abu Sayyaf, assuming sila po ang may kagagawan niyan there is only military option. Kailangan po natin paigtingin yung intelligence operations natin at yung information exchange with our allies. So yan ang mga gagawin natin, the military option for the Abu Sayyaf na mga terorista. Ngayon kailangan din natin na i-improve yung ating capability ng sandatahang lakas kaya nga bilang principal author ng AFP modernization law, nangyari ito. However, marami pong pangangailangan ang ating bayan kaya dahan-dahan ang pag mo-modernize natin. Meron din po akong tinutulak na panukala na magdadagdag ng mga numero ng sundalo however inabot na tayo ng suspension ng Congress pero ito ang kailangan dahil konti na ang sundalo natin on the ground.

(CROWD APPLAUSE)

WEBB: Alright. Senator Marcos, go ahead sir.

MARCOS: Meron lang ako nais idagdag, meron po mga pangyayari na nakakabahala, nakikita po natin na halos araw-araw kapag kayoy’ nanood ng news ay nakikita natin ang mga pangyayari sa Middle East na ginagawa ng tinatawag na grupo na “ISIS.” Sinasabi ang ISIS ay sumusubok na pumasok dito sa Pilipinas kung hindi po natin ipagpatuloy ang proseso ng kapayapaan, at hindi po tayo magkasundo sa ating mga kapatid na muslim ay mas madali silang pumasok dito at dalhin ang karahasan na dinadala nila sa iba’t ibang bansa sa Middle East. Kaya po napaka-importante na kapag tayo naman ay nagkaroon ng kasunduan sa ating mga kaibigan na Muslim, sa ating mga Muslim na ibinaba na ang kanilang mga armas ay palagay ko maging maliwanag na maliwanag na mas mahihirapan ang ISIS (CROWD APPLAUSE) na pumasok dito sa Pilipinas. Kaya yan ang dapat nating alahahanin. Kaya napakaimportante ng usapang pang-kapayapaan.

HONTIVEROS: Senator Cayetano.

CAYETANO: I’ve spent a lot of time in Mindanao last 4 years for those of us watching kayo po na taga Luzon at Visayas, parang ang gaganda po ng sagot parang lahat ng iyon, kaya i-solve ang problema ng Mindanao, pero pumasyal po kayo at magtanong sa kamag-anak niyo sa Mindanao, pagka yung BBL ang ginawa ayaw ng MNLF, pag eto ginawa ayaw ng NPA. It is only federalism, payag ang NPA, payag ang MILF, payag ang MNLF, payag ang gobyerno, payag ang sundalo. Sino may ayaw, yung nakikinabang sa sistema ngayon, yung lalong yumayaman (CROWD APPLAUSE) sa sistema ngayon. Pangalawa po, Abu Sayyaf is a peace and order problem but nahahalo sa problema sa Mindanao, it is only the Duterte-Cayetano team that guarantees (CROWD APPLAUSE) that (inaudible) solution of 6-months of peace and order. I challenge our opponents, come out with a plan-- wag niyo lang sabihin na hindi namin kaya. Ipakita niyo kung kaya niyo at gaano katagal.

HONTIVEROS: Time check it’s 7 o’ clock, it has been a heated last 2 hours but we’re not through yet we’re going to move on now in criminality.

WEBB: And it’s perfect because Senator Allan Peter Cayetano just mentioned the 6-month-phrase that’s been talked about and quite popular -- that’s our next topic.

HONTIVEROS: Senator Cayetano, your running mate Mayor Duterte said he will eradicate crime in 3-6 months, how exactly is that going to happen?

CAYETANO: First of all po, political will. Ang peace and order po hindi train yan or kalye na kailangan mo isa, dalawa or tatlong taon. Sa political will, parang sa bahay mo lang yan, pag sinabi mong tahimik kayong lahat, kung takot sayo at naniniwala sayo tahimik yang mga yan.  So ang mga criminal (CROWD APPLAUSE) nakikinig po 'yan. They have to be sure na sila'y ikukulong at pag sila'y lumaban, patay sila, pag hindi sila lumaban kulong sila pag sila tumigil walang proglema. We have a plan-- we have a strategic plan-- you can use modern crime-fighting equipment like CCTVs, you can use the crime labs etc. But without the leadership and without the result, it won't happen. We offer you Davao, walk at 11:00 p.m., walk at 12:00 p.m., walk at 2:00 a.m.-- binata ka, dalaga ka uuwi ka ng buong-buo, safe, (CROWD APPLAUSE) hindi ka namolestya, hindi na kung ano. It can happen in Davao, it can be done in the whole Philippines. We can suppress crime in 6 months.

(CROWD APPLAUSE)

WEBB: You can suppress crime in 6 months.

HONTIVEROS: That’s a promise of the Duterte-Cayetano or the Duterte Administration.

CAYETANO: Yes, crime, graft and if we don't do it by December 31, 2016. Kung ibibigay sa amin ng Panginoon ang Presidency, Vice-Presidency, and December 31, 2016, hindi kayo makapaglakad ng safe sa mga kalye, magre-resign kaming dalawa.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Alright Senator Cayetano, thank you.

WEBB: Madagdag ko lang kasi, si Senator Sonny Trillanes, in an interview, Sir, you did

say that a Duterte presidency is a disaster and Senator Allan Peter Cayetano often mention and Mayor Rodrigo Duterte mentions how safe Davao is. But you gave examples such as the Sasa Wharf and the Davao Airport. Sir go ahead.

TRILLANES: So alam ninyo malapit na ako maniwala sa sinasabi ni Senator Cayetano. (CROWD APPLAUSE) Kung naayos lang ni Mayor Duterte yung Davao City at yung Taguig ay maayos. Ilang taon eh, sakin naman, hindi ganito, wag tayo mag-bolahan dito kasi it is not fair to the people. Yung Davao City, 4th siya eh sa highest na may pinakamaraming krimen *(CROWD APPLAUSE) sa ating bansa. So kung hindi mo nga natapos, hindi nga natapos si Mayor Duterte for more than 20 years, yung krimen sa kanyang bakuran ha, (CROWD APPLAUSE) hindi natin pinag-uusapan yung murder ha, rape, at other index crimes. Papaano niya ngayon sasabihin na 6 months wag nga tayong mag-bolahan dito kumbaga (CROWD APPLAUSE) mag-present ka ng plano at para fair naman dun sa mga ibang tumatakbo.

CAYETANO: Let me answer that.

HONTIVEROS: A brief response, go ahead.

CAYETANO: First of all, Senator Trillanes. Mag-lakad ka o yung pinaka-maganda dito po sa UST, palakarin natin sa Davao. Pag siya po ay naharas, binastos, ni-rape, ki-nidnap, hindi kami tatakbo ni Mayor Duterte.

TRILLANES: Andoon na sa statistics eh! (CROWD APPLAUSE)

CAYETANO: Yun ang standard na gusto ko ibigay sa'yo. Pangalawa, bakit hindi crime-less. That's why we said…

TRILLANES: Hindi totoo yan.

CAYETANO: That's why we said, may I finish sir? That's why we said we will suppress crime. The reason why it is not completely gone or completely suppressed is simple: hindi naman Presidente si Mayor Duterte, Mayor Lani nandiyan sasabihin (CROWD APPLAUSE) mo hindi safe sa Taguig. Hindi naman siya Presidente, so kung hindi ka Presidente may corrupt na Heneral, mayron po'ng smugglers, may kidnappers na nandiyan. Ang tanong ko po sa inyo, ano ang plano ninyo para gawing safe ang Pilipinas. Rather than pintasan niyo ang magandang record ni Mayor Duterte.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Alright. Sorry Senator Trillanes, after this last comment from you we will move on.

TRILLANES: Okay, ako po ay may pinipresenta na anti-crime na program pero hindi po ako yung tumatakbong Presidente. Pero ito kasi eh, hindi po totoo yung sinasabi na walang krimen sa Davao at walang krimen sa Taguig.

(CROWD APPLAUSE)

Sa ‘kin, it's not fair eh, maraming sumasakay maraming nalilinlang na mga kababayan natin na dun sumasakay. Baka umasa sila, it's not fair. 'Pag umasa sila binigay nila yung boto nila tapos pagdating doon sasabihin nila 'eh 'di ko pala na-solve. Aalis nalang ako."

(CROWD APPLAUSE)

Sa ‘kin, wag tayong ganoon, pakisabi nalang doon sa Presidente ninyo, mag-salita siya kung paano niya gagawin 'yon.

CAYETANO: Pinky, can I?

HONTIVEROS: I'm sorry Senator Cayetano we really need to move on but you know I'm sorry. Earlier on Senator Marcos had already signified that he needed to say something. Senator Marcos I hope you can keep this brief because we really need to move on to climate change. Go ahead sir.

MARCOS: Thank you very much at ipagpatuloy lang natin yung iyong quotation. Sinabi ni Senator, ni Mayor Digong ika niya, kapag hindi nalutas ang problema ng krimen in 3 to 6 months, ibibigay na raw niya yung pagka-pangulo kay Bongbong, yun ang sinabi sakin.

(CROWD APPLAUSE)

Hindi po sinabi na ibibigay niya para po kay Senator Allan.

HONTIVEROS: Alright.

MARCOS: Palagay ko dahil sa record ng Taguig na hindi naman nalutas ang problema, ngunit ang palagay ko nakita niya ang ating kakayahan, dahil sa problema ng peace and order, problema ng kapayapaan sa Mindanao ay mayroon po tayong binibigay na substitute bill na magdadala ng kapayapaan sa Muslim Mindanao.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Alright you have a very brief time.

CAYETANO: Nung sinabi ni Mayor Digong 'yon, kaharap ang mga Ilokano Mayors-- he was being playful. Pero ang sinabi po niya all over the country (CROWD APPLAUSE), 'pag hindi mo siya, ang sinabi po niya, 'pag hindi mo iboboto si Allan wag mo ako iboto. Pero, pero, hindi ko po tinatanggap ‘yan kasi siya ang kailangan natin. Ako po kahit hindi niyo ako iboto 100% Duterte.

(CROWD APPLAUSE)

Si Bongbong po, Bongbong, pag nasa Cavite, Bongbong-Binay. Kapag nasa-ilocos, Binay or Poe-Marcos. Kapag nasa Mindanao, Duterte-Bongbong, yan po ang klase ng pamumulitika niya sasaksakin (CROWD APPLAUSE) ang presidente para siya ang maging Presidente. Ako wag niyo na ako gawing Presidente, alalay nalang ako ni Mayor Duterte.

MARCOS: Kasalanan ko po ba kung yung mga ka-alyado nila ay may mas gusto sa amin?

CAYETANO: Ikaw 'yon hindi (CROWD APPLAUSE) yung mga ka-alyado namin.

HONTIVEROS: Alright candidates and audience, please. Magpapalamig muna tayo ng ulo.

WEBB: Kailangan magpalamig ng ulo muna. Candidates, it's time for our Yes or No answer.

HONTIVEROS: Kasi parang lumalamig ang ulo ng tao kapag Yes or No lang eh.

WEBB: Okay. A very important, a very important topic that we need to get an answer from you: Candidates, do you think the Philippines is doing enough to address the urgency of climate change. Yes or No?

(ALL ANSWERED NO)

(COMMERCIAL BREAK)

HONTIVEROS: This is the CNN Philippines' special presentation of the first Vice Presidential Debate of the Pilipinas Debates 2016 Series. We're coming to you live from the University of Santo Tomas and we'd like everybody to know that we're going to extend this debate by few more minutes. We need to ask more general questions to all candidates. Magpapainit na naman tayo ng ulo 'di ba, Pinky?

WEBB: (laughs) At least nagku-cool down naman sila.

HONTIVEROS: Kaunting cool down. Yeah alright Senator Honasan-- this one question, you will answer first. So far, we've heard all our candidates talk about corruption, poverty, political dynasty, human rights, peace and order — time to talk about crippling traffic conditions especially here in the capital. A 2014 study finds the Philippines loses more than P2 billion a day in potential income because of traffic. There is sense of urgency here to solve this problem. What is your solution and more importantly, how soon can people feel the difference? Senator Honasan we'll start with you first.

HONASAN: Ah, Pia, it's a long term work in progress we should have started years ago… land use planning-- we must determine what areas we want for agricultural, industrial, commercial, educational centers, government centers para alam natin kung saan dadalhin yung kalsada, yung riles ng tren, yung airport, yung seaport-- systematic long term planning. Three E's: engineering, public education and enforcement. Syempre taasan natin yung sahod ng traffic enforcers, yung kapulisan natin, so it's a holistic approach. Pero security in the generic sense -- security from traffic, job security, food security it will holistically solve the traffic problem

WEBB: That's a general question so all candidates will be answering that question, Senator Marcos you're next sir.

MARCOS: Thank you at sa palagay ko dito sa problema ng traffic, ang unang una nating dapat gawin ay bawasan ang mga sasakyan na nasa daan. At marami pong pamamaraan para gawin ito nakita na po natin ang mga iba't ibang lungsod sa iba't ibang bansa na kanilang nagawa na ito. Ngunit kung babawasan natin ang mga sasakyan ay kailangan po nating pagandahin ang ating public transport system. Pagandahin na po natin ang takbo ng ating mga bus, pagandahin na po natin ang takbo ng ating mga tren. Ang dapat ay ibigay na po natin ang kontrata sa MRT huwag po mga amateur na hindi alam ang mga ginagawa. At ang dapat eh, dapat eh, ibigay na po natin sa mga nakakaintindi kung papaano magpatakbo, at papaano padamihin ang linya ng MRT para meron nang pinagbibigyan naman natin ang ating mga manggagawa na makapunta sa trabaho at makauwi. At yun pong imprastraktura ay kulang din. Dapat po tapusin na po natin ang mga bypassed road na matagal nang ipinapangako… na mula pa noong iilang administrasyon na, hanggang ngayon hindi pa natin nagagawa, hindi pa natin nauunawaan kung bakit. On the long term, ang kailangan natin gawin ay decongestion. We must decongest the city. Ang mga tanggapan ng pamahalaan, ang mga negosyo, yung mga planta ay dapat ilabas sa Maynila para hindi tayo nagsisiksikan dito sa Maynila.

(CROWD APPLAUSE)

WEBB: Alright let me repeat the question: what is your solution to the traffic problem and more importantly, what we want to know is how soon can people feel the difference? Congresswoman Leni Robredo, you're next ma'am.

ROBREDO: Alam nyo po 70% ng ating population ay commuters kasali na po ako dun, nagba-bus ako linggu-linggo. Nung nag-aaral po ako sa San Beda nung nakaraang semester nag-e-LRT 2 po ako linggu-linggo. Pero po dun sa 70% na commuters na yun, 13% lang sa ating mga kalsada ang nagagamit ng bus kasi yung karamihan po talagang mga private cars na. Madali pong sabihin na bawasan yung private cars pero hanggang inefficient pa po yung ating mass transport system talagang mas nahihikayat pang bumili ng mga sasakyan kasi bakit ka naman makikipagsiksikan kung mas madali yung sariling sasakyan?

Dalawa pong solusyon-- ayusin yung mass transport system natin. Ako po sang-ayon ako dun sa rapid bus transit system na inumpisahan na po ngayon at sang-ayon po ako na dapat po yung mga drivers ay de sahod na, para po hindi nag-aagawan sa linya ng ating traffic. Sang-ayon po ako na ayusin na yung lahat ng mass transport, yung PNR po na pauwi po samin sa Bicol, matagal na po namin yung hinaing medyo may liwanag na po ngayon pero nanlalaway pa din po kami. Pero yung pinaka-long term solution po talaga pagpapa-ayos at pagpapa-asensyo ng mga kanayunan. Kami pong mga taga-probinsya ayaw naman po naming madalas sa Maynila pero dahil nandito yung lahat ng oportunidad pumupunta kami. Pero kung yung oportunidad nandun na sa amin hindi na kami kailangang pumunta dito.

HONTIVEROS: Senator Trillanes.

TRILLANES: Ang una pong kailangang gawin ay ilipat yung kapitolyo natin either sa Pampanga o sa Nueva Ecija. Ginawa na ito sa Malaysia, yung government centers nila, nilabas sila, so na-decongest immediately ang city. Ngayon, dito naman sa probinsya kasi ang nangyayari dito pumapasok ang mga kababayan natin dito dahil nga nandito ang opportunity kailangan natin ng rural development plan to develop the provinces. So that way, they will be staying there 'cause andudun din yung mga trabaho.

Ngayon dito naman sa Metro Manila kailangan natin i-discourage, kailangan natin baguhin yung kultura ng pagdadala ng kotse papano? By creating a mass transport system similar to what they have in Singapore or Hongkong na kung saan nakalink yung kanilang railway systems. Dito po sa atin ang pwedeng gawin yung mga monorails. In a sense na kahit anong parte sa Metro Manila, pwede kang pumunta at one block lang ang lalakarin mo sasakay ka lang may mga covered walkways, covered sidewalks… para to encourage people from… to take the mass transport system at hindi na sila magdala ng kotse. Itong monorail na ito, mas mabilis tong gawin kaysa LRT dahil mas malalim… mas mababaw ang hukay nito. Eto ang ginagamit nila let's say sa Sydney at sa ibang urban areas. So yan yung mga panukala at magagawa kaagad yan kung immediately pag-upo ng next administration masisimulan na kaagad yang mga proyekto

HONTIVEROS: Senator Cayetano.

(CROWD APPLAUSE)

CAYETANO: Kokopyahin namin ni Mayor Duterte ang mga plano nila tutal lahat naman ng mga plano nila nasa JICA master plan para sa Metro Manila at sa iba pang master plan ng NEDA pero wala namang nangyayari katulad ng Mindanao Railway System, 2010 pa lang nandun na, 2012 may feasibility study hindi po nagagawa. Pero ang Davao po, tatlong araw lang pag ang permit wala pang pirma kay Mayor mo na mismo kukunin.

(CROWD APPLAUSE)

Sa siyudad po ng Taguig, congratulations love, congratulations sa mga taga-Taguig, civil service, number one sa buong Pilipinas. Anti red tape. They will provide the programs, we will provide the leadership, why? Minsan po nasa Makati ako, 10, 9:45 p.m. sabi ko dun sa waiter "pare pasensya na gusto ko sanang tikman yung kape nyo pero ano na eh, magko-closing." "Sir ok lang." Sabi ko, "Anong ok lang?" "Sir dati noong lumang terminal pa, isang oras kalahati ngayon three hours." "Ngayon, 3 hours, one way? Eh pano na yung pamilya mo?" "Sir para ‘kong OFW sa sarili kong bansa."

Eto po ang mga istorya ng Pilipino na if we had an efficient railway system, an efficient mass transportation system they would have three, four more hours with their family everyday! But katulad ni Abaya na napabayaan ang lahat ng ating tren so kahit anong ganda ng programa mo kung yun din ang leaders mo wala din pong mangyayari. Again, it's leadership and political will.

HONTIVEROS: So how soon can we feel the difference Senator Cayetano under the Duterte-Cayetano administration?

CAYETANO: Here in Metro Manila? Siguro two to three years, hindi kaya ng less yan.

HONTIVEROS: Senator Escudero?

ESCUDERO: Tama ang sinabi nilang lahat, mass transport system, decongesting the centers pero may idadagdag ako. Anumang solusyon para maresolbahan ang trapik sa ating bansa, dapat simulan sa liderato ng DOTC. Layunin namin ni Senator Grace, tanggalin si Secretary Abaya at huwag siyang panatilihin bilang DOTC Secretary. Pangalawa, dapat maging istrikto tayo sa mga colorum. Pangunahing problema-- marami na ngang sasakyan yung ilegal nandyan pa. Pangatlo, ibalik ang kalye sa kotse at ibalik ang sidewalk sa tao. Alam nyo, Pinky, Pia… sa gilid ng UST parallel streets ng Espana, four lanes yan hindi nga lang napapansin na four lanes mukhang one lane na lamang dahil kinain na ang ating mga kalye, kinain na ang ating mga sidewalk. Matapos nating ibalik yan, pangunahin naniniwala ako mararamdaman agad ang kaginhawahan sa traffic dahil mababalik at magagamit muli ang dati nang ginagamit ng sasakyan at mababalik muli ang dati nang dapat ginagamit ng mga pedestrian at ng ating mga kababayan. Sang-ayon ako sa lahat ng mga sinabi, dagdag lamang yun.

HONTIVEROS: Thank you very much, I'm sorry sir we need to move on. Let's go back to our panel, from John Mangun, columnist from the Business Mirror. John?

JOHN MANGUN: Like Manny Pacquiao and Miss Universe Pia Wurtzbach, we in Metro Manila, are world class when it comes to complaining and whining about traffic. (Crowd laugh) But as you've alluded to, the real economic disaster for the Philippines in terms of lost opportunity, is the disaster area - provincial transportation. And when politicians talk about provincial transportation it usually comes down to farm-to-market road or some scheme that's gonna take 20 years and billions and billions of pesos... and economic backburner is transportation, the peace and order, food security depend upon. So if you were elected Vice President, what are you going to do to improve provincial transportation in the next 6 years?

HONTIVEROS: That question from John is a general question, we're going to ask Senator Marcos first to answer that.

MARCOS: I think that it's quite true that's part of the decongestion process na ilabas natin ang mga tanggapan, ilabas po natin ang mga negosyo sa labas ng Metro Manila nang hindi tayo nagsisiksikan dito.

Ang una nating gawin ay ,ah, itapos na natin ‘yung tinatawag na North Rail System itapos na natin yun South Rail System. ‘Yan ay magandang pagsisimula para dito sa paglutas ng problemang ito.

(CROWD APPLAUSE)

At ito po ay magbibigay din ng pagkakataon para sa ating mga kababayan na nasa labas ng Metro Manila na maghanap ng kanilang sariling trabaho dun sa kung saan sila nanggagaling, kung saan sila tinitirahan.

The rail system is the cheapest way to move passengers and cargo kaya’t ang dapat nating i-develop dito ay ang train system dito sa Pilipinas. Nakita po natin ang iba't ibang bansa na highly developed ang kanilang ekonomiya, na malaki ang kanilang inaasahan do’n sa kanilang sistema ng tren.

At kung ito'y mangyayari hindi na kailangang dumagsa ang kahit sino man sa Maynila dahil ang trabaho ay nandun sa kung saan sila nakatira. Hindi na nila kailangang umalis sa kanilang mahal sa buhay, hindi na nila kailangan umalis do’n sa kanilang minamahal sa kanilang mga probinsya.

‘Yan po ang mga simpleng solusyon pero ang problema po, hindi po tayo, sa ilang nakaraang taon, hindi po tayo nakakabuo ng malaking programa sa administrasyong ito kaya’t hanggang ngayon walang nangyayari pa.

HONTIVEROS: Thank you, Senator Marcos. Congresswoman Robredo...

ROBREDO: Nag-akda po ako ng dalawang panukalang batas para buhayin na yung PNR (Philippine National Railway). May isa pong panukalang batas para i-extend po ‘yung charter nito na nag-end na po nung nagdaang taon.

‘Yung isang panukalang batas, para mag-infuse ng capital dito. Kasi napakatagal na pong panahon na umaasa kami, do’n po sa Bicol, umaasa ‘yung mga nasa North, umaasa kami na maaayos na yung railway. Maaayos pero masisira ulit. Hinihingi po namin na ayusin siya pero sustainable na ‘yung ayos. ‘Yung mga kaunting ulan, hindi na siya naaapektuhan kasi sa kanya po nakakasalalay ‘yung aming oportunidad para makapag-compete ‘yung aming agricultural products kasi nga po siya iyung pinakamura.

Pero ‘yung tinutulak po natin hindi lang dito sa Luzon magkaroon ng maayos na railway system pero pati rin po sa Mindanao na kailangan na kailangan yun sa kalakihan ng lugar.

Sa Cebu po, ang alam ko, nag-umpisa na din ‘yung Rapid Bus Transport System na talaga pong makakatulong para mas maging efficient ‘yung mass transportation. Pero kabahagi po nito ‘yung sinasabi ko po kanina na ‘yung tinutulak po namin na talaga ayusin na ‘yung mga kanayunan.

At pag-ayos po no’ng kanayunan, magdadagdag ng oportunidad, hindi lang po sa transportation, hindi lang po sa trabaho, hindi lang po sa pagkain, sa communication, na hindi na kailangan palipat-lipat ng lugar na iiwan ‘yung kanilang mga pamilya.

HONTIVEROS: Thank you, Senator Robredo. Senator Trillanes...

TRILLANES: The answer to the question is the development of the railway systems. However, pwede siya sa Luzon and some areas of Visayas only.

Sa Mindanao, maganda sana lagyan ng railway system, however, hanggang sa may gulo diyan, hindi talaga feasible ‘yan kasi isa lang magpasabog sa riles, ma-de-derail ‘yan. Marami hong mamamatay. Kaya nga I stand firm in my contention that we need to win the peace first in Mindanao before we would be able to develop the area.

WEBB: Thank you, Senator. Senator Alan Peter Cayetano, sir...

CAYETANO: John, can I reiterate my answer that it's about political will and I'll give you examples.

Apat na taon na po ko, sinasabi na gamitin ang Clark at -ideclare na twin airport system. Tahimik ang Liberal Party. Ngayon na nanliligaw sila sa Pampanga, sa clan ng mga Pineda at sa Central Luzon, biglang magbabago sila; dapat daw gamitin ang Clark.

Ma'am Leni uses the bus going home. Mayor Lani and I used to go to Tiwi, Albay. She's from Albay, using also the car. You know why many businessmen use the car or the bus? Walang night flight sa Albay. We have asked that from 2011, from DOTC (Department of Transportation and Communication), they keep saying there's going to be a new airport kaya hindi muna kailangan ang night flight.

So, all of these are in master plans, the NorthRail ini-scrap, ‘yung right of way binalikan na po ng tao ngayon kaya doble na po ang presyo ng NorthRail ngayon. Legaspi until La Union po, ready ang right of way ng PNR, we're not doing anything about it. The one leg of Metro Manila MRT equals the whole of Mindanao railway system. Ba't hindi natin pinapansin ang Mindanao, bakit po? Kasi po ‘yung mga pumopondo sa eleksyon nandito sa Manila. Yung mga nag-aagawan — saan terminal nito, kaninong kontrata — nasa Manila, so the vested interest also comes into these contracts, John, and we have to free our country and plan transportation in accordance with what's best for people not our funders.

(CROWD ROARS)

WEBB: Senator Escudero, you're next.

ESCUDERO: Sang-ayon ako sa sinabi ni Senator Cayetano. Nandiyan lahat ng plano pero hindi pinapatupad at ang problema [ay] nasa pagpapatupad ng plano at pagsasaayos ng mga kontrata.

Ang airport namin sa Daraga, tatlong bidding na ang na-cancel. Tatlong beses nang nag-bidding, hindi natutuloy, apat na taon nang delayed ‘yun.

Ganun din ang ibang proyekto na dapat sana'y matagal nang nasimulan. Ni isa sa mga pinangako ng administrasyong ito, sa airport man o sa tren, wala po sila halos nagawa. Layunin namin at dapat tigilan na ang kapalpakan sa pamumuno. Tigilan na ang paghahanap ng dahilan kaugnay sa hindi pagpapatupad ng proyekto.

May kasabihan tayo: ‘pag gusto palaging may dahilan, ‘pag ayaw… ‘pag gusto, palaging may paraan, ‘pag ayaw palaging gagawa ng dahilan. Puro pagdadahilan ang naririnig natin sa administrasyong ito kaugnay sa hindi nila pagpapatupad ng matagal nang mga plano na dapat lang naman tingnan at sundin po nila.

Kaugnay din ng problema sa trapiko sa probinsya, dapat online na ang transaksyon ng gobyerno para hindi na kailangan magpunta pa ng Maynila ng sinumang nasa lalawigan. Para kumuha man ng passport o anumang uri ng permit mula sa national government. No human intervention. Online — makakabawas po yan sa traffic sa ating bansa.

WEBB: Thank you, Sir. Senator Honasan...

HONASAN: We must stop politicizing, in a partisan manner, national development. ‘Yung land use plan, 30-year plan ‘yan. It will be presided over by at least five presidents. We must relocate the centers of government and commerce outside Metro Manila and that is doable immediately.

Central Luzon must connect Metro Manila to the North. Southern Luzon must connect Metro Manila to Visayas and Mindanao. The 30-year plan is also a full employment plan. Kaya kabuhayan. When the 10,000 overseas Filipino workers laid off in the Middle East come home dapat may naghihintay na trabaho sa kanila at kabuhayan.

WEBB AND HONTIVEROS: Thank you, Senator Honasan.

HONTIVEROS: Kapag ang, ah, kapag traffic ang pinag-uusapan talagang mainit ang ulo ng tao. Siguro dapat meron tayong debate tungkol sa traffic, ‘no, then ang special guest po natin si Transportation Secretary, Secretary Jun Abaya.

Time now for our Yes or No question. Umaaray na po ang mga… ang taongbayan sa mga napakataas na income tax. Oo o hindi, yes or no, bilang bise presidente ipaglalaban mo ba ang pagbaba ng income tax? Yes or no?

Yes, Senator Cayetano, Escudero, yes… no? Senator Honasan, pagbaba ng income tax?

HONASAN: Pagbaba ng income tax?

HONTIVEROS: Ipaglalaban mo ba [ang] pagbaba ng income tax?

HONASAN: Kung yes or no, yes!

HONTIVEROS: (LAUGHS) Yes, yes, yes lahat.

WEBB: There is time to change your mind. (LAUGHS)

HONTIVEROS: Live from the University of Santo Tomas, you're watching the CNN Philippines Vice Presidential Debates, stay tuned for more.

Up next… ang paborito ng mga kabataan: connectivity. Magbabalik po...

COMMERCIAL BREAK

HONTIVEROS: The country’s internet speed is second to the slowest in Asia. Pangalawa sa pinakapagong. Internet cost is the most expensive in the region. And now the two telcos have implemented a 2GB cap that has left people even more frustrated. Everyone agrees it needs to get better. So the general question each one of you will answer is: How do you free up the market for competition? We’re going to begin with Congresswoman Robredo.

ROBREDO: ‘Yung pinakaproblema po talaga ng connectivity natin, 3MBPS lang po ang speed ng internet natin at napakamahal pa. Kung ikukumpara po natin to sa Singapore na 133MBPS talagang napakalayo natin.

At ‘yung ang masaklap po dito, hindi lang po ‘to para sa mga kabataan na nag-so-social media pero marami na rin tayong dependent sa internet. Marami pong mga negosyong naka-depend na sa internet.  Kaya nga sabi ng mga anak ko, human right na daw ito ngayon.

‘Yung speed ng internet saka ‘yung presyo niya. Pero, sa atin po, tatlo ‘yung problema nito. ‘Yung problemang una po, lack of regulation. Yung sa NTC (National Telecommunication Commission) po, ‘pag may mga pagbagal po ng regulasyon ng NTC, 200 pesos lang po ‘yung penalty niya.

Kaya sino naman ‘yung susunod kung ganoon lang kababa ‘yung babayaran.

Sunod po lack of competition. Ngayon po halos po monopolized. Monopolized  ng isang company. Nakakabit na po lahat dun sa isang company.

Pangatlo, talagang kulang na kulang tayo sa infrastructure. Kaya kami po sa programa namin ni Secretary Mar Roxas, sa programa po namin, mag-i-infuse po ng napakaraming capital ‘yung gobyrerno natin. Para ‘yung infrastructure po natin sa connectivity, gobyerno na po ‘yung dapat para hindi na ito ma-mononopolize ng players. Aayusin po natin ‘yung regulation. Aayusin po natin ‘yung competition para po hindi lamang siya na-mo-monopolize ng isa kundi marami. Magbubukas siya ng pagkakataon para may companies pumasok.

HONTIVEROS: Thank you, Ma’am, Senator Trillanes.

TRILLANES: Unang-una po, kailangan magtala tayo ng NTC na talagang independent. Hindi po galing ito sa mga telecoms. Ano? So, isa yan. Kailangan natin magbigay siya ng franchises to at least five internet service providers. Kasi ‘pag lumawak po ‘yung kompetisyon, lahat po ‘yan sila  magpapagalingan, magpapabilisan at magpapababaan ng presyo. ‘Yan po ang free market na concept.

Ngayon, do’n naman po sa mga missionary areas na tinatawag, na di profitable for private companies, kailangan po gobyerno ang magpatayo ng infrastructure na[ng] sa gano’n even in those areas magkakaroon sila ng access sa internet.

HONTIVEROS: Thank you, Sen. Trillanes. Sen. Cayetano?

CAYETANO: Fifty billion reasons why mabagal ang internet. Fifty billion pesos po ang one-year income ng ating telcos. Balitang-balita sa amin lahat na ang naglalagay sa NTC ay sila din.

Hawak ng telcos sa leeg ang mga politiko at kung sila ang pumopondo, wala kayong maaasahan [na] kahit anong ganda ng programa.

Alam niyo, sa siyudad Taguig, marami kaming pamilyang OFW (overseas Filipino worker). Kaya, sabi ni Mayor Lani (Cayetano), subukan lang natin mag-live streaming tayo ng JS (Junior-Senior) Prom at ng graduation. Ang tagal bago nagawa. Kung anu-ano ang ginawa ng siyudad magawa lang ito.

Nagulat kami sa response. Iyakan po ang mga pamilya ng OFWs. Noong umuwi sila, ‘yung iba nagpadala ng litrato, ng video. Ang sabi, ‘Ma’am, akala namin hindi namin makikita anak namin mag-gra-graduate dahil ni-live stream niyo.’

Nakita namin, why does it take a city? Why does the government have to demand them from the telcos when it’s their business and they’re making fifty billion pesos. And you know why? In the places na mabilis ang internet — Korea, in Singapore — hindi hawak ng mga negosyante [ang mga] politiko. That’s why ayaw ni Mayor [Rodrigo] Duterte [na] tumanggap ng pera sa may kontrata sa gobyerno and I support him one hundred percent. These plans are nothing if your backers tap you in the shoulder and said, ‘Op! Op! Op! ‘Di niyo pwede gawin diyan. Kami kalaban niyo dyan.’

HONTIVEROS: Thank you, Sen. Cayetano.

WEBB: Senator Escudero.

ESCUDERO: Privitized ang telco industry kaya po hindi ginagastusan ng gobyerno sa ngayon. Tama ang sinabi ng mga kasamahan ko rito, hindi ito ginagastusan ng mga telco industry dahil kumikita sila sa cellphone calls at sa text. Kapag mabilis ang internet speed dito sa ating bansa, Viber na at kung anong application ang gagamitin ninyo. Kaya ayaw nila gawin.

Layunin po namin ni Senator Grace, kasabay sa paglalatag ng infrastructure at kalye sa ating  bansa, dapat kasabay na din ang paglalatag ng fiber optic at cable. Infrastructure din ang depinisyon namin diyan. Para matigil na rin ang ginagawa nila ngayon: gagawa ng kalye, makalipas ang dalawang linggo, huhukayin nila ‘yun para lagyan ng tubo at kung ano man ‘yun at ano mang cable.

Noong nag-aaral ako, card catalog at library ang pinupuntahan ko. Ngayon lahat ng estudyante gamit ang internet at nagkukumpol ng mahigit 1.3 trillion na tanong — sa Google pa lamang iyon — kada taon. Ano pa kaya ‘yung ibang search engine? Karapatan na ang mabilis ng internet speed. Hindi lamang para sa mga estudyante pero pati na rin para sa mga magulang, pati na rin sa bawat Pilipino na gusto makausap at makapiling sa pamamagitan ng internet ang kanilang mga mahal sa buhay.

WEBB: Senator Honasan.

HONASAN: ‘Pag ang pinag-uusapan po ay connectivity, i-rationalize po natin ‘yung foreign participation in the telecom industry. Para magkompitensiya sa services at sa speed, ibaba ang presyo. ‘Pag may security component, gawing libre. Security ang nakasalalay. Right to life naman tayo diyan.

Single platform, hindi kanya-kanyang antenna para ma-regulate nang husto. Example, may mga drop calls tayo. Hindi pa umabot ng isang minute bi-ni-bill na tayo a full minute. Ito ang mga sintomas na kailangan natin para mapaigting ‘yung connectivity.

WEBB: All right. Thank you, Sir. Senator Marcos, Sir.

MARCOS: I would just like to comment on what Pia (Hontiveros) said earlier na ito ay interest ng kabataan, ang connectivity. Hindi lang po, alam niyo po na ang negosyo ay mas malaki na ang ni-ne-negosyo sa internet kaysa sa harap-harapan na nagbebentahan. Gano’n kahalaga ang internet, hindi lamang para sa tsismis sa social media, kuwentuhan. Kung hindi, talaga sa hanapbuhay, pag-aaral, ng ating mga kababayan. Tayo nga ang pinakamahal at tayo ang pangalawa sa pinakamabagal.

Alam ninyo po ba kung sino ang pinakamabagal? Afghanistan po na may giyera. Eh, pero tayo  gano’n din ang patakbo ng internet. Kung napakaganda po ng plano na bigkas ni Congresswoman Robredo. At matagal na po tayong nag-aantay dahil ang NTC po ay hanggang ngayon, hindi binibigay ang mga bandwidth.

Ngunit, kung alam ng pamahalaan, kung alam ng administrasyon ang dapat gawin, anim na taon na, bakit wala pa[ng] ginagawa? Bakit hindi pa ginagawa? Ito po ang aking sinasabi na hindi tayo makabuo ng isang malaking proyekto na ganito ka-importante.

Sa aking palagay, i-streamline po natin ang patakbo ng NTC para sa pagbigay ng bandwidth at sa bigay ng frequency at saka bandwidth na kinakailangan. Papasukin na natin ang mga international service provider. Competition is always good for the consumer and we live in a global community, so, let us join the global community.

WEBB: Congresswoman and Senators, thank you so much for your answer. And as I make it here on stage, it’s time for our ‘Yes or No’. Here is the question: Are you going to make telcos accountable for failing to deliver the internet speed that they promised? Yes or no?

HONTIVEROS: Unanimous, yes.

WEBB: Mataas ang ‘Yes’ ni Senator Alan Peter Cayetano. Candidates, thank you so much.

COMMERCIAL BREAK

HONTIVEROS:This is the fiinal stretch of Pilipinas Debates 2016.

WEBB: In case the candidates didn’t hear it, this is the final stretch, Congresswoman and Senators. Our next topic is about foreign policy. The question will go to Senator Trillanes and Congresswoman Leni Robredo. CNN International Senior Correspondent, Ivan Watson, has this question.

IVAN WATSON: Thank you for inviting me to participate in the CNN Philippines vice presidential debate. My question pertains to the South China Sea. How will your future administration deal with China and the competing claims on the Spratly Islands in the South China Sea?

WEBB: Congresswoman Robredo...

ROBREDO: Ako po sang-ayon ako sa ginawa ng gobyerno natin na ihain sa arbitration ‘yung problema natin sa South China Sea. Ito po ay naaayon sa UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) at tayo po ay pinaghangaan ng ibang bansa dito.

Pero, ‘yung sa akin po, habang sana naghihintay tayo ng decision do’n po sa arbitration dapat madami pa rin tayong ibang ginagawa.

Halimbawa, dapat po ‘yung ating military mi-no-modernize natin kasi, ‘pag hindi po natin ito binigyan ng pansin, parati na lang tayo at the mercy ng malalakas na nations. Pagkakataon din po ito para mag take-on ang Pilipinas ng isang leadership role, na organisahin niya ‘yung iba pang claimants sa South China Sea. Kasi po magiging malakas ‘yung claim natin 'pag ka-bahagi na rito ‘yung Indonesia, yung Vietnam, [at] ‘yung iba pang mga bansa na mayroon ding claims dito. Sang-ayon din po ako na lahat ng peaceful means hanapin para makipag-negotiate, multilateral means, ang hindi lang po ako sang-ayon, 'pag bilateral.

(CROWD APPLAUSE)

WEBB: Thank you Congresswoman. Senator Trillanes, you're next, Sir.

TRILLANES: We have to unite as a nation behind the arbitration case. At this point in time, antayin natin ‘yung resolution arbitral tribunal. Now, in the meantime, kailangan natin mag-modernize kasi we need to stand on our own two feet and defend ourselves. However, itong pag mo-modernize natin ng Armed Forces [of the Philippines], matagal po 'yan at magastos po 'yan. Ngayon, eh, may problema rin tayo sa kahirapan so babalansehin ‘yan. So, in the meantime, na nag-mo-modernize tayo dapat dahan-dahan.

Kailangan natin paigtingin ang ating alyansa with our strategic partners, kasama na diyan ‘yung mga ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Nations, ang Estados Unidos, Japan, and Korea. Gano’n din dito po sa pag di-deal with China, kailangan natin hindi hostile ang ating relationship sa kanila. At may ibang aspeto ang ating relationship, andiyan na ‘yung trade and Commerce, ‘yung rights ng mga OFWs, at ‘yung turismo.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Thank you, Senator Trillanes. Senator Marcos, I know you want to answer this question, however, this next question is for you and Senator Escudero. And this question is from CNN Anchor and Correspondent Kristie Lu Stout.

KRISTIE LU STOUT: Thank you for having me and I’m delighted to take part in the CNN Philippines vice presidential debate. If I may, a two-part question about the nature of the relationship between the Philippines and the United States. What is your message to the next president of the United States about how the alliance should evolve? And which candidate do you think best for the alliance, DONALD TRUMP OR HILLARY CLINTON?

MARCOS: First of al,l I would like to remind everyone, I would like to remind the United States, our long time ally, that we, the Philippines, are working towards the national interest not for Washington, not for Beijing, but for the Philippines.

(CROWD APPLAUSE)

That must be the guiding principle behind all that we do. Alam niyo po, ang ating arbitration ay maganda po ‘yan para natin mapag-usapan ang ating mga claim, ngunit, ay, palala nang palala ang problema sa gitna ng Pilipinas at ng Tsina. Hindi po maayos 'yan hangga’t tayo ay makipag-usap sa kanila, hangga’t tayo ay makahanap ng isang pagkakasundo na agreement na pipirmahan ng Tsina at ng Pilipinas. Hindi po tayo magkakaroon ng agreement na ‘yan kung hindi tayo nakikipag-usap sa kanila.

Subukan natin na lahat ng pamamaraan para gawin po natin na magka-agreement tayo sa gitna ng Pilipinas at Tsina nang sa gayon, [ang] ating mga naghihirap na mangingisda ay mabibigyan na ng pagkakataon na mangisda.

HONTIVEROS: Senator Marcos and your response to the second question: Which candidate, that's Kristie's question, which candidate in your mind would be best for the alliance: Donald Trump or Hillary Clinton?

MARCOS: I suppose I would be very hesitant to say Donald Trump because he seems rather belligerent. So I do not want, I have no interest in waging war against any country.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Thank you, Senator Marcos. Senator Escudero.

ESCUDERO: Ang relasyon sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas is one equal partnership. Ang problema, ang tingin pa rin ng mga Amerikano sa atin, little-brown brother pa rin tila nila tayo [tinitingnan].

Ang problema, masyadong minamaliit ang ating bansa kaugnay sa relasyong ito. Ano mang relasyon at ugnayan sa pagitan ng America at ng ating bansa, dapat pantay, dapat on equal footing. Hindi sila dapat mas mataas porket mas mayaman o mas malaki sila.

Marapat isulong at ipaglaban natin ang pagiging pantay at parehas ng relasyong iyan kaugnay ng West Philippine Sea. Siguro ang unang hakbang na dapat gawin ng sinomang opisyal, tigilan na po natin na tawagin na West Philippine Sea, na South China Sea 'yan, ‘yan po ay West Philippine Sea. Atin 'yan at hindi sa kanila 'yan. Kaugnay ng pangulo, maganda po na pakinggan, nakakaaliw man ang maanghang niyang salita, hindi po nakikita na maganda para sa relasyon ng ating bansa at ng America ang panguluhan ni Ginoong Trump.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Thank you. Senator Escudero.

WEBB: Alright. A quick Yes or No for our candidates before we proceed with the debate. Candidates, are you ready?

The question is: Do you have future plans to run for President of the Philippines?

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Senator Escudero is hesitating… Senator Marcos? Sorry, just yes or no… Everybody is saying ‘no’ but Senator Trillanes says it needs to be qualified.

TRILLANES: It needs to be qualified because it’s not that simple to answer.

WEBB: But we can’t… I’m sorry, Sir, but we can’t because we will have to allow other candidates to qualify the yes or no questions. So, would you like to answer, Senator?

TRILLANES: No.

WEBB: So it’s just Senator Alan Cayetano… did you change your mind?

CAYETANO: I was holding up kasi you were asking if do you have any plans. Kung ngayon, wala. But I don’t want to put that [NO] and then in the future or whatever.

HONTIVEROS: Okay. Thank you, candidates. Let’s see what happens in October 2021 kapag nag-file ng certificate of candidacy for the May 2022 elections.

Is the vice president really just a spare tire? This general question [is] for everybody of course. Uh, you have one minute and 30 seconds. As Vice President, you may be appointed to a second cabinet position. If given a choice, what would you prefer? Senator Trillanes first.

TRILLANES: Okay, um, based on the Constitution, ang a Vice President is a spare tire. Pero, traditionally and historically, binibigyan nga ng puder ang Vice President.

Kung ganyan po ang mangyayari, nais ko po sanang maging DILG (Department of Interior and Local Government) secretary nang sa gano’n matututukan ko iyong peace and order situation ng ating bansa.

(CROWD CHEERS)

At the same time, itutulak ko po iyong good governance advocacy ko doon po sa local government units. And iyong best practices po kailangan nating i-promote doon sa local government units, na[ng] sa gano’n, lahat ng munisipyo, eh, wala na[ng] maiwan. Iyong mga magagandang ginagawa doon sa mga progresibong, ah, munisipyo at lungsod puwedeng gawin doon sa iba.

HONTIVEROS: Thank you, Senator Trillanes. DILG Secretary.

(CROWD CHEERS)

Pero kung si VP [Jejomar] Binay ang manalo. Uh, bakit?

(CROWD CHEERS)

TRILLANES: Wala, magbabantay na lang ako sa kanya ‘pag gumawa siya ng kalokohan

(CROWD LAUGHS)

PIA: Senator Cayetano.

CAYETANO: Ang gusto ko pong position kung sakali pong mananalo si Mayor Duterte at ang inyong lingkod kung pagpapalain kami ng Diyos. Ako po gusto ko po agenda setter, bastunero para siguradong masunod ang lahat ng aming plataporma. I don’t need a cabinet position just put me in a position to make sure our platforms are delivered to the people and delivered on time.

If the VP position [is] a flat tire, I never looked at any position as a flat tire. I've been a Vice Mayor, a Councilor, a Congressman diyan po sa labanan sa corruption nandiyan po ako, ZTE-NBN, diyan po sa fertilizer scam, sa Binay investigation I was never a spare tire.

Bakit hindi natin tanungin (HONTIVEROS BUTTS IN: Spare tire not a flat tire) spare tire. Pero iyong iba ang ganda nga ng position nila absent naman ‘pag may hearing flat tire sila (HONTIVEROS BUTTS IN: Flat tire okay)

(CROWD CHEERS)

(HONTIVEROS BUTTS IN: Alright)

So, it’s not the position that is given to you, mga kababayan. It is who do you owe your loyalty to and, realistically, let me talk to you heart to heart. Mahirap pong manalo, mahirap manalo na intact ang iyong spirit dahil ang daming politikong papakikisamahan mo, ang daming negosyanteng papakikisamahan mo, ang daming vested interest pwera pa iyong illegal. So, kami ni Mayor Duterte gusto naming manalo pero ayaw naming ibenta ang aming sarili para lang manalo

(CROWD CHEERS)

PIA: Thank you Senator Cayetano. Senator Chiz Escudero.

ESCUDERO: Nitong nagdaang dalawang administrasyon lamang tinawag na spare tire ang Vice President dahil binigay sa kanila [ang] trabaho ng housing na tila minamaliit ng marami.

Sa totoo lang, tinayo ng Hong Kong, Taiwan at Singapore ang kanilang ekonomiya. Sa isang housing program dito sa Metro Manila mayroong humigit kumulang na tatlong libong hektarya na ang in-o-occupy ng ating informal settlers.

Kung nagawa, ginawa lamang ng kasalukuyan at nagdaang pangulo ang kanilang trabaho sa housing, malaking pagbabago sana ang nakita natin tungkol dito. Hindi ako nag-aaply. Ah, Pinky, Pia. Ang housing (HONTIVEROS BUTTS IN: Ang housing) hindi ko sasagutin ang tanong dahil hindi ko ugali sumagot ng hindi ako tinatanong ng pangulo ko na si Senator Grace Poe.

(CROWD CHEERS)

HONTIVEROS: Thank you Senator Escudero. (COUGHS)

WEBB: Thank you, Sir. Senator Honasan, you’re next.

HONASAN: Ang Vice President po ay hindi spare tire kundi co-pilot. ‘Pag pumunta sa men’s room iyong piloto o kinumusta iyong mga pasahero, kailangan iyong nagpapalipad nung eroplano kasing galing dahil buhay ang nakasalalay.

(CROWD APPLAUSE)

I will help in security, in the generic sense. Sino man ang president, ano man ang position, hindi ko kailangan. Job security, food security, security from traffic, security for OFWs, security from criminals, rapists, drug pushers, kidnappers, riding in tandem, terrorists. Gano’n ho ang plano ko.

(CROWD APPLAUSE)

PINKY: Thank you, Sir. Senator Marcos.

MARCOS: Ang, ah, position ng Bise Presidente ay hindi po spare tire dahil sa atin, dito sa Pilipinas, ang Bise presidente ay may sariling mandato at kung sino man ata. ‘Pag ako’y nahalal nilang bise presidente, kikilalanin ko. Hindi ako binoto para mag-antay lang at maging spare tire.

(CROWD CHEERS)

Hihingiin ko po na kung bibigyan po ako ng pagkakataon, hihingin ko po na ako'y magpatakbo ng DOLE (Department of Labor and Employment) dahil sa aking nakikita, ang trabaho ay isa sa pinakamalaking problema na hinaharap ng taong bayan.

At ang DOLE ay kakaunti na lang po ang gagawin natin marami na po ang matutulungan kaya kailangan po nating itiyak ang mga proteksyon na para sa’ting mga manggagawa, ah, na sa palagay, sa aking palagay, ay nilalabag ng contractualization, ng 555, end of contract kailangan po itigil ‘yan.

(CROWD CHEERS)

At ibigay ang mga proteksyon na nasa batas, nasa labor code. Bukod pa riyan, proteksyon din para sa ating mga OFW. Alam niyo noong 2011 ay hinati po ang DFA (Department of Foreign Affairs) na budget. Papaano po natin tutulungan ang ating OFW?

Kaya po marami pa po tayong kailangang gawin, marami po tayong maaaring gawin. At dagdagan ang trabaho sa pamamagitan ng malawakang imprastraktura, programa bigyan po natin ng mga training program mula sa gobyerno para handa ang ating mga manggagawa sa mga kinakailangan sa labor market ng pribadong sektor nagbebenta porsyento ng ating mga manggagawa.

(CROWD CHEERS)

PINKY: Thank you, Sir. Congresswoman Leni Robredo, Ma'am.

ROBREDO: Napag-usapan na namin ito ng aking Pangulo, Secretary Mar Roxas. Ang sabi ko po sa kanya, kung kaming dalawa palari,n sana hindi na lang cabinet position iyong ibigay niya sa’kin. Sana po ako iyong ipa-take charge niya sa pag-streamline ng lahat ng anti-poverty programs ng gobyerno.

(CROWD CHEERS)

Kasi ngayon po, ano, iyong nangyayari. Iyong atin pong mga informal settlers na gusto pong mag-avail ng benepisyo ng housing sa ating gobyerno, napakarami pong opisinang pinupuntahan, napakaraming pirmang kailangan.

May ginagawa po kami ngayong programa sa aming distrito: partnership against hunger and poverty. Iyong mga tinutulungan po namin ay iba't ibang ahensya rin ang kailangang kausapin, iba't ibang pirma ang kailangan.

Pupunta po kami sa DSWD (Department of Social Welfare and Development), pupunta po kami sa DA (Department of Agriculture), pupunta rin po kami sa DAR (Department of Agrarian Reform), pupunta kami sa BFAR (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources), pupunta po kami sa Nutrition Council. Kahit gusto nating tumulong, matagal po naghihintay iyong ating mga hikahos na kababayan.

Iyong mga nag-aantay po sa housing, taon na po iyong hinihintay nila dahil lang sa bureaucratic ‘red tape’ kaya ang gusto ko pong ayusin, ma-streamline po ang lahat ng prosesong ito para po kung gusto talaga nating tumulong sa mga mahihirap, buuin na po natin ang pagtulong. Huwag na po natin silang lalong pahirapan pa.

(CROWD APPLAUSE, CHEERS)

WEBB: Thank you so much, Congresswoman. We have two more, we have two more. Do we have time for two more questions?

HONTIVEROS: No.

WEBB: Unfortunately, we just found out that we can only ask one last question.

HONTIVEROS: It is — time check — 8:00. We have one final chance, Pinky.

WEBB: This is the one final chance to hear from our candidates with their closing statements. Congresswoman, Senator you have. Senators, you have one minute each. The question is "Why should the Filipinos vote for you?"

HONTIVEROS: Senator Cayetano will reply to that question first.

CAYETANO: Nais ko ng isang Pilipinas na walang gulo, na ligtas, na malaya sa droga, corruption at krimen. Iyan po ang gusto namin ipaglaban ni Mayor Duterte. Sabi po nila hindi namin kaya. We will try and we will die trying to give to you in six months.

(CROWD CHEERS)

Tignan niyo po ang entabladong ito: sino po rito ang lalaban para sa inyo — ‘yung hawak sa leeg ng ilang mga negosyante kaya nawawala kapag ang usapin ay tungkol sa negosyo nila, iyong produkto ng corruption at pagnanakaw sa ating bansa o iyon pong okay kaya lang gustong ipagpatuloy ang kapalpakan ng kanilang partido o meron na kayong pagpipilian na may takot sa Diyos, buo ang loob at lumaban na sa inyo?

Mga kababayan, sama-sama na tayo, halika na baguhin na natin ang Pilipinas.

(CROWD CHEERS)

HONTIVEROS: Thank you, Senator Cayetano. Senator Escudero, your closing statement, please.

(CROWD CHEERS)

ESCUDERO: Hindi ko po ugali apakan ang ibang tao para umangat. At lalong hindi ko ugali buhatin ang sarili kong bangko.

(CROWD CHEERS)

Sana nasabi ko na nagawa ko na ang mga dahilan kung bakit. At sana, hindi ko nasabi at hindi ko ginawa ang mga idadahilan kung bakit hindi. Alam ko pong nakaaaliw kaming panuorin ngayon — parang mga payaso sa isang circus. Subalit, sa dulo, ang halalang ito ay hindi tungkol sa’min, ito po ay tungkol sa inyo, tungkol sa interest at kapakanan ninyo — hindi kung sino ang gwapo maganda dito sa entablado.

(CROWD CHEERS)

Sa dulo, sa araw ng eleksyon, magkakapantay-pantay ang bawat isa. Dito man kami nakatayo o nanonood kayo diyan sa inyong telebisyon o dito sa gymnasium na ito pag dating ng araw ng eleksyon tig iisa atyo ng boto.

(CROWD CHEERS)

HONTIVEROS: Salamat, Senator Escudero. Senator Honasan, your closing statement please.

HONASAN: Bilang sundalo po at rebelde paulit-ulit kong itinaya ang aking buhay. Ako'y isang tapat, hardworking na mambabatas. Pero ang pinakamahalagang kong qualification ako ay isang mabuting padre de pamilya at asawa at mabuting ama. At ‘pag tinanong niyo ang mga apo ko, ako ang the best na lolo. Lahat ho tayo laborer, senador, farmer, fisherman, OFW gusto na nating umuwi pero hindi na natin pwedeng hiwalayan ang ating bansa, sa ating tahanan ang ating pamilya, sa ating mga kababayan — kaya kailangan po umuwi sa ating bansa, isang pamilya na malaya, malakas at ligtas palagi salamat.

(CROWD APPLAUSE)

HONTIVEROS: Salamat, Senator Honasan. Senator Marcos.

MARCOS: Thank you very much. Napag-usapan na po natin ang maraming problemang hinaharap ng ating bansa na nangangailangan ng solusyon. Dalawamput pitong taon na akong naninilbihan. Maliwanag po ang record ko na wala po tayong ginawa kundi maghanap ng solusyon para [sa] problemang hinaharap ng taong bayan.

What the country needs now are better leaders, leaders that seek to you night not to divide, leaders that look to the future not to the past. Kaya, bilang bise presidente, ‘yan ang lideratong dadalhin ko. Ang lideratong pinagkakaisa ang sambayanang Pilipino at sabay-sabay, sabay humaharap sa magandang kinabukasan. Maraming salamat.

(CROWD CHEERS)

HONTIVEROS: At, maraming salamat, Senator Marcos. Congresswoman Robredo, your turn for closing statement, Ma'am.

(CROWD CHEERS)

ROBREDO: Sa akin pong pag-iikot sa buong bansa, nagiging maliwanag na po sa aking ‘yung ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Pakiramdam ko, buong buhay ko, ay paghahanda.

Iyong simpleng pamumuhay, iyong mga unos na kahirapan na napagdaanan naming pamilya, iyong akin pong matagal na panunungkulan sa mga nasa laylayan ng lipunan. ‘Pag binabalikan ko po iyong mga kuwento at mukha nung aking mga nakakasalamuha, sinasabi ko po sa sarili ko, excited na ako manalo. Hindi para sarili ko pero po para sa ating mga kababayan na umaasa na mayroong mamumuno sa kanila na hinding-hindi sila papabayaan.

Nung una pa lang po akong tumatakbo, halos wala po sa aking nakakakilala. Lahat po yata sa amin, pang huli ako.

Ngayon po hindi na gano’n ang kuwento. Malapit na po, abot kaya na ang tagumpay.

(CROWD CHEERS)

Isa po akong ina at hindi ko po papabayaan ‘yung aking mga anak. Hindi ko po papabayaan ang bayan. Naniniwala ako na sa dulo ng lahat, iyong tama ung parating mananaig (HONTIVEROS BUTTS IN: Thank you.) sa amin pong anim, may the best woman win.

(CROWD LAUGHS, CHEERS)

HONTIVEROS: Senator Trillanes...

TRILLANES: Ang ating bansa po ang nahaharap sa malulubhang problema at sa bawat problema na ito ay mga masasamang tao na nasa likod. Nandiyan na ang mga corrupt na politiko, mga smuggler, mga drug lords, at mga criminal syndicates.

Hindi po sila madadala sa mga porma o sa mga magagandang mga talumpati. Ang kailangan po natin ay isang Vice President na buo ang tapang at haharap na babanggain sila,

(CROWD CHEERS)

Iyan po ang ginagawa ko, since 2013, at kung pahihintulutan ninyo, papatuloy ko ang paghahabol sa kanila nang sa gano’n, malinis natin ang ating lipunan. Salamat po.

(CROWD CHEERS)

HONTIVEROS: Thank you. Maraming salamat po, Senator Trillanes.

And what a debate this was. We'd like to thank our candidates for spending more than three hours with us and we would like to ask them to join on the stage. Senator Alan Peter Cayetano,  Senator Chiz Escudero, Senator Gregorio Honasan.

WEBB: Senator Marcos, Congresswoman Leni Robredo, and Senator Sonny Trillanes.

###