FULL TEXT | Speech of Jejomar Binay for the UNA launch

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

Vice President Jejomar Binay relaunched on Wednesday (July 1) his political party, the United Nationalist Alliance or UNA.

Metro Manila (CNN Philippines) — Vice President Jejomar Binay delivered a fiery statement at the launch of United Nationalist Alliance (UNA) at the Makati Coliseum on Wednesday (July 1).

In his speech, Binay again took a swipe at the Aquino administration and posed a striking question: "Where is the government?"

Binay also stood by his previous statements, saying that President Benigno Aquino III and his Cabinet are not pro-poor.

"Ang sigaw ng UNA at taumbayan: 'Sawa na tayo kahirapan'," Binay said.

[Translation: "UNA and citizens' battle cry is: 'We are tired of poverty.'"]

The Vice President also stressed that unlike those under the current administration, members of UNA aren't incompetent and indolent.

"Ang UNA ay hindi samahan ng palpak at manhid. Hindi ito samahad ng tamad."

[Translation: "UNA is not an organization of the incompetent and the callous. We aren't a group of lazy people."]

Before ending his speech, Binay gave the public a rundown of UNA's platform, which zeroed in on uplifting the lives of the impoverished.

To accomplish this, Binay cited three guiding principles: social inclusion or improvement of basic services, economic dynamism, and effective and caring governance.

Binay also said that instead of pointing fingers, UNA will strive for a government that takes responsibility for its actions.

Below is a transcript of Binay's speech:

Buong puso nating tinatanggap sa oras na ito ang hamon na isulong ang tunay pagbabago at kaginhawahan para sa bawat Pilipino.

Naglulunsad tayo ng ating partidong UNA na may galing at talino, makatao, may malasakit, at nakikinig sa hinaing ng mga mamamayan.

Kaakibat ng sambayanan, itatatag ng UNA ang isang pamahalaan na nakasandig sa katapatan, hustisya, puso at galing; ginagantimpalaan ang pagsisikap ng mga pribadong mangangalakal, habang tinitiyak ang pangkalahatan at pangmatagalang pag-unlad ng mamamayan, at pagkalinga sa mga mahihirap at kapuspalad.

Maayos na serbisyo sa sambayanan batay sa karanasan, dunong, kahusayan, at malasakit sa kapwa ang lideratong inaalay natin. Dahil sa UNA, ang kapakanan at ginhawa ng Pilipino ang laging inuuna.

Mga kasama:

Sa loob ng limang taon, napakarami pa rin ang walang trabaho, mga nagugutom, at mga may sakit na walang magamutan. Mga kabataang hindi mapag-aral ng kanilang pamilya.

Talamak na krimen at iligal na droga sa mga komunidad. Laganap pa rinang kahirapan. Kaya ba ang tanong ng bayan: nasaan ang gobyerno?

Dahil sa anomalya at pangongotong sa MRT, palpak ang serbisyo. Iilan na lamangang tumaktakbong bagon. Sa haba ng pila at matinding siksikan – papasok ka naamoy bagong-ligo, lalabas ka ng tren na amoy-pawis.

Ang dasal ng mahigit kalahating milyong pasahero sa bawat araw ay wala sanang aberyang mangyari sasinasakyan nilang running train coffin. Tanong muli ng bayan: nasaan ang gobyerno?

Nagbuwis ng buhay ang apatnapu’t-apat na magigiting na miyembro ng ating kapulisan – ang SAF 44. Nagkaroon ng katakot-takot na imbestigasyon at report, ngunit walang nasampahan ng kaso. Ang tanong ng bayan: nasaan ang gobyerno?

Mga kababayan:

Ang sigaw ng UNA at ng taumbayan: Sawa na tayo sa kahirapan. Sawa na tayo sa kawalan ng hanap-buhay. Sawa na tayo sa kriminalidad at iligal na droga. Sawa na tayo sa kakulangan ng basic services. Hirap na tayo sa manhid at palpak na pamahalaan. Hirap na tayo sa turuan, siraan, at pambobola. Hirap na tayo sa kaunlarang iilan lang ang nakikinabang.

Ating inihaharap ang plataporma ng UNA para sa bagong paglaban sa kahirapan. Ito ang bandera ng ating paglilingkod, ang ating dakilang misyon, at ang ating saligang gabay sa paglilingkod sa sambayanan.

May tatlong haligi ang ating programa ng pamahalaan:

Una, pinalawak na serbisyong panlipunan o  social inclusion/improvement of basic services;

Pangalawa, masiglang ekonomiya o economic dynamism;

At, pangatlo, epektibo at may malasakit na pamamahala o effective and caring governance.

Ipatutupad natin sa buong bansa ang ibayong serbisyong panlipunan na nagawa nasa Makati. Sa  gayon, maraming Pilipino ang maiaahon sa kahirapan. Sila ay mabibigyan ng ginhawa.

Pangunahin na sa ating plataporma  ang pagbibigay ng hanapbuhay mula sa limang sektor na pinakamalaking tagapaglikha ng trabaho. Palalakasin natin ang agrikultura, manufacturing, turismo, business process outsourcing, at export.

Ikalawa sa ating plataporma ang pagpapalawak ng de-kalidad at libreng  basic education at subsidized higher education. Kasama dito ang ayuda para sa uniporme, gamit sa eskwela, libro at mga tamang pagkain para sa mga batang mag-aaral.

Lulutasin ang matagal nang kakulangan sa silid-aralan. Aasikasuhin natin ang kapakanan ng mga guro na matagal nang pinababayaan nitong pamahalaang ito. Ibayong suporta sa mga state universities and colleges ukol sa agrikultura at food security, science, technology, sining at patakarang pambayan.

Gaya ng ginawa natin sa Makati, pagagandahin natin ang serbisyo ng mga pampublikong ospital sa buong bansa. Magbibigay tayo ng komprehensibong healthcare para sa lahat at libreng serbisyo medikal para sa mga mahihirap.

Isusulong natin ang preventive health care sa pamamagitan ng malawakang bakuna,sanitasyon at tamang nutrisyon. Ibayong suporta sa mga lokal na pamahalaan nasiyang may pangunahing mandato upang pangalagaan ang kalusugan ng kanilang nasasakupan. Kasing halaga nito ang pagbibigay kalinga at suporta sa ating mga health workers sa lahat ng antas. Pundasyon ng serbisyong panlipunan ang masiglang ekonomiya.

Ito, ito ang ilikhang maraming trabaho at magdadagdag na pondo para sa ibayong  serbisyo  ng pamahalaan. Mga negosyong lumalago mula sa de-kalidad na kasanayan ng manggagawang Pilipino, malinaw at hindi pabago-bagong mga batas at mga patakaran.

Mas mabilis at simpleng proseso ng pagpaparehistro, pagbubuwis at pagkuha ngmga permiso at lisensya, maayos at modernong imprastruktura, public transport na hindi palpak tulad ng MRT, airport at pantalan, at abot kayang presyo ng kuryente. Titiyakin natin ang mahigpit na pagkakaisa at koordinasyon ng pamahalaan at mga gobyernong lokal  sa  mga  patakaran, programa at alituntunin.

Mga kasama:Ang UNA ay hindi samahan ng mga palpak at manhid.

Hindi ito samahan ng mgatamad, usad-pagong at teka-teka sa pagharap sa mga problema ng bayan. May sapat na karanasan at hindi bagitong mag-aaral pa lang sa pamamahala at pagsisilbi sa bayan.

Aaminin natin kapag  tayo  sa  UNA ay  nagkakamali. Hindi  tayo maninisi  o magbibintang sa iba. Aakuin natin ang responsibilidad at pananagutan nang buong pagpapakumbaba. At lagi nating igagalang ang ating Konstitusyon at laging paiiralin ang batas. Patitingkarin natin ang tatlong sangay ng pamahalaan na pinahina ng panunuhol at pananakot. Mga kasama: Samahan ninyo ako upang magkatotoo ang ating pangarap na iangat ang buhay ng bawat Pilipino. Palaganapin ang ating panawagan ng bagong laban sa kahirapan. Ipaliliwanag din natin ang kawawang kalagayan ng ating bayan dahil sa isang manhid at palpak napamahalaan.

Ihahayag ang ating solusyon: at ito nga ang plataporma ng UNA para sa maganda at maginhawang buhay. Ibalik natin ang pananalig sa panginoong Diyos.

Himukin, tipunin, at organisahin natin ang ating mga kapuso, kapamilya, at kapatid,kaibigan, kapitbahay, at kakilala sa mga balangay ng UNA. Nagbubukang-liwayway na ang ating  laban.

Malinaw ang ating adhikain at pinapangarap. Matibay ang ating pagkakaisa at kapasyahang paginhawain ang mahihirap. Nasa panig tayo ng katotohanan. Kapakanan ng sambayanan ang ating dakilang tungkulin.

UNA ang bayan! UNA ang tao! UNA ang Pilipino!

Mabuhay ang UNA! Mabuhay ang sambayang Pilipino!