Letters from death row: Mary Jane Veloso writes

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

(CNN Philippines) – Last Saturday (April 25), Mary Jane Veloso’s family visited her at the Nusa Kambangan correctional facility in Cilacap, Central Java, Indonesia – where the convicted Filipino maid, along with nine other death row inmates, were transferred a day before.

Nusa Kambangan, an island located in the Indian Ocean, is a maximum high-security prison also known as “execution island.” To be transferred there, as in the case of the 10 death row inmates, is a sign that the sentences may be carried out soon.

In Indonesia, it’s death by a firing squad.

There, Veloso spent about two hours of quality time with family. She played with her two boys. She was surprisingly strong – calm, composed, and even made jokes. Veloso’s bonding with her siblings was intense.

She tried to buoy their spirits, especially her parents. She told them not to feel sad for her.

Even the prison guards and officials were very nice to Veloso and even vouched for her amiable, thoughtful, and bubbly personality.

It was also during that visit when Mary Jane handed over to the Department of Foreign Affairs personnel four handwritten letters addressed to President Benigno S. Aquino III and Vice President Jejomar Binay, the Filipino youth, the Filipino women, and to those responsible for what happened to her.

Veloso insists on her innocence in her letter. She claims that she was just a victim.

In her letter to Aquino and Binay, Veloso said: “Lubos po akong humihingi ng tulong sa inyo. Iligtas po ninyo ang aking buhay sa hatol na kamatayan. Mayroon po akong dalawang anak na maliliit pa at nangangailangan ng inang mag-aaruga, magpapatnubay sa kanila at nangangailangan ng pagmamahal ng isang ina.”

[Translation: "I’m asking for your help. Please spare my life from death sentence. I have two small kids who need a mother’s nurturing, guidance, and love."]

In her letter to the Filipino youth, Veloso started by introducing herself and then emphasized that she was a victim of drug trafficking, briefly explaining the circumstances that led to her arrest.

“Para sa mga mahal kong kababayang kabataan sa Pilipinas: Ako si Mary Jane, isa akong biktima ng ipinagbabawal na gamot. Dahil sa kagustuhan kong mabago ang buhay ng aking pamilya, naniwala ako sa isang tao na bibigyan niya ako ng trabaho sa ibang bansa bilang katulong, at dahil sa kabaitan niya sa akin hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin.

“Nakuhanan ng drugs ang dala-dala kong bag na binili ng kaibigan ng nagsama sa akin sa ibang bansa at hinuli ako ng pulis at hinatulan ng kamatayan.”

[Translation: "To my beloved young citizens in the Philippines: I am Mary Jane, a victim of drug trafficking. Because of my desire to change my family’s life, I accepted a friend’s offer to work overseas as a house help. She was so kind to me that I never suspected that she would do anything bad to me. Drugs were found in the bag that was I was carrying, which was bought by a friend of the one who accompanied me. I was arrested by police and sentenced to death."]

Veloso, meanwhile, gave the Filipino women a few words of advice:

“Mga mahal kong kababayang babae sa Pilipinas, huwag kayong magpapabaya sa mga rekruter na hindi gumagamit ng ligal na paraan, para makaiwas tayo sa ano mang klaseng problema.

Hindi katulad ko na naloko at sa ngayon limang taon na akong nakakulong dahil sa kasalanang hindi ako ang may gawa at hinatulan ng kamatayan.”

[Translation: "My beloved Filipina women, don’t be fooled by illegal recruiters – unlike me who was tricked. I got imprisoned for five years now for a crime that I did not do and was sentenced to death."]

Lastly, Veloso made an emotional appeal to the persons responsible for the whole mess:

“Sana lumiwanag ang inyong isipan at makunsensiya kayo, sana sa lalong madaling panahon mahuli agad ang taong nagpahamak sa buhay ko at para wala nang maging biktimang katulad ko… napakasakit at napakahirap tanggapin na kailangan kong pagdanasan ang lahat nang ito dahil sa mga taong tulad ninyo na gumagawa ng masama."

[Translation: "May your conscience clear up your minds. As soon as possible, may those responsible for putting my life on the life be caught so that there would be nobody else who would become a victimized like me... It's so painful and so hard to accept that I have to go through all this because of people like you who do bad things."]

A few hours later, on that same day, it was Veloso’s turn to receive a letter – a notice of execution.

(Transcript of Veloso's letters)

LETTER TO PRESIDENT AQUINO AND VICE PRESIDENT BINAY:

Para sa mahal kung Pangalawang Pangulo nang Pilipinas

Ako po si Mary Jane Fiesta Veloso, lubus po akong humihingi nang tulong sa inyo, iligtas po niyo ang aking buhay sa hatol na kamatayan, mayroon po akong dalawang anak na maliliit pa at nangangailangan nang inang mag-aaruga, magpapatnubay sa kanila at nangangailangan nang pagmamahal nang isang ina.

Vice President Binay, kayo lang po ang makakatulong sa akin, hawak nyo po at nang Pangulong Pilipinas Ninoy Aquino ang kaligtasan nang aking buhay, Vice President Binay wala po akong kasalanan, isa lang po akong biktima, hinding-hindi ko po magagwang magtrabaho nang masama lalong-lalu na ang magdala o magbenta nang droga sa ibang bansa na hindi ko kilala at unang beses ko palang napuntahan, kahit na po mahirap lang ang buhay namin at gusto kong mabago ang aming buhay, hinding-hindi ko po magagawa ang ibinibintang nila sa akin, mas gugustuhin ko pa pong magtrabaho bilang katulong kahit na mahirap at pagod pero malinis naman na paraan, pinalaki din po ako nang aking mga magulang ma may takot sa Panginoong Diyos, sumusumpa po ako sa harap ng Panginoong Diyos na wala po akong kasalanan at isa lang po akong biktima nang mga taong gumagawa ng kasamaan, marami man pong hindi naniniwala na wala akong kasalanan alam ko po na alam nang Panginoong Diyos na nagsasabi ako nang pawang katotohanan.

Vice President Binay kayo po ang pangalawang ama nang aming bansa at bilang Pangalawang ama nang amiing bansa, iligtas po niyo ang inyong mga anak sa kapahamakan lalong-lalu na po ang walang kasalanan at naging biktima lang dahil sa kagustuhang magkaroon nang trabaho sa ibang bansa para mabigyan nang magandang kinabukasan ang aming pamilya at mapagtapos nang pag-aaral ang aming mga anak.

Vice President Binay, naniniwala po ako na hindi nyo po ako pababayaan, maraming salamat po sa lahat nang tulong na ipinagkaloob po ninyo sa akin at nagpapasalamat din po ako kay Pangulong Pilipinas Ninoy Aquino bilang ama nang ating Bansa alam ko po na hindi din po tumitigil ang ating Pangulo sa pagtulong at paghanap nang paraan para matulungan po ako at nang hindi matuloy ang hatol na kamatayan sa akin,

Hanggang dito na lang po ang sulat ko, umaasa po ako na makakamit ko po ang katarungan sa nangyari sa akin, nagpapasalamat din po ako sa mga kababayan natin na handang tumulong, ganoon din po sa ating Embassy Filipina, Embassy Di Jakarta, DFA, na umaasikaso sa kaso ko, ganon din sa mga abogado na may hawak nang kaso ko at sa lahat nang taong tumutulong na mailigtas ako, kahit na hindi sila Pilipina pero handa silang tumulong at palaging nagdadasal para sa kaligtasan ko.

GOD BLESS US.

Lubos na gumagalang

- (sgd.) Mary Jane F. Veloso

Mary Jane Fiesta Veloso

LETTER TO THOSE RESPONSIBLE FOR WHAT HAPPENED TO HER:

Para sa mga taong nagpahamak nang aking buhay.

Gusto kung iparating sa kanila na mabagabag sana ang puso sila sa ginawa nilang kasamaan at itigil na nila ang mga masama nilang trabaho para wala nang mapahamak na katulad ko at nang wala nang maging biktima nang iligal na trabaho sa ibang bansa.

Alam niyo na inosente ako at bibitayin ako dahil sa kasalanang hindi ko ginawa, ituloy man ang bitay sa akin alam ko na hindi natutulog ang Panginoong Diyos at bibigyan Niya ako nang kataringan sa lahat nang nangyari sa akin.

Sana lumiwanang ang inyong isipan at makunsensiya kayo, sana sa lalung madaling panahon mahuli agad ang taong nagpahamak sa buhay ko at para wala nang maging biktima katulad ko.

Para sa akin, napakasakit at napakahirap tanggapin na kailangan kung pagdanasan ang lahat nang ito dahil sa mga taong katulad ninyo na gumagawa nang masama.

Pero kahit na napakasama nang ginawa ninyo sa akin palagi ko pa rin kayong ipinagdadasal na Panginoong Diyos at ihinihingi nang tawad sa lahat nang nagawa ninyong kasalanan at kasamaan.

Hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago, huwag kayong magpakasama nang lubos, meron pang naghihintau na kinabukasan sa inyo kung lalapit at hihingi nang tawad sa lahat nang nagawa ninyong kasalanan.

Trust in God

- Mary Jane

LETTER TO FILIPINA WOMEN:

Para sa mga mahal kung kababayang babae sa Pilipinas, gusto kung ipaabot sa inyong lahat na kung gusto ninyong magtrabaho o pumunta sa ibang bansa, huwag kayong papayag kung hindi kayo gagamit nang Agency o ligal na paraan para maiwas kayo sa kapahamakan at nang hindi ninyo abutin ang sinapit ko.

Alam ko kung gano ang hirap nang buhay sa atin, kasi isa rin ako sa inyo na nakipag sapalaran sa ibang bansa, isa din akong babae na may pangarap na maiahon sa hirap ang aking pamilya, mabigyan nang magandang kinabukasan ang aking mga anak at mapagtapos nang pag-aaral ang dalawa kung anak.

Sa laki nang kagustuhan kung matupad ang aking mga pangarap hindi ko naisip na paggamit ko nang iligal na paraan ito ang magpapahamak sa akin, may nag-alok sa akin na bibigyan niya ako nang trabaho sa ibang bansa at madali daw akong makakaalis at magkakatrabaho kasi daw marami siyang kaibigan sa ibang bansa kaya lang papasok daw kami sa ibang bansa na hindi gagamit nang ligal na paraan (tourist) sa kagustuhan kung makaalis kaagad tinanggap ko ang alok sa akin at hindi ko inisip na maling disisyon ang ginawa ko.

Mga mahal kung kababayang babae sa Pilipinas, huwag kayong magpapaloko sa mga rekruter na hindi gumagamit nang ligal na paraan, para makaiwas kayo sa ano mang klasing problema. Hindi katulad ko na naloko at sa ngayon limang taon na akong nakakulong dahil sa kasalanang hindi ako ang may gawa at hinatulan nang kamatayan.

Mga kababayang kung babae ayokong mangyari sa inyo ang nangyari sa akin kaya kung mas mabuti huwag na kayong umalis sa ating bangsa, kahit na mahirap ang ating buhay kasama naman natin ang ating mga mahal sa buhay.

Idinadalangin ko sa Panginoong Diyos na sa paggamit ninyo nang ligal na paraan, maging maayos ang lahat at makapagtrabaho kayo sa ibang bansa nang walang ano mang maging problema o kapahamakan.

Naway pagpalain kayo nang Panginoong Diyos.

Jesus love us

- Mary Jane

LETTER TO FILIPINO YOUTH:

Para sa mga mahal kung kababayang kabataan sa Pilipinas. Ako si Mary Jane isa akong biktima nang ipinagbabawal na gamot, dahil sa kagustuhan kung mabago ang buhay nang aking pamilya, naniwala ako sa isang tao na bibigyan niya ako nang trabaho sa ibang bansa bilang katulong at dahil sa kabaitan niya sa akin hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin.

Nakuhanan nang drugs any dala-dala kung bag na binili nang kaibigan nang nagsama sa akin sa ibang bansa at hinuli ako nang pulis at hinatulan nang kamatayan.

Sa limang taon na pananatili ko sa loob nang kulungan marami akong nalaman, araw-araw kung kasama ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, karamihan sa kanila ay mga kabataan at dahil sa maling pakikihalubilo o pakikipag barkada sa mga taong gumagawa nang ipinag babawal na gawain, marami ang nagiging biktima at nalilihis nang landas. Karamihan sa kanila ay itinatakwil nang kanilang pamilya, napapariwara, nasisira ang pag-aaral, meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na gamot at marami na rin akong nakitang namatay dahil sa sobrang paggamit nang drugs.

Huwag ninyong sayangin ang inyong buhay, huwag na huwag kayong gagamit nang ipinagbabawal na gamot o magbebenta, walang idudulot na mabuti sa inyo at masisira pa ang inyong buhay.

Naniniwala ako na sa hindi ninyo paggamit nang drugs o masasangkot sa ano mang klase nang iligal na trabaho, may magandang kinabukasan ang naghihintay sa inyo.

Huwag kayong makakalimot sa Panginoong diyos siya ang maggagabay sa inyo para hindi kayo malihis nang tamang landas.

Kayong mga kabataan ang pag-asa nang ating bayan at magiging bayani nang ating bansa.

Patnubayan nawa kayo nang Poong Maykapal at palaging mapasainyo ang pagpapala nang Panginoong Diyos magpakailanman. Amen.

God Bless Us

- Mary Jane