ELECTIONS

POLL: Why I voted in the 2022 elections

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

CNN Philippines Life visited several polling locations in Metro Manila to ask Filipinos why they voted. Photo by JL JAVIER

Manila (CNN Philippines Life, May 9) — The official numbers of voters in this year’s Philippine general elections have yet to be announced, but COMELEC commissioner George Garcia has already said that the agency was “overwhelmed” by the turnout despite the pandemic.

COMELEC previously said that 67.5 million Filipinos are registered to vote this year — 3.9 million higher than in 2019. While the election process was hounded by the usual influx of reports of malfunctioning vote counting machines, it was highly evident that many citizens stood their ground to guard their ballots — most citing their desire for change in the country.

We spoke to voters from Magat Salamat Elementary School in Tondo, Manila, Cubao Elementary School in Quezon City, and Las Piñas Science High School, and Bonifacio Javier National High School in Mandaluyong to ask them why they cast their vote today.

Delaida Hilario Floro, 84, retired

Kada boto, present ako. Di po ako nakakalimot.

Rolando Norada, 62, dealer of spare parts

Dapat ako bumoto eh. Dapat ako bumoto sa presidente, 'yung pusuan kong presidente. Gusto lang iboto eh.

Elvira Macapagal, 56, unemployed

Para sa bayan. Para mabago 'yung kung sino man yung binoto ko, mahalal siya, matuwa ako. Sana mahalal.

Janen Nablo, 32, nail technician and Ofelia Alcantara, 62, housewife/retired

JANET: Siyempre po para magkaroon tayo ng pagbabago. Tsaka magkaroon tayo, siyempre sa dami nating nangyari ng itong pandemic, para gusto niyong mabago kung anong mangyayari.

OFELIA: Kasi gusto kong mabago ‘yung patakaran ng gobyerno. At saka gusto ko talaga ‘yan na iboto ‘yung presidente na gusto ko. Baka sakaling doon nababago ‘yung patakbo ng Pilipinas, tsaka ‘yung taong hinuhusgaan nila — ako, Bongbong Marcos ako. Sinasabi ko ‘yung totoo. Gusto ko na mapatunayan ng tao na ‘yung taong mga hinuhusga nila, baka ngayon lang mailabas nila ‘yung… maipakita ni Bongbong Marcos kung ano ‘yung ano, ‘yung paghuhusga sa kanila, gusto kong ibahin niya ‘yung parang hinara ng tao sa kanila. ‘Yan ang gusto ko. At tsaka gusto ko ipagpatuloy niya ‘yung gawain ni Duterte.

Roberto Iglesia, 46, farmer

Kahit sinong iboto ko, para sa bayan ko eh. Kay Leni. Si Leni.

John Raceo, 24, stockman

Para may magbago, ganun? Parang kailangan po ata sa trabaho namin. Magboto. Ewan ko lang po.

Jasha Mae Dan Cruz, 22, student

Gusto kong bumoto para may mahalal sa atin na maayos na presidente at mamuno sa atin na matiwasay.

Antonio Mejia, 61, retired

Para hindi mawala ‘yung pangalan sa national. Taon-taon naman bumoboto ako sa national eh.

Michelle Francisco, 43, housewife and Jose de Roxas, 63, retired

JOSE: Para pag nagkasakit ka… di maano mo agad ‘yun, may makukuha ka sa gobyerno.

MICHELLE: Bumoto ako kasi gusto ko maging maayos naman ‘yung bansa natin, hindi ‘yung sobrang hirap na. ‘Yung may maiiangat naman tayo sa kahirapan. Magkaroon ng trabaho, ‘diba?

Jane Zinagpan, 35, teacher

Kasi siyempre bilang Pilipino, it’s my privilege na makaboto at pumili ng lider na alam kong magiging mas maayos ang takbo ng Pilipinas. Para sa future ng mga anak ko.