ELECTIONS

POLL: What do you want to happen in the next six years?

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

CNN Philippines Life asks voters what they want for the Philippines in the next six years. Photo by JL JAVIER

Manila (CNN Philippines Life, May 9) — As Filipinos headed to the polls on election day 2022, many were buoyed by the desire to elect leaders who would eradicate corruption, create jobs, and lower prices of basic goods. Others couldn’t care less.

Once proclaimed, the newly elected president, vice president, and senators will serve a six-year term, ending in 2028.

As part of our election day coverage, the CNN Philippines Life staff went to polling centers in Manila, Mandaluyong, Las Piñas, and Quezon City to ask voters: what do you want to happen in the next six years?

Photo by JL JAVIER

Niño Cabal, 28, unemployed

Bahala na sila ‘dun. Basta nakaboto na ako, ok na ‘yun.

Photo by JL JAVIER

Danilo Gregorio, 56, salon owner and stylist

Kasi [nagkaroon] tayo ng pandemic kaya hindi mo masabi perfect ang ano, kasi pandemic nga. So sana makaahon na tayo. Hindi mo naman pwedeng sisihin si presidente kasi nga nagkaroon tayo ng [pandemic]… Siguro kung walang pandemic pwede pa natin siyang sisihin.

Photo by JL JAVIER

Joehanne Santos, 28, operations assistant

Gusto kong bawasan na ‘yung corruption, gusto ko magkaroon ng enough jobs for the people na kapag may sakuna, nabibigyan sila ng tulong agad agad, na wala nang extrajudicial killings ng tulad nang nangyari nung past six years.

Photo by JL JAVIER

Christian Samson, 25, business analyst

In the next six years, gusto ko gumanda ‘yung Pilipinas. Siyempre, sino bang ayaw? ‘Yung resources dapat sa Filipino, dapat mabigay para sa Filipino. Siyempre, ngayon kasi ang daming corruption. Hindi naa-allocate nang tama ‘yung mga resources ng bayan. In the next six years sana mas gumanda ‘yung Pilipinas kasi tama ‘yung namumuno.

Photo by JL JAVIER

Ted Gabinete, 46, retired

If ever… pursue lang [ng bagong gobyerno] ‘yung mga promises… ‘yung plataporma nila… Nung isang binoto ko. I’m not expecting much but at least may matupad. [Sana magkaroon ng] unity… that’s number one eh. Laging may bangayan eh kaya walang improvement.

Photo by JL JAVIER

Michelle Enero, 19, senior high school student

Pagbabago. Kasi ‘yung kay Duterte po, kahit paano po may pagbabago. Parang [konting] pagbabago po para umunlad ang Pilipinas. Actually undecided pa po talaga kasi ako. Di ko rin alam. Kung ano po… pag pasok ko po doon, kung sino kong iboboto kong president. Kasi nagre-research naman po ako kaso ano po eh. Hindi pa rin po sapat kaya hindi pa rin po ako nakipag-decide kung sino.

Photo by JL JAVIER

Corazon Diaz, 80, retired

Bumaba ang presyo ng mga bilihin saka magkaron kaming mga senior citizen ng gamot na libre saka ayuda.

Joreen April Navarro, 29, UX designer

Well one, of course gusto natin ng magandang gobyerno, good governance. I think one thing na na-realize ko sa elections and with the campaigns now [is] I want more people to be informed. I feel like andaming mga bagay na hindi talaga umaabot sa tao. And hindi din mo sila mabla-blame kasi may gaps ang government natin. I wish more people were involved. Like now, ang dami kong kilalang first time voters pa lang now kahit ang tagal na nilang pwedeng bumoto. So sana mas active, apart from ‘yung government mas tapat tsaka mas active, I hope that the people din are more active in voting. Mabusisi ba talaga kung sino ba talaga ‘yung deserving na mag-run sa government.