EDUCATION

POLL: Parents and public school teachers on returning to face-to-face classes

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

On the first day of full face-to-face classes, we asked parents and public school teachers about their thoughts on the new DepEd learning set-up. Photo by JL JAVIER

Metro Manila (CNN Philippines Life, Nov. 3 2022) — Upon her appointment as secretary of education last August, Vice President Sara Duterte-Carpio’s first order of business was to implement full face-to-face classes.

As stated in DepEd Order No. 34 s. 2022, all public schools were expected to return to five-day in-person learning by Nov. 2 of this year. While around 24,000 — or 46% — of schools were already implementing this in August at the start of the current academic year, more than half continued using blended learning modalities during the government’s imposed transition period. Faculty and personnel made use of these three months to set up their physical facilities and undergo necessary training; parents also played their part in ensuring their children are vaccinated, boosted, and cognizant of basic health protocols.

These preparations persisted despite pushback from multiple groups, who have cited the country’s lack of readiness as a potential risk to students. But Duterte reiterated that the lessons learned during the past two years of the pandemic are “more than enough” to implement the necessary guidelines and safety precautions.

We checked in with parents and teachers of students from Pedro P. Cruz Elementary School, Upper Bicutan Elementary School, and Cubao Elementary School to see just how well-equipped they are for the return to 100% face-to-face classes. Below are their answers, edited for clarity.

Photo by JL JAVIER

Jemelee Valencia, teacher

Pabor po ba kayo sa pagbalik ng full face-to-face classes?

Somehow, oo. Mas magandang maturuan sila nang personal kaysa sa online, lalo na para sa akin na kindergarten [students] ang hawak. Sobrang apektado kasi namin noong online learning dito sa public school. Hindi naman lahat ng bata may gadget at hindi naman lahat, nagagabayan sa bahay ng magulang nila. Hindi ko nga alam kung sino ‘yung sumasagot ng modules nila. (Laughs) Kaso ayun siyempre, may consequences pa rin siya. Kapag ‘yung isa may sipon tapos pumapasok pa rin, magkakahawa-hawa kami. Kung meron mang ganoon bago mag-pandemic, wala naman kaming masyadong pakialam pero ngayon kahit simpleng sipon lang, ang lakas niyang makapanakot.

Takot po ba kayo sa posibilidad na baka magka-COVID 'yung mga estudyante niyo?

Hindi na gaano. Wala, ganito na tayo eh. Kailangan na nating harapin ‘yung katotohanan. Magmask na lang siguro tsaka mag-ingat pa rin. Kahit kinder pa lang, lagi na naming tinuturuan ‘yung mga bata na mag-sanitize [ng gamit] at magdala ng alcohol.

Photo by JL JAVIER

Marissa Noguera, parent

Pabor po ba kayo sa pagbalik ng full face-to-face classes?

Actually, hindi. Sana next year na lang kasi may pandemya pa tapos biglang marami nang tao sa labas. Hindi rin ako kampante sa pag-alis ng face mask. Oo, nahirapan kami ng anak ko sa online learning: hindi siya maka-concentrate. Laro siya nang laro at hindi siya nakakafocus sa ginagawa niya kapag online. Pero mas gusto ko na lang po sana kung blended learning: na may mga araw na pumapasok siya sa school at meron namang mga araw na nasa bahay lang siya.

Takot po ba kayo sa posibilidad na baka magka-COVID ‘yung anak niyo?

Siyempre, natatakot pa rin ako. Lahat naman tayo. Lalo na ngayon, tingnan mo: open na open, marami nang tao, meron pang mga iba na hindi nagsusuot ng face mask. Di naman tayo nakakasigurado na wala naman diyang carrier.

Photo by JL JAVIER

Donalyn Niegas, parent

Pabor po ba kayo sa pagbalik ng full face-to-face classes?

Yes po, kasi doon po nakikita na may natututunan talaga [‘yung mga bata]. Medyo nahirapan po kasi kami sa online learning: sa bahay kasi, nahahati ‘yung oras ng bata sa paglalaro at sa pag-aaral. Medyo magulo ‘yung pag-iisip nila at hindi sila maka-concentrate.

Takot po ba kayo sa posibilidad na baka magka-COVID ‘yung anak niyo?

Natatakot pa rin naman po ako [sa COVID] pero naniniwala po kasi ako na nabibigyan ko naman ‘yung anak ko ng tamang bitamina para hindi sila magkasakit. Kampante ako na nagabayan at naturuan ko naman sila ng mga dapat nilang gawin para hindi matamaan ng sakit.

Photo by JL JAVIER

Mark Reyes, parent

Pabor po ba kayo sa pagbalik ng full face-to-face classes?

Oo. Ang tao kasi ay social beings talaga. Gusto natin na may interaction with other people, lalo na ang mga bata kasi nakakatulong siya sa emotional intelligence nila. Ako kasi, hindi naman ako ganoong naapektuhan ng online learning: we’re very good at adapting to situations as Filipinos. In a way, may mga adjustment pa rin naman na kinailangang gawin but generally, it was okay.

Takot po ba kayo sa posibilidad na baka magka-COVID ‘yung anak niyo?

Everybody’s afraid of COVID naman, but we’ve had advances in the medical field. Medyo mas OK na ‘yung knowledge natin with regards to the virus pero siyempre kailangan pa rin nating magingat. It’s still invisible and we still don’t know its effects [on us]. But I’m definitely not as scared compared to a year ago.

Photo by JL JAVIER

Jomar Pascual, teacher and school safety officer

Pabor po ba kayo sa pagbalik ng full face-to-face classes?

Mula sa perspective ng isang teacher, mas pabor ako sa pagbabalik ng 100% face-to-face class kasi mas maganda kapag nandito [ang mga estudyante], kapag nae-experience nila ‘yung learning sa loob ng isang classroom. Noong nag-modular at online learning kami, may mga challenges. Ayon sa aming assessment over the two years na nangyari ang pandemic, ang laki talaga ng gap na pilit pinupunan ng mga teacher natin ngayon pagdating sa basic writing and reading at pati na rin sa social skills ng mga bata. ‘Yung mga daily routine na dapat sisiw lang sa kanila, back to zero na rin ngayon.

Takot po ba kayo sa posibilidad na baka magka-COVID ‘yung mga estudyante niyo?

Pakiramdam ko may mga experience na tayo on how to somehow mitigate or control the situation. Bago magkaroon ng implementation ng face-to-face classes, kasama ang Upper Bicutan Elementary School sa mga nag-trial [ng face-to-face]. Dahil doon, nakapag-prepare kami nang husto at nakita namin na kaya naman namin as long as i-implement nang maayos, imo-monitor, at ie-evaluate kung ano ‘yung strengths and weaknesses ng programs na ginagawa namin.

Photo by JL JAVIER

Mary Grace Malayan, parent

Pabor po ba kayo sa pagbalik ng full face-to-face classes?

Opo, kasi mas matututo ‘yung anak ko at mas made-develop ‘yung pakikisalamuha sa kapwa niyang bata. Actually, hindi naman kasi ako ganoong ka-affected ng online learning kasi kinder pa lang naman ‘yung anak ko. Mas mabilis kasi siya matuto sa mga napapanood niya sa YouTube. Kumbaga, nag-advanced learning na siya tapos pagdating na niya sa school, may basic knowledge na siya kaya parang mabilis ‘yung development niya. Pero ‘yung mga kapatid ko [at ‘yung mga anak nila], affected sila kasi kapag walang WiFi, mahirap mag-connect kapag data lang. Nawala nga ‘yung gastos sa pamasahe, napunta naman siya sa load.

Takot po ba kayo sa posibilidad na baka magka-COVID ‘yung anak niyo?

Siguro hindi na ako takot. Simula nung August kasi, hindi naman siya nagkasakit. ‘Yung COVID, nandiyan lang siya pero as long as nagvivitamins, naghuhugas ng kamay, at nagaayos ng sarili, nakakatulong naman siya sa pag-iwas sa sakit.

Photo by JL JAVIER

Nelson Almazan, parent

Pabor po ba kayo sa pagbalik ng full face-to-face classes?

Ok lang naman po, para matuto ulit ‘yung estudyante at para makinig sila nang maigi sa lessons nila. Medyo nahirapan po kasi ako nung nag-online learning: may trabaho kasi kaming mag-asawa at hindi namin siya matutukan. Eh kung hindi kami magtatrabaho, wala kaming pang-sustento [sa anak namin].

Takot po ba kayo sa posibilidad na baka magka-COVID ‘yung anak niyo?

Hindi naman po, kasi fully vaccinated na rin naman po siya ‘tsaka nakapag-prepare na rin naman po ako para sa pasukan niya.

Photo by JL JAVIER

Juliet Aguilar, parent

Pabor po ba kayo sa pagbalik ng full face-to-face classes?

Actually, dapat matagal nang ginawa ‘yung face-to-face classes kasi bilang magulang, nakikita ko ‘yung limitations na nangyari [noong pandemic]. Talagang nahirapan kami ng mga bata noong online learning: siyempre kailangan naming magtrabaho kaya naiiwan sa kanila ‘yung bulk ng responsibility kung paano sila matututo. Ako, tatlo anak ko at talagang nag-rely sila sa YouTube dahil nawala ‘yung teacher instruction na ginagawa sa klase.

Tayo kasi ‘yung kulelat na bansa sa buong mundo kasi hindi agad natutukan at nagawan ng paraan ng government ‘yung 100% na face-to-face classes. Tutal nagsisimula na sila ngayon kaya suportahan na lang natin. Sana nga lang mabigyan ng kaakibat na priority ng government [ang education sector] kasi narinig ko sa balita na hirap din ‘yung mga teacher dahil sa kakulangan ng classrooms at mismong teachers. Paano na ‘yan? Dadalhin lang dapat namin mga anak namin sa school na walang kasiguraduhan kung anong mangyayari? Kaya ayun, marami pa rin tayong problema na haharapin pero magandang opportunity pa rin ‘yung face-to-face learning para sa learning capacity ng mga bata.

Takot po ba kayo sa posibilidad na baka magka-COVID yung anak niyo?

‘Yung mga anak ko, vaccinated naman sila. May booster na rin ‘yung dalawa: etong maliit ko, wala pa pero complete na vaccination niya. Nagawa na namin part namin kaya sana may sariling sistema rin na ipapatupad ‘yung mga school kasi responsibility na rin nila yan.

Photo by JL JAVIER

Maria Geraldine Isip, teacher

Pabor po ba kayo sa pagbalik ng full face-to-face classes?

Yes, kasi nakita namin ‘yung mga malalaking gap na kailangan naming punan sa mga estudyante namin. As a Grade 5 teacher, ‘yung mga estudyante ko ‘yung mga Grade 2 bago pa mag-pandemic at napansin ko na yung pag-uugali nila pati ang skills sa writing, reading, at comprehension ay nagdecline talaga.

Takot po ba kayo sa posibilidad na baka magka-COVID ​​​​​​​‘yung mga estudyante niyo?

Hindi na gaano. Dito sa school namin at sa section ko, marami na kasing nakavaccinate. Every two weeks, merong nagmomonitor sa amin kung ilan na ‘yung mga batang nabakunahan. May mga protocol din kami na sinusunod: naka-face mask kami kahit sa loob ng room, at meron din kaming libreng alcohol na ginagamit. Natapos din namin ‘yung general assembly namin with the parents noong first week of September at wala naman silang nakitang problema sa pag-conduct ng 100% face-to-face: mas masaya nga sila kapag ganito eh. Mas masaya ang lahat.

Photo by JL JAVIER

Sheryl Ann Calaquian, parent

Pabor po ba kayo sa pagbalik ng full face-to-face classes?

Yes. Iba din kasi ‘yung turo talaga ng teachers. Although hands-on mom ako, iba talaga ‘yung specialty ng mga teacher and meron silang skills na pinagaralan nila for several years compared sa aming parents. Kahit grumaduate ako ng college, may kanya-kanya tayong kakayahan. Importante din for me ‘yung interaction ng kids with other kids because they grow and develop, lalo na kung five days sila nasa school.

Takot po ba kayo sa posibilidad na baka magka-COVID ‘yung anak niyo?

Hindi naman. Complete na kasi ‘yung vaccines niya at booster; pinapag-take ko siya ng vitamins regularly at nassupply ko rin naman siya ng nutrients sa pagkain araw-araw. Alam ko na kakayanin niya. Aside from that, ineexplain ko sa kanya ‘yung benefits ng pagpasok ng face-to-face for five days. Siya rin naman mismo, excited siya. For the longest time, nakakulong lang siya sa bahay at nagtatanong lang siya ng, “Mommy, kailan na ba ako papasok everyday?” Kaya ayun, hindi naman ako nahirapan.