CURRENT-EVENTS

POLL: Metro Manila drivers weigh in on fuel price hikes

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

We asked drivers of various public transport vehicles, including buses, UV Express shuttles, taxis, jeepneys, trikes and Angkas motorcycles how the price increases have affected them. Photo by JL JAVIER

Metro Manila (CNN Philippines, July 8) — With more establishments opening up and returning to face-to-face activities in the past month, public transport drivers are catering to more passengers on a daily basis.

But drastic changes in the world market also caused increase in the prices of petroleum. The country has seen a range of ₱10 to ₱12 fuel price increases in the past month alone, and even with answered calls for fare increases and fuel subsidies, many drivers are struggling to make a decent wage.

We asked drivers of various public transport vehicles in Metro Manila, including buses, UV Express shuttles, taxis, jeepneys, trikes and Angkas motorcycles how the price increases have affected them and what kind of support they want from the government.

Most echoed the same calls to increase fares and lower fuel prices, while many also wished for the war in Ukraine to end, citing it as the reason for the numerous increases in the past few months. Below are their full answers, with minor edits for clarity.

Photo by JL JAVIER

Richie Subire, bus driver, Naic to PITX

Paano nagbago ang iyong araw-araw na pamumuhay dahil sa pagtaas ng presyo?

Malaking pagkakaiba. Nagigipit kami. Kulang sa mga pagkain at pangangailangan sa pang-araw araw. Tumagal ang biyahe. Kulang ang kinikita. Dati, eight ways. Ngayon, six ways na lang.

Ano ang gusto mong gawin ng gobyerno para matulungan kayong mga driver?

Gusto namin siyempre bumalik sa dating sistema para ‘yun nga, bumaba ‘yung mga bilihin. Para maibalik ‘yung dating pamumuhay namin.

Photo by JL JAVIER

Alberto Orcalo, bus driver, EDSA Carousel

Paano nagbago ang iyong araw-araw na pamumuhay dahil sa pagtaas ng presyo?

Siyempre, para sa amin maam, paaraw-araw ng pamumuhay, dapat magbago ang pasahod. Sahod ng araw-araw mo kinikita, pagkatapos, mahal talaga bilihin so importante na ang pasahod talaga niyan maibigay linggo linggo, dalawang linggo sa isang araw. [Dati], dalawang linggo sa isang sahod pwede, pero nabibitin ‘yung mga pasahod ng mga empleyado kaya maraming nagkakautang sa iba-ibang tao. Kaya ganun ang problema.

Ano ang gusto mong gawin ng gobyerno para matulungan kayong mga driver?

Wala namang problema. Sana mga patakaran ng ano, gobyerno, taasan ‘yung sahod ng mga trabahador.

Photo by JL JAVIER

Jovanni Basilio, taxi driver

Paano nagbago ang iyong araw-araw na pamumuhay dahil sa pagtaas ng presyo?

‘Yung dating 700, naging ₱400 na lang sa sobrang taas ng bilihin. [Ang ruta ko], kahit saan para mabawi. [Umaalis ako nang] 7:00 nang umaga hanggang 11:00 ng gabi kasi kailangang sobra sa oras para kumita. Dati, hapon pa lang umuuwi na [ako] kasi kumita na. Ngayon, alas onse, alas dose.

Ano ang gusto mong gawin ng gobyerno para matulungan kayong mga driver?

Doon kasi nagmumula sa gasolina lahat. Ang maganda ‘yun ‘yung kauna-unahang pababain nila.

Photo by JL JAVIER

Nestor de Guzman, jeepney driver, EDSA - Pateros

Paano nagbago ang iyong araw-araw na pamumuhay dahil sa pagtaas ng presyo?

Siyempre, lumiit yung kita, hindi mo na masunod ‘yung gusto mo, hindi ka na makabili ng mga pangangailangan. Kasi nga, sobrang taas ng krudo, halos kalahati. Kasi dati, ang kinikita namin, sobra pa sa gastusin namin. May ipon pa. Pero ngayon, wala talaga. Kain kain lang, wala na talaga. Kaya kung hindi siguro babalik ‘yung dating presyo, hangga’t hindi tataas ang pamasahe, malamang siyempre hahanap ka ng ibang mapagkakitaan. Hindi talaga sasapat eh.

Sa akin naman, kasi may edad na ako. Pwede na siguro ako makipaghinga. Kasi sabi ng anak ko, tinatamad ka na, pwede ka nang magpahinga. Pero kung hindi pa naman, ok lang kahit tambay ka lang dito sa bahay. 64 na kasi ako. Kumbaga, pinaglipasan na ako.... Ewan ko lang sa iba, ‘yung mga nagdi-drive ngayon. Pero alam ko kulang talaga. Kasi ang ipapatong, piso lang. So kung ikaw ay may 200 na pasahero, ₱200 lang ang ipapatong. Kailangan mo lang masipag kasi…kailangan kang magbiyahe ng marami para may pera ka talaga. Tsaka habaan mo ang oras mo. Labas ka nang alas singko, garahe ka nang alas dyis. Hindi kagaya noong araw na labas ka alas singko, alas tres pwede ka nang umuwi… sigurado kang may maiuwi. Pero ngayon, hindi talaga.

Ano ang gusto mong gawin ng gobyerno para matulungan kayong mga driver?

Sabi nga, kung magagawa nila ng paraan kung hindi man nila mababa ‘yung presyo ng diesel, sa bagay kasi kung magtataas ng pamasahe nang mataas naman para makuha mo ‘yung dati mong kinikita mo, aangal naman ang mga pasahero. So ewan ko sa gobyerno perso sa akin talaga, may dadagdagan pa ‘yung dinagdag nila na piso, dagdagan pa nila para umabot nila ang mas marami nang kikitain.

Photo by JL JAVIER

Alex Trinidad, jeepney driver

Paano nagbago ang iyong araw-araw na pamumuhay dahil sa pagtaas ng presyo?

Mahina ang kita namin, kasi mataas na ang diesel. ‘Yung dapat ay para sa amin pumunta, napupunta sa diesel. ‘Yung dati, ang kita namin ₱1,000, ngayon, kahit kalahati na lang.

Araw araw [ako nagbiyabiyahe]. Minsan alas siete, ganyan hanggang mga alas siete sa gabi. Malaking pinagbabago ngayon. Kasi dati, bago ang pandemic, mura ang diesel tapos malakas ang biyahe. Eh ngayon, mahina biyahe tapos mahal ng diesel. Apektado talaga kami.

Ano ang gusto mong gawin ng gobyerno para matulungan kayong mga driver?

Siguro sa ngayon naman, wala naman tayong magagawang paraan para bumaba ang presyo ng petrolyo, diba? Kahit naman si President BBM — kasi sa buong mundo naman ang apektado, hindi lang naman sa Pilipinas. Siguro maaprovan na lang ‘yung dagdag pasahe. ‘Yun na lang ang paraan para makapag bawi kami.

Photo by JL JAVIER

Gerry Ligunbres, jeepney driver, Boni - Stop & Shop

Paano nagbago ang iyong araw-araw na pamumuhay dahil sa pagtaas ng presyo?

Hirap kami. Dahil ‘yung diesel sobrang taas. Ang pamahase, magkano ang tinaas? Isang piso, dalawang piso. Kulang pa. Eh, sa isang ikot…umiikot kami nang ilang kilometro balikan. 14 kilometers ito. Nagkrukrudo kami 4280. Eh minsan, ang pera namin balikan, ₱250. Lalo pa nang trenta, minsan naman lumalampas sa ₱350. Kunin namin, hanggang sa dumami ‘yon, hanggang sa boundary namin nang ₱500. Pag may sobra, amin na ‘yung kung magkano ang maiuwi namin sa bahay.

Ano ang gusto mong gawin ng gobyerno para matulungan kayong mga driver?

Ibaba ‘yung krudo para lahat ng bilihin para kung may tataas man….Bababa ang presyo ng krudo kung pwede. Kahit mga singkuwenta, payts na ‘yan eh. Para makaraos kami, para may kita ang driver.

Photo by JL JAVIER

Marcelino Collado, Angkas driver

Paano nagbago ang iyong araw-araw na pamumuhay dahil sa pagtaas ng presyo?

‘Yan nga ho eh. Lahat tumaas. Lahat ng bilihin, pati sa kita nabawasan na. Malaki po pinagbago. Kagaya sa kita namin, nabawasan nang tumaas ang lahat, lalo na ang gasolina. Mahirap pa mag-ipon ngayon. Napupunta lahat sa bilihin: pagkain, bigas, ulam. Hindi rin naman. Kailangan ho mas kumayod ngayon dahil nabawasan ang kita kaya kailangangang doblehin ang kayod.

Ano ang gusto mong gawin ng gobyerno para matulungan kayong mga driver?

Sana maipapatuloy ‘yung subsidy. Meron naman akong subsidy, unang bigay sa Angkas.

Photo by JL JAVIER

Delfin Cantado, tricycle driver, Taft

Paano nagbago ang iyong araw-araw na pamumuhay dahil sa pagtaas ng presyo?

Pagtaas ng diesel, nahihirapan kami sa sobrang pagtaas. Kasi ang minimum, wala talaga tumatama ang kita namin. Pantay lang sa boundary at tsaka ‘yung sa diesel, minsan umuuwi sa bahay mga ₱300, ₱400 ganoon. Eh, medyo tumaas na ‘yung pamasahe ng ilang piso, pwede pa kaming makaraos, pero ngayon, tataas pa ata ‘yung diesel. Pababa.

Ano ang gusto mong gawin ng gobyerno para matulungan kayong mga driver?

Sana ibalik sa dating diesel para medyo bababa pa ‘yung pamasahe ng mga pasahero. ‘Yun talaga tinaasan. Wala kaming magawa eh. Sumusunod lang kami. Wala kaming biyahe, wala kaming kain, gutom kami.

Photo by JL JAVIER

Noli Racoma, UV driver

Paano nagbago ang iyong araw-araw na pamumuhay dahil sa pagtaas ng presyo?

Lumiit ang kita namin sobra. Kasi imbes na maiuwi namin sa bahay, example, magiging kalahati na lang. Napupunta sa diesel, tapos ‘yung mga bayaran dito. Pero ‘yung pang una-una talaga, diesel. ‘Yung ruta namin is ganun pa rin, pero imbis na mga 3 km ang bibiyaihin mo, tapos isa na lang ‘yung pasahero mo, itatransfer mo na lang para maka-save ka ng diesel.

Ano ang gusto mong gawin ng gobyerno para matulungan kayong mga driver?

Siyempre, mas maganda kung ibababa nila para pangkalahatan ‘yung. Hindi lang sa amin. Para sa mga private, pabor din sa kanila.

Photo by JL JAVIER

Gerry Austria, premium taxi driver

Paano nagbago ang iyong araw-araw na pamumuhay dahil sa pagtaas ng presyo?

Wala nang kaming inuuwi. Napupunta lahat sa diesel. MOA-Laguna routa. Malaki po. Minsan, maiuwi lang namin hanggang alas dyes nang gabi mga ₱400, ₱500 lang. Noong hindi pa pandemic, medyo malaki na po. Noong 28 pa ang diesel, naguuwi kami ng ₱1,500. Tiis tiis ka na lang.

Ano ang gusto mong gawin ng gobyerno para matulungan kayong mga driver?

Sana maibaba nila. Kawawa ‘yung marami. Lalo na ‘yung mga nagtatanim ng palay, mga gumagamit ng patubig. Sila ang kawawa.