Often cited as the greatest Filipino film in history and one of the world’s best according to The Criterion Collection, “Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag,” the seminal work by National Artist for Cinema Lino Brocka, has long sculpted its place in every Filipino cinephile’s consciousness. Adapted from the Tagalog novel “Sa mga Kuko ng Liwanag” by Edgardo M. Reyes, this neo-noir social drama chronicles the story of Julio Madiaga, played by Bembol Roco, a young fisherman from the province who arrives in Manila to track down his lover Ligaya, played by Hilda Koronel.
Filipino poet Enrique Villasis is one of the work’s solid admirers. As proof, he even planned to write his latest collection “Manansala,” released by the University of Santo Tomas Publishing House this year, as an homage to both the film and book, only it didn’t pan out as he hoped. “Originally, ito ang sinasabi kong ambisyong tunguhin ng koleksyon, binalak kong isulat ang koleksyon mula sa punto de bista ni Julio Madiaga,” he tells CNN Philippines Life. “Isang intertextual na aklat sana ang ‘Manansala.’ Pero wala pa akong poetic fortitude para gawin ang ganitong proyekto.”
Born in Milagros, Masbate in 1983, Villasis, as a writer, has already reaped several national literary awards, including six Palancas (five of which are for Filipino poetry) and a Maningning Miclat in 2011. His first poetry collection “Agua,” published by Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), was a finalist at the 2016 National Book Awards. Last year, LIRA issued a second edition of the book. In 2020, his poem “Birds in Flight, 1965,” translated by Bernard Capinpin, was one of the four winners of the Words Without Borders translation contest. Incidentally, the same poem was the very first poem he wrote for “Manansala.” As a day job, Villasis also writes scripts for movies (“Sitio Diablo,” “Kaluskos”) and television shows (“Bridges of Love,” “Dolce Amore,” “Batang Quiapo”).
Now the author’s second book, “Manansala” gathers 45 ekphrastic poems that are based on the paintings of National Artist Vicente S. Manansala, who is largely known for his transparent cubism and modernist approach. “An ekphrastic poem,” says Poetry Foundation, “is a vivid description of a scene or, more commonly, a work of art. Through the imaginative act of narrating and reflecting on the ‘action’ of a painting or sculpture, the poet may amplify and expand its meaning.”
Manansala is mostly credited for how he fuses rural and cosmopolitan ways of life in his works, the same thing that draws Villasis to the painter.
“Hindi komplikado ang sining ni Manansala,” he says. “Very familiar — payapang larawan ng nayon, karukhaan ng lungsod. Kahit may pagdistrungka sa subject, madali pa rin itong makilala. Masasabi ko rin na halos magkatulad ang aming poetic sensibilities. Natutuwa din ako sa pangalan niya — Manansala — mula sa salitang ugat na “sala” — sala (filter) at sala (sin).”
But Villasis had to table the “Manansala” project, switching his focus to completing “Agua,” until he no longer got back to the former. “May ilang ambisyosong tunguhin akong gustong gawin sa pagsusulat nito na hindi ko ma-pull off. Kaya na-frustrate ako,” he says. “Dagdag pa dito ang pangangailangang pagtuunan ko ang pagsusulat sa telebisyon. Maliban sa ilang papuri, hindi naman nakakapagdala ng pagkain sa hapag ang pagtula. Paminsan-minsan, may naisusulat naman akong isa o dalawang tula na isinama ko sa koleksyon.”

"Agua," Vilassis' first poetry collection, was a finalist at the 2016 National Book Awards. Photo courtesy of ENRIQUE VILLASIS
Many years went into the project’s incubation, and Villasis was only able to return to it at the height of the pandemic. He would spend weekly Zoom sessions with his writing group, ingeniously called WIFI, to produce poems within an hour or two based on assigned prompts. “Walang judgment, walang comment, basta tula. Mula sa lingguhang pagsusulat na ito natapos ko ang manuskripto na halos sampung taon ko ding ginagawa.” Some of these poems, or at least earlier versions of it, he would share on Facebook, or publish as a chapbook for Aklat Ulagad or as a suite for “Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature” by the UP Press.
"To read Villasis’ work is to be consumed by his inventiveness and the precision of rhythm that he demonstrates from one poem to the next."
To read Villasis’ work is to be consumed by his inventiveness and the precision of rhythm that he demonstrates from one poem to the next, like how he imagines “a singular bird trapped in a series of flashes of light.” “Hindi nakapiit sa multiplisidad / Ng mga huwad na hubog. Halos babasagin ngunit orihinal,” he writes. Or how he toys with the view and vision of the artist: “Hindi ba ito ang layunin ng sining? Itanghal ang efemeral. / Samantala gumagalaw ang mga salita sa haraya ng makata. // Tumatawid sa lahat ng panahon. Katulad ngayon, / Sa landas sa ilalim ng luntiang lilim, kinakausap ko ang pintor, // Humihingi ng permiso na makiraan sa pook ng kaniyang imahenasyon.” Or how he discovers something distinct in the quotidian, say a queue for rice rationing: “Pagsasanay daw ito // Sa pasensya. Ngunit hanggang kailan / Hahabaan ang pagtitimpi? Natatapon / Ang oras sa hindi paggalaw. Mabuti sana // Kung madali itong pulutin. Ang bawat / Sandali’y mga butil ng bigas na isinaboy / Sa kalsada.”
At some point, we realize that we’re no longer dealing with the oeuvre of the painter, for the poet has already taken us elsewhere via his lush and luminous imagery, as though we’re observing worn-out carabaos resting in a mystical field, or passing through a primordial forest. The book is muscular and magical this way. It is tender and cruel in equal measure. It interrogates not only the art or its creator but the very eyes that do the interrogation, exhibiting how language can turn a work of art into daring, wondrous forms. And here Villasis proves why he is a master of the discipline.
After the release of “Manansala” at the Manila International Book Fair (MIBF) last September and in anticipation of a separate book launch to be organized by LIRA this November, I talked to Villasis about pumping new life into the works of our national artist through ekphrastic poetry, the importance of translation, and how “all poems are not finished, only abandoned.”
Editor's note: This interview has been edited for brevity and clarity.
Can you still recall the first time you wrote a poem?
Hindi ko talaga ginustong maging writer. O maging makata. Wala akong kamag-anak na pumasok sa creative industry. Ang Mama Baby namin, nakatatandang kapatid ni Mama, ang natural storyteller sa pamilya. Kaya niyang i-trace ang family tree kahit ng malalayo naming kamag-anak. Binubusog din niya ang imahinasyon namin sa buhay nila noong kabataan at kwento ng kababalaghan lalo na sa tatay nilang Tsino at kung papaano nito ginapi ang engkanto sa puno ng miyapis. Pero hindi nakapagtapos si Mama Baby. Elementary lang siya. Katulad ng iba pa nilang kapatid. Samantala, sa paternal side ng pamilya, mga titulado, nakapagtapos ng kolehiyo. Ang dingding sa bahay nila sa Balic-Balic ay pinupugaran ng mga nakakwadrong diploma’t graduation picture. Mga doktor at dentista sila. Growing up, may pressure sa akin na makapagtapos at magkaroon ng sariling titulo. Dahil gusto kong maging engineer, o pinilit na maging engineer, pumasok ako sa Mapua. Kumuha ako ng ECE.
Sa Mapua ako unang nakapaglaro ng “Dungeons and Dragons.” Third edition pa ang una naming nilaro noon. Fifth ed na ang meron ngayon. Ang una kong character ay bard. Nagustuhan ko ang kapangyarihang meron ang class na ito. Nakakapag-support siya sa pamamagitan ng kanyang tula. At dahil nagbibigay ng bonus sa dice roll ang dungeon master namin (shoutout kay Master Law) kapag niro-roleplay ang character, gumawa ako ng mga tula. Ito ang mga una kong pagtatangka na magsulat ng tula — mula sa mga tulang panalangin para sa sinasambang diyos na si Pelor hanggang sa mga tula na nagsasadula ng mga naging pakikipagsapalaran ng aming adventuring party.
Nagre-review na ako sa board exam nang mapasali ako sa mga Yahoo groups ng mga Pinoy na manunulat. May mga workshop at palihan na nagaganap doon. Bilang breather sa pressure na mapasa ang board exam, nagsulat-sulat ako ng mga tula at pinapakatay ko ito. Ayun, bumagsak ako sa board exam pero kahit papaano natuto akong magsulat.

“Manansala” was released at the Manila International Book Fair (MIBF) last September. Photo courtesy of ENRIQUE VILLASIS
Were there any paintings by Manansala that you didn’t include in the collection? How difficult was it to access all of his works?
Hindi naman mahirap i-access ang mga obra ni Vicente Manasala. Napaka-prolific ni Manansala bilang pintor. Sa katunayan, marami sa mga obra niya ang pinepeke. Challenge ang pagsisiguro na si Manansala talaga ang pintor ang nasa likod ng obra na gusto kong tulaan. May isang tula ako na hango sa pekeng larawan ni Manansala ang hindi ko isinama sa koleksyon. Ito yung “The Bird Seller, 1976” na pinta na mukhang kinopya sa pintang “Birdman, 1973.” Natulaan ko ang “Birdman,” at bilang pagsunod sa ideya ng pangongopya at plagiarism, isinulat ko ang “The Bird Seller, 1976” na katulad sa nauna kong nabanggit na tula ngunit may mga salitang binago.
"Bilang manunulat, naniniwala ako na kailangan ng partisipasyon sa ating mga mambabasa."
Nang binubuo ko ang koleksyon, alam ko na hindi ko makukuha ang lahat ng mga obra ni Manansala para sa libro. Pero hindi ko siya tinitingnan bilang challenge. Bilang manunulat, naniniwala ako na kailangan ng partisipasyon sa ating mga mambabasa. Ayoko namang ilagay lahat ng mga obra ni Manansala para may reference agad ang mambabasa. Gusto ko na matapos nilang basahin ang tula, at kapag naibigan nila ito, ay hahanapin din nila ang pinta sa internet, sa aklat, o di kaya pupuntahan sa mga museo.
May ilang pinta na gusto kong mapasama sa aklat dahil sa mga personal na koneksyon dito. At mapalad ako na tinulungan ako ng UST Publishing House para maisama ang mga ito sa aklat. Ang mga pinta na ito ay ang “Birds in Flight, 1967” at ang “Bayanihan” na sa una pa lamang ay gusto ko nang maging cover art.
I’ve noticed that the poems were not arranged in linear order. What’s the reason behind this?
Curation din ang proseso ng pagsasaayos ng mga tula sa isang koleksyon. Nagtagal din ako dito. Sa simula pa lamang, iniwasan ko nang ayusin ang mga tula batay sa mga taon kung kailan sila tinapos. Para sa akin, may katamaran ang ganitong pagdulog o atake. Gusto kong magkaroon ng naratibo ang mga tula na ito, na magkakaugnay sila kapag binasa from cover to cover. Isang pagsasanaratibo sa galaw, sa migrasyon.
Dahil nga hindi ko nagawa ang orihinal kong plano [na gawin itong homage para sa nobela at pelikulang “Sa mga Kuko ng Liwanag”], inayos ko ang mga tula na naririto na parang obserbasyon ng persona habang siya’y naglalakad — mula sa mga pastoral na tanawin hanggang sa makalipat siya sa lungsod. Hindi lamang espasyo ng lunan tumatawid ang persona kundi tumatawid din siya sa mga panahon. Kasabay ng panunulay ng panauhan sa iba’t ibang lunan at panahon bitbit niya ang mga taludtod mula sa iba’t ibang tula.
One of my favorite pieces in the book is “Birds in Flight, 1965” where you imagined the painting of the same title as “a singular bird trapped in a series of flashes of light, the same way how multiple exposure in photography is done.” I’m curious about how long it usually takes you to interpret each work and write and edit each poem.
Ang tulang nabanggit mo ang unang tula na isinulat ko para dito. Instinct lang siya. Walang guiding principles sa kung ano ang ekphrasis. Parang nangungusap na din sa akin ang obra na tulaan ko daw siya. Na-imagine ko lang siya bilang isang ibong nakakulong sa kuwadro na nagnanais makalipad palabas at isinubject sa multiple exposure ng photograph. Yung mga imposition ng mga imahen ang nakita kong ilusyon ng kawan. Sa hindi sanay ang mga mata para itong isang pamamalikmata.
Dahil instinct siya, mabilis ko ding naisulat ang tula. Mga dalawang oras kasama na din ang pag-eedit. Pero sa ibang tula, mas matagal na. Inaaral ko na ang larawan at mga imahen na present dito. Sinisipat ko na ang mga elementong maaaring maging lunsaran ko para simulan ang tula. Ang pinta ni Manansala na “Madonna of the Slum” matagal kong pinagmunihan sa kung papaano ito tutulaan. Ayokong maging naratibo lamang ito ng isang dukhang mag-ina. Hanggang sa mapagdesisyunan ko ang ugnayan ng pintor sa kanyang subject at bigyang tinig ang sanggol sa larawan. May ilang taon bago ko ito naisulat.
Minsan, nauuna ang linya ng tula. O insight. Naghahanap ako ng pinta ni Manansala na akma sa linya na ito o insight. Madalas, mabilis kong naisusulat ang tula kapag ganito. Minsan, pinaglilimian ko pa ang mga taludtod. Incubation period. Nililimliman pa muna. Kaya hindi ako prolific na makata. Mas madami pa akong tula na nililimliman kaysa napipisa.
Writing ekphrastic poetry is quite demanding in the sense that this form has often been reduced to being descriptive, which is not always a bad thing. But in your poems, you always insist on your philosophy and the ways you attempt to reimagine each of Manansala’s work. I’m curious if this has always been a conscious decision on your part?
May ilang taon na akong nagtuturo ng ekphrasis sa workshop namin sa LIRA. Taon-taon ito ang paksang nakatoka sa akin. Sa pagtuturo nito, lagi kong sinasabi na hindi paglalarawan lamang ang paraan ng pagsusulat nito. Marami pang pagdulog sa pagsusulat ng ekphrasis katulad ng pagbibigay naratibo (paghaharaya), pagbibigay tinig sa tauhang nasa obra, pagbibigay ng konteksto. Maaaring pagsama-samahin ang pagdulog na yan sa isang tula. Halimbawa, paghaharaya, pagbibigay ng tinig, at pagbibigay konteksto. Sa tula ng “Madonna of the Slum, 1950” binigyang tinig ko ang sanggol na ngayon ay lumaki na. Sa kaniyang salaysay, binanggit niya na minsang tumira sa lugar nila ang pintor na may likha ng obra. Isang hapon, sa gitna ng pangangati ng bungang-araw at init sa loob ng bahay, nakita sila ng pintor at saka ipininta. Sa obra na ito nagbago ang buhay ni Manansala ngunit siya na subject sa larawan ay nananatiling naghihikahos at ang tanging maipagmamalaki niya ay ang larawang hindi niya maaangkin.
Guiding principle ko sa pagsusulat ng ekphrasis ay isa itong kritika at prompt. Kapag isinalin mo na ang nakikita (visual) sa mga salita (verbal), may kritisismo nang nagaganap dito.
Can you name any poets or writers that had a significant impact on your work?
Malaki ang impluwensya sa akin sa pagsusulat ko sa mga tulang naririto sa libro, at sa pagkilala ko sa ekphrasis, sa aklat na “Hopper” ng makatang Catalan na si Ernest Farrés. Siyempre yung “Self-Portrait in a Convex Mirror” din ni John Ashbery.
You also write screenplays and scripts for television shows. How is writing poetry any different?
Wala akong luxury of time sa pagsusulat ng script para sa pelikula, lalo na sa teleserye. Kailangang maisulat agad ang script lalo na kapag umeere dahil maraming tao ang umaasa sa inyo — mula sa mga kasama sa production hanggang sa manonood. Collaborative din ang pelikula at teleserye. Hindi single vision dito. Collective ang authorship. Kaya binabalik-balikan ko ang pagtula, kahit walang pera, dahil may naaangkin ako sa sarili kong pangalan.
"Tinitingnan ko kasi ang wika bilang paghinga. Essential siya sa mga buhay natin."
The poems in “Manansala” are relatively long. When can you say that a poem is already finished or complete?
Pagsu-sustain sa poetic energy ang pagsusulat ng mahahabang tula. Kapag naabot ko na ang sukdulan ng enerhiya na ito, doon ko na tinatapos ang tula. Ibig kong sabihin, wala na akong masabi. Noong nakaraang kongreso ng LIRA, nabanggit ni Abner Dormiendo ang isang quote mula sa hindi ko na matandaang makata: “All poems are not finished, only abandoned.” Lahat ng tula ay abandonado.
I’ve seen a couple of your poems being translated by Bernard Capinpin. How important is it to have a translator that genuinely understands your vision and poetics?
Tinuturing ko na isa sa malaking tulak sa akin para tapusin ang “Manansala” ang effort ni Bernard na isalin ang mga tula ko. Hindi lang pagsasalin kundi pati publication sa ibang bansa, inaasikaso niya. Nanghinayang ako kung hindi ko tatapusin ang proyekto. Isang malaking disservice ito sa effort at pagtitiwala ni Bernard na isalin ang mga tula ko.
Hindi lang din magaling na tagasalin si Bernard, magaling din siyang makata. Kaya hindi lang basta one is to one ang ginagawa niyang pagsasalin. Kinukuha niya ang konteksto, ang kahulugan, kahit ang ritmo nito. Nakamamangha nga na nare-retain niya ang musicality ng tula sa orihinal Filipino sa kanyang salin.
Have you tried writing poetry in English before?
Matagal ko nang tinanggap sa sarili ko na hindi ako makakapagsulat ng tula sa English. Disconnected ako sa wika na ito. Tinitingnan ko kasi ang wika bilang paghinga. Essential siya sa mga buhay natin. Nahihirapan akong huminga sa English. Dahil dito hindi ako makagawa na kahit na anong musika mula dito.
Do you share the belief that in poetry everything should be a prompt? If not, when can we say that writing poetry becomes futile?
Lagi namang may silbi ang tula. Even bad poems.