When I first heard of Jo Tanierla’s exhibit “Pagburo at Pag-alsa: Natural Depictions and Illustrated Prophecies (Gelacio, 1910),” I imagined drawings of metabolic processes in food production. I didn’t know the context of his practice back then. But perhaps it’s not entirely wrong to take food as a gateway in reading Tanierla’s work for the exhibit.
For one, food is present in “Pagburo at Pag-alsa.” In the journal that accompanies the illustrations, Tanierla writes about food with great care. “May banayad na pakla at kaunting alat ang kesong puti dito sa Sta. Cruz. Mas siksik din sa kesilyo ng Cavite, at mas makinis,” an entry reads. “Ang kape nama’y kakulay ng dapi’t hapon, at maraming lasa: tsokolate, pulot, dalandan!” Then, it passes an instruction almost like a cookbook: “...iluto nang hilaw sa palayok, at haluing tuloy-tuloy.”

Text from Gelacio’s journal. Photo courtesy of UP VARGAS MUSEUM
The scene figures early in the narrative. Two weeks after they set out for Mount Pamitinan in Rizal from Tayabas in Quezon, Gelacio and Manta-tio, a seer, were enjoying the food described earlier for breakfast in Sta. Cruz, Quezon.
Maybe the context of this fictive journey elicits the presence of food. After all, food is political. Its primary producers have always been involved in social fermentation, which is what the title refers to. Gelacio’s journal also gives an account of the widespread peasant and worker struggles.
But ultimately, food is mundane. It reappears in Gelacio’s account by way of art when they reached Manila on June 11. He recounts copying “Six Persimmons” by Chinese painter Muqi Fachang. And of the result, he leaves a hilarious yet brilliant note: “Ampanget.”

“Six Persimmons” (ink, paper) by Jo Tanierla. Photo courtesy of JO TANIERLA
It is in mundanity that “Pagburo” thrives. Here, Gelacio recounts eating, walking, witnessing a tranvia break down on Escolta, and even gazing at the sky at three in the morning. Perhaps it’s the way it is because a journal is meant to record daily life. And it is in moments of mundanity where fermentation takes place.
Fresh from his win in this year’s Ateneo Art Awards, Tanierla talked to us about the books that informed “Pagburo at Pag-alsa,” the application of magical realism in his work, and why he draws slowly.
Ang ganda ng eksena ng agahan sa show. Could you describe a morning you woke without fear?
Parang laging may pangamba, lalo ngayon, pero minsan late naman sila — nakakapag-NBA, WNBA highlights muna ‘ko, tsaka kape at pandesal.
What’s keeping you busy these days?
Kalakhan ng oras ko since late last year, nasa Tambisan sa Sining (Tambe). Cultural mass organization ‘tong Tambe, focused on workers’ struggles. Marami kaming activities para ro’n: art production, community pantries, lectures and discussions. Sa ngayon, naghahanda kami ng isang medyo comprehensive na palihan, at isang group exhibition at publication for next year.
May project din with other artists from the Philippines and Cambodia, facilitated ng The Museum Collective, katulong ang Load na Dito; nag-iipon din akong works para sa isang zine, sa tulong naman ni Czar Kristoff; katatapos ko lang ding magsulat tungkol sa “Here, Here” ni Joanne Cesario, gusto ko sanang sundan pa. Pero pinaka-immediate ay ‘tong ginagawa kong drawing para sa susunod sanang solo project, sana matapos next year.
Nakita ko ‘yung sinulat mo para sa Tractions. Ang ganda mong magsulat pati na rin mag-discuss ng mga ideya lalo na tungkol sa kasaysayan. Mahilig ka bang magbasa? Kung oo, pwede mo bang i-share kung paano mo na-build itong habit of reading? At gaano siya kahalaga sa practice mo bilang visual artist?
Nako, maraming salamat! Unang attempt ko ‘yun sa isang cohesive na art criticism. My method was quite basic too: ‘rekta sa formal elements ng work and their relations and from that, huhugutin ‘yung connotations and possible meanings, constructing possible syntheses, at iba pa.
After college na ’ko nagbasa nang matino. Naghahanap yata ako noon ng lente para isalansan at maintindihan ang umiiral na kaayusan. So, naghahabol akong magbasa gabi-gabi, nagsisingit ding ilang oras para magsulat nang baku-bakong essays.
Swerte ring maraming kaibigang nagsusulat, mostly from Los Baños. Inlab na inlab lang ako sa works nila. Tapos they’d send me readings, recommend films, basically samu’t-saring kaalaman, with casual chismis.
Sa’kin, ‘yung pagbabasa ay nagbigay ng certain guidance para maintindihan ang material environment pati ‘yung ecosystems sa loob nito. So, ginagamit ko ‘tong mga interpretations sa paggawa. Hungkag siguro ang works ko kung walang deliberate reading, at kung ‘di ako marunong pumili ng babasahin.
Malaking bahagi ng practice mo ang kasaysayan at ang mga nangyayari sa paligid natin. Kailan ka naging conscious na gamitin siyang gabay sa mga gawa mo?
College pa, pero may mga critical na pagbabago sa pagtatasa ko sa kasaysayan at kasalukuyan. Marami akong trabaho noon tungkol sa “Urbana at Feliza” ni [Modesto de] Castro, pati rin sa mga tauhan ni Nick Joaquin. Alam ko na noong gagamitin kong bukal ang colonial history natin, but I thought then that history was an objective field, almost benign, kaya nagkagulatan no’ng mabasa ko na si [Reynaldo] Ileto, ta’s yung “Veneration Without Understanding” ni [Renato] Constantino. Sumunod na sina ma’am Nerissa Balce, ma’am Judy Taguiwalo, ma’am Alice Guillermo, Resil Mojares, ma’am Chingbee [Cruz], at iba pa. Eventually, naintindihan kong colonial at neoliberal pa rin ang karaniwang historiography, pati ang politics ni Nick, so ‘pag nagbabasa ‘ko ngayon, maingat na.

“Welga sa trambiya, Maynila,” from the journal drawings in Jo Tanierla’s exhibit “Pagburo at Pag-alsa: Natural Depictions and Illustrated Prophecies (Gelacio, 1910).” Photo courtesy of UP VARGAS MUSEUM
Nagsulat ka at gumuhit din sa “Pagburo at Pag-alsa.” Ano sa tingin mo 'yung advantage ng words kumpara sa art and vice versa?
Palagay ko palagi silang tumatapon sa isa’t-isa, and to a certain extent, they function as both. Pero sa tahasang antas, o kung pansamantala tayong maglalagay ng boundaries sa art para hindi ‘to masyadong masaklaw, palagay ko mas mabisa ang sanaysay, kwento, tula sa pag-usisa, pati sa paghahatid ng mga usisa sa kamalayan.
Sa advantage ng visual arts, parang may puwang ang realismo. Dahil lumalapit ‘to sa karaniwang danas ng mga pandama natin, may kakayahan siyang magagap ng kahit sino; kaya siya may natatanging bisa. At crucial kasi, lalo sa political context natin, na kausapin — at mas mahalaga — na isama sa art production ang mga nasa batayang sektor.
Balik sa formalist considerations; kaya rin bilib ako pelikula, dula, kanta, at iba pang art forms na ikinakabit ‘yung salita sa mga pandama. Like, wew easyhan n’yo lang mga lods.
What’s your first memory of art? And how did you end up practicing art?
Illustration ni Genie, sa isang storybook. Manghang-mangha ako noon sa pagkatotoo ng rendering ng pisngi n’ya habang umiihip. Hinihimas ko ‘yung illustration para tiyakin na flat ‘yung image. (Laughs)
Siguro, sa pagkamanghang ‘yon nagsimula ang hilig ko sa pagguhit. Nagkaroon ng consciousness sa form, sa technique, kahit wala pa’ko noong pantawag sa kanila. Kaya rin noong makopya ko ‘yung Iron Man drawing ng kaklase ko sa Grade 1, sobrang saya ko, at halos inaraw-araw ko nang mag-drawing ng mga tauhan mula sa anime: sina Raizen, Eugene, Goku, pati mga Gundam. Nakatulong ding karamihan sa elementary classmates ko ay nagdro-drawing.
Load na Dito described your process as “conscientious and slow.” Why do you make art slowly?
‘Yung surface quality kasi na gusto ko, at least with my personal projects — soft tonal transitions, even strokes — kailangang tiyagaan, siguro dahil kulang pa rin ako sa skill? Anyway, sobrang tedious, kaya ‘pag natapos, sobrang saya rin naman. At ‘yung ligaya na ‘yon, na alam mong nasa dulo ng dusa, (Laughs) it helps sustain my practice.
Pero with collective works, mural ng Tambe halimbawa, ibang galawan naman. Dapat mabilis pero pulido, tapos collaborative talaga, planning hanggang execution. Ibang realm sa nakasanayan ko kaya exciting. Buti na lang at nakakasabay naman ako sa mga kasama kahit pa’no, pero madalas nilang kantiyawan ‘yung pace ko. (Laughs)
Sa pagsisimula rin ng personal project — a series of works — basic lang talaga. Nag-iisip na’kong context, initial intentions, at paano sila i-de-deliver. So, sa process ng individual drawings, first step usually is coming up with specific narratives that correspond to the context of the project. Halimbawa, sa ginagawa ko ngayon, the idea was from a detail in Milagros Guerrero’s “The Colorum Uprisings: 1924-1931.” With that historical reference, may setting na agad ‘yung drawing, as well as the subsequent works for the project.
I also think of pictorial disruptions on the drawings’ realism. Dito pumapasok ‘yung pahapyaw na kagila-gilalas. I imagine various permutations of the pictorial scene, pati ‘yung implications nila. ‘Pag parang effective at formidable na ‘yung naisip ko, nagsasalansan na ’kong elements sa drawing ground.
Mechanical na ‘to hanggang matapos, pero dahil makupad ako, palaging may puwang para sa bagong ideas, sa mga chambahang maiisip.
Can you describe your surroundings when you make art?
Boring ‘to: maaliwalas na kwarto, o lamp ‘pag gabi na; desktop sa kaliwa; mga lapis at pambura sa desk; “Ano’ng Kwento Natin” nina Glenn Diaz at Edgar Samar sa speaker; may unfinished small drawing na nakaipit sa sketch pad na nakapatong sa eight-year-old CPU; at isa pang mas malaking drawing na nasa manipis na easel, adjacent sa desk.
Hindi ko napuntahan ‘yung exhibit pero napanood ko ‘yung virtual walkthrough nito. Ang ganda ng pagkukuwento mo at pagbuo mo ng narrative. Pwede mo bang ikuwento kung paano nagsimula ‘yung proyekto?
May tatlong librong crucial sa “Pagburo at Pag-alsa”: “Pasyon at Revolution”;” Babae, Obrera, Unyonista”; at “Body Parts of Empire.” Pare-parehong American occupation ‘yung panahon ng mga saliksik, pero sa iba’t-ibang lugar, at mula doon ko hinalaw ‘yung mundo at fiction nina Gelacio at Manta-tio.
Naghanap din akong ibang references, kasama nga ‘yung mito ni Bernardo Carpio. May suri sa “Pasyon at Revolution” kay Bernardo, pero una ko siyang narinig bilang kwento, bilang higanteng nakipagtunggali sa dwende, naghihiwalay ng mga bundok. Taga-Montalban lolo’t lola ko, kaya sa mga pagdalaw sa kanila una kong narining ‘yung mito. Pinupuntahan pa namin sa Wawa ‘yung bundok na pinagkulungan sa kanya, ‘yung Pamitinan. Kaya noong binabalikan ko na ‘yung lore para sa project, medyo makinis na siya sa isip ko, naka-porma na kumbaga, ihahatid na lang.
Habang tinatapos ‘yung mga unang trabaho para sa “Pagburo,” nagkakaroon din kami ng mga impormal na pag-aaral sa saklaw ng ‘Kanong pananakop; na hanggang ngayon, gano’n pa rin. So, pinili kong usisain ‘yon sa proyekto.
Nagulat din ako no’ng malaman kong nabuo at nabuwag na ‘yung Union Obrera Democratica bago pa hinuli at pinatay si Macario Sakay. Tapos doon nagsimula ‘yung direksyon ng “Pagburo” na tahakin ‘yung laban ng mga manggagawa bilang nakatuntong sa laban para sa kasarinlan.
Gaano pala katagal 'yung pagbuo ng exhibit mula sa ideation, pagsusulat at pagguhit hanggang sa pagpapalabas?
Magdadalawang taon. May mga lumang trabaho ring kasama sa “Pagburo,” halimbawa ‘yung “Pasyon Bernardo Carpio” na 2016 ko pa sinulat. ‘Yung journal entries tagpi-tagpi sila nung una, corresponding with the drawings kasi. Tapos nag-drawing muna akong mapa mula Tayabas hanggang Montalban, binaybay ko ‘yung landas nila sa Google Maps bago ko nagpagdugtong ‘yung mga kuwento.
Siguro kay [Gabriel] Garcia Marquez nagmula ‘yung interes mo sa magical realism. Bakit mo ginagamit ang lente na ‘to sa gawa mo?
Oo, ibang klase talagang gumawa at magwasiwas ng mundo si Marquez. Naintindihan ko eventually na malapit pala sa kasanayan natin ‘tong magic realism. Sa mga kwentong-bayan, mga mito, mga araw-araw na danas, hanggang sa kasaysayan, tumatampok ‘yung kagila-gilalas na pagtasa sa pisikal na realidad.
Kaya ko rin pinipiling gamitin ‘to kasi feel ko may inherent balance sa kanya. May pagtalima sa physical laws pero may layang lumabag dito, kahit konti, o sa paraang patago, halos pa-traydor. So, sa pagdro-drawing, makatotohanan ‘yung eksenang binubuo mo pero may maliit na detalyeng sasaliwa, tapos ‘yung buong composition ay precarious na, ‘di tiyak. Mas matalim ‘yung kwento, ‘yung nagiging trabaho ko ‘pag gano’n, palagay ko.

“Pasyon Bernardo Carpio” by Jo Tanierla. Photo courtesy of UP VARGAS MUSEUM
Ang ganda na nagpapahiwatig ng pag-asa ‘yung mga piyesa sa exhibit. Sabi mo doon sa walkthrough, kung saan nabasag ang alon, kung saan nag-agahan si Manta-tio, naroon ang tunay na paglaya.
Oo, optimistic ‘yung “Pagburo at Pag-alsa.” May historical imperative naman ‘yun ‘no, pero gusto ko lang ding hopeful ang punctuation ng project.
Ang ganda rin ng nabanggit mo sa walkthrough na walang tula ang papalit sa mga katawan sa kalye.
Direct action yata ang tinutukoy ni ma’am Chingbee rito. May puwang pa rin sa paglikha, pero may mga pagkakataong parang hindi ‘yon sapat.
So ano sa tingin mo ang role ng sining sa panahon natin ngayon?
So, doon sa puwang sa paglikha, ok sana kung para ‘to sa laban ng masa, o sa pagpapapunta sa mga tao sa mga lansangan. Siguro rin bagamat may espasyo para sa mga pansariling meditasyon, may urgency nang lumikha para isulong ang kolektibong kapakanan.
What do you do when you don’t make art?
Basketball; nanonood din ako ngayong “Mr. Robot,” anarchy, anarchy (Laughs) pero nakakatuwa naman; inuunti-unti ko rin ‘yung mga librong ‘di ko pa tapos, binabalikan ‘yung iba.
Ano ‘yung mga binabasa mo ngayon?
“The Art of Not Being Governed” ni James Scott, gusto kong maintindihan nang husto ‘yung zomia, ‘yung hitsura at takbo n’ya, malapit kasi sa bagong project. Gusto ko ring simulan na ‘yung “The God of Small Things” ni Arundhati Roy. Tinutuloy ko na rin ‘yung Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo, collection ng essays.

Kaingin, graphite and paper by Jo Tanierla from his exhibit “Pagburo at Pag-alsa: Natural Depictions and Illustrated Prophecies (Gelacio, 1910).” Photo courtesy of UP VARGAS MUSEUM
Nagsusulat ako on the side for a living pero guilty ako na hindi ako nakapagbabasa ngayon. Siguro ma-attribute natin 'yung kawalan ng oras para makapagbasa sa kapitalismo siguro, 'no? Pinapahiram natin ang mga katawan natin sa kapitalismo dahil ito 'yung kinagisnan nating paraan para mapunan 'yung mga pangangailangan natin.
Oo, mismo, sinasaid talaga tayo ng kapitalismo. 'Di ba, saan ka pa hahagilap ng oras at lakas na mag-aral at lumaban? Kaya rin sobrang hanga ako sa mga unyonista. May mga nakapanayam kami dati tungkol sa pagkilos nila, tapos grabe lang 'yung sakripisyong ginagawa nila. Mga hindi agad umuuwi pagkatapos ng trabaho kasi may tasks pa sa unyon. Hindi lang sa management kailangang makipag-negotiate, pati sa pamilya, sa nanay, sa asawa. Pero 'yung unyonismo na lang kasi ang rekurso nila para sa pagkakataong mamuhay nang disente.
Anyway, 'yung guilt, feel ko katangian talaga 'yan ng uri nating petiburges, na umuusbong 'pag naging aware na tayo sa systemic oppression. May mga ginagampanan na 'kong tasks, pero may guilt pa rin. Siguro kasi manifestation 'yon ng contradictions within us, tapos sabi nga ng isang kasama minsan, panghawakan 'yung contradictions, kasi gagabayan ka no'n sa dapat mong gawin.
What do you think are the biggest challenges for artists right now?
Sagka sa paglikha at disenteng lyf? [sic] Siguro ‘yung kapitalistang sistema nga at ugnayan sa produksyon na umiiral dito. Kaya rin hindi lang artists ang hirap ‘no, pati mga manggagawa, mala-manggagawa, lahat yata ng lumilikha at lumalahok sa produksyon.
Tapos itong uneven relations of production natin, hindi lang sa economic aspect nagpapahirap, hagip pati ang pulitikal. Halimbawa: barat na compensation at limitadong mga karapatan, pagiging “legal” o “lawful” nito, at paggiit sa ’tin ng mga institusyon kung bakit ‘to "nararapat." Dine-dehumanize tayo, kasabay ng justification para rito.